03

45 3 0
                                    

Woah onti nalang pala ang dapat kong ilagay. Di ko rin napansin na limang oras na ang ginugol ko para sa pesteng box na to.

May kumakatok sa pintuan ko. Pag bukas ko, bumungad sakin si Caylie.

"Ate 9PM na. Kain na tayo. Gutom na ako. Luto ka na. Please?" Okay. Nag pout siya. Ang cute. Heh!

"Sige antayin mo nalang ako sa lamesa." Inayos ko muna yung mga kalat sa kwarto at bumaba narin ako at nagluto ng kakainin namin ngayong gabi.

Marunong ako magluto, maglinis ng bahay, maglaba, magplantsa, maghugas ng plato, at iba pang gawaing bahay. Sanay na kasi kami ni Caylie na laging kaming dalawa lang ang nasa bahay kaya marunong na kami ng kami kami lang.

Nag hugas na ako ng mga plato pagkatapos kumain habang si Caylie ay nanonood.

"Caylie akyat na sa kwarto. Mauna ka ng matulog. Wag mong gagalawin yung mga gamit ko doon ah? Pati yung box." Tumango naman siya at umakyat na.

Naglinis ako ng kaunti dito sa bahay para hindi ako mapagalitan ni mommy paguwi. Ni lock ko na rin ang mga pinto dahil alam ko namang may extrang susi si mommy kung darating na siya.

Umakyat na ako sa kwarto namin ni Caylie at naabutan ko siyang tulog na. Ang bilis ah. Tumingin ako sa orasan sa kwarto. Ay 10:30 na pala kaya tulog agad.

Hays. May tatapusin pa nga pala akong box. Dahil ngayon ay Miyerkules at sa Sabado kami magkikita, may tatlong araw pa ako para namnamin ang mga 'to bago ko ibalik kay Jandrix.

Tinignan kong muli ang nasa loob ng box. Unti unti na namang bumabalik ang mga ala ala na pinagsamahan namin.

Medyo lumalabo na rin yung nakikita ko dahil narin sa nagbabadyang mga luha.

Hinawakan ko ulit yung mga nailagay ko dito sa kahon. Tinignan ko na naman isa isa ang napaka dami naming litrato. Lahat ng to ay may kwento. Alam ko rin ang date ng karamihan sa mga ito.

Niyakap ko rin ulit yung dalawang stuff toy na nandito. Shit umiiyak na naman ako.

Kinuha ko rin yung mga letters na bigay niya. Binasa ko ulit lahat. Hindi ko na nga alam kung gaano na ako katagal nagbabasa dahil marami at mahahaba talaga yung mga letters na gawa niya.

Patuloy parin ako sa pagiyak. Kaya hindi ko napansin na nag chat pala ang bestfriend ko na si Lyna kaninang 10:40PM. Lyna Maxine Cuevas ang buong pangalan niya. Magkaklase kami sa St. Joseph Academe. Nakita kong 11:32 na pala ng gabi.

*Bitch: Bitch! Mag ttraining ka ba sa Sabado?*

Hala bakit kaya niya natanong. Hindi naman kasi siya pala absent sa mga training. Medyo malabo pa rin nga ang paningin ko dahil sobra sobra na naman yung iniyak ko ngayong gabi.

"Yes bitch. Sorry ngayon lang ako nakapag reply. Hindi ka ba aattend?" Reply ko sa kanya. Makatapos ang tatlong minuto nag reply na siya.

"Oo eh. Kasi diba tuwing 24 ang punta ko sa dentista." Ay oo nga pala. Last week ng buwan ang pag papa adjust niya. Yes, may braces siya. Pareho kami.

"Ow. Onga pala. Anong kulay ba tayo sunod? haha!" Pinag uusapan kasi namin lagi yung sunod na kulay ng rubber namin para matchy matchy daw kami. Cool no? I know right.

"Mag clear tayo bitch. Nakita ko meron e." Clear? Not bad. Meron pala non. Haha! Di kasi ako natingin na masyado sa lalagyan ng mga rubber e. Kung anong kulay kasi mapag usapan namin ni Lyna, dun lang ako naghahanap.

"Sige! Btw may kwento ako sayo bukas. Jandrix again." Sana naman di pa pagod si Lyna sa pakikinig sa mga drama ko.

"Ano na naman ang nangyare? Okay sige bukas :))" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Caylie.

"Ate umiiyak ka ulit? Matulog ka na! Susumbong kita. Lagot ka pag naabutan ka ni mommy na gising pa." Akala ko ba tulog siya? Pa epal psh. Joke! Pinunasan ko agad yung mga mata ko. Napansin niya pala. Sana di siya magsumbong.

"Hala! Hindi ako umiiyak! Oo na eto na matutulog na! Matulog ka na ulit!"

Inayos ko na ulit yung mga gamit at itinabi ko na yung box. Pinatay ko narin yung ilaw at humiga na ako.

Kinuha ko yung phone ko at nagreply kay Lyna. "Sige bukas nalang bitch. Nightie night! :*"

"Night! :*" Pagkatapos niyang mag reply ay nilagay ko na yung phone ko sa ilalim ng unan ko at nagdasal na.

Napa hikab narin ako agad. Dala narin siguro ng kakaiyak at pagod para sa araw na to.

Kailangan ko ng magpahinga at mag aayos pa ako bukas.

Jandrix sana kung ano man yung sasabihin mo sa Sabado, sana hindi na naman ako masaktang muli. Dahil hanggang ngayon, mahal parin kita...

Barely BreathingHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin