Naaalala ko pang ilang araw kong tiniis na wag siyang kausapin, wag siyang replyan, wag siyang i-chat, at wag siyang pansinin sa campus.
Gustong gusto ko na talaga siyang kausapin agad noon, kaso pag mabubuksan ko yung chat namin tapos makikita ko yung pagmamaka awa niya sa akin na wala lang daw si Jenna, pinagtripan lang daw niya yon, na ako daw yung mahal niya, hindi ko siya maatim replyan. Gago pala siya e.
Palaging bumabalik sa akin na niloko nila ako. Walang kami, pero pinaniwala niya ako na ako lang.
Sana hindi na lang siya nangako na ako lang yung babaeng mamahalin niya.
Hindi lang niya ako pinaniwala, pinaasa niya pa.
Pero wala e, malambot si Gray. Di niya kayang tiisin ng matagal si Jandrix. Matalino nga sa pag aaral, mahina naman sa pag ibig.
Araw-araw niya akong mine-message na bumalik na daw ako sa kanya, patawarin ko na daw siya, mahal na mahal daw niya ako.
"Gray I'm so sorry. Sobra na akong nagsisisi na ginawa ko yon. Oo alam ko dapat hindi ko na pinag patuloy yung sa amin ni Jenna. Sobrang mali ako don. Tignan mo account ko. Naka 'block' na siya sa lahat. Naka 'mute' na rin yung convo namin. Ano pa ba dapat kong gawin para mapatunayan ko na kahit na sinong babae pa dumating, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko. Mahal na mahal na mahal kita Gray, aking prinsesa. Bumalik ka na please."
Araw araw na ganyan. Paano ko maaatim na hindi siya bigyan ulit ng 'second chance' kung ganyan? Kaya kahit masakit, pinatawad ko siya. Bumalik ulit ako sa kanya.
Yan yung masasabi kong pinaka malalang away naming dalawa. Pero makatapos nga ang ilang linggo, unti unti rin naming naayos yung samahan namin. Hindi naging mabilis yung pagbalik ng tiwala ko sa kanya.
Pag ang tiwala talaga ang nasira, mahirap ng ibalik. Subukan mo mang ibalik, hinding hindi na buo yung tiwala na kaya mong ibigay.
Tinotoo niya rin yung sinabi niyang i-bblock niya si Jenna sa lahat ng account niya. Kaya alam kong hindi na sila nakakapag usap o nakakapag kita.
Pero mukhang hindi rin nila napigilan. Matagal tagal rin bago ko nalaman na naman na nagsasama ulit sila.
Pasado ala-singko na ng hapon at kalalabas ko lang ng classroom kasabay si Keith para sunduin na si Lyna sa kabilang section dahil may training pa kami ngayon ng volleyball.
Nang lumabas na si Lyna, naglakad na kami papunta ng canteen para mailapag ang aming mga gamit para makapag palit na kami ng uniform.
Nasa CR na kami ngayon kasama ang ilan sa mga ka team namin sa volleyball. Lumapit sa akin si Gwynneth.
"Ate Gray, may ikukwento ako sayo mamaya." Bulong niya sa akin. "Okie" At nagsimula na akong magpalit.
Nang makumpleto kami sa court, nagsimula na ang aming training. Habang nag jo-jogging, tinabihan ako ni Gwynneth.
"Oy ano nga pala yung kwento mo?" Tanong ko sa kanya. "Ate tungkol kay kuya Jandrix." Kinabahan ako agad. Sana magandang kwento ito. Jusko po.
Habang patuloy kami noon sa pagtakbo, tahimik lang ako dahil sa narinig ko kay Gwynneth. Gulat na gulat ako noon. Ang alam ko kasi matagal na silang hindi nag uusap at nagkakasama. Akala ko lang pala ulit.
"Kasi nung isang araw habang pauwi ako, nakita ko si kuya Jandrix tsaka si ate Jenna galing sa CSM. Nung tinanong ko si kuya kung bakit sila magkasama, ang sagot ni kuya Jandrix e "Nadaanan ko lang habang pauwi." Pero ate ang imposible kasi. Eh ang bahay ni kuya Jandrix, doon sa unahan. Eh ang layo kaya ng pagitan ng CSM sa bahay nila. Inasar ko pa nga ng "Uy lagot ka kay ate Gray. Susumbong kita." Tapos sabi niya huwag ko na daw sabihin sayo. Eh baka kasi pag di ko sinabi, baka paulit ulit nilang gawin yon. Mukhang sinundo niya si ate Jenna sa CSM pagkatapos ng klase nila eh."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Barely Breathing
Teen FictionNagsimula sa ligawan. Napag pasyahang subukan. Parehong lumaban. Ngunit nagtapos parin sa iwanan. Matatamis na salita sa una, ngunit naging mapait sa huli. Ipinagbabawal na pagmamahalan, ngunit nagpatuloy parin. Dalawang taon na pinagsamahan, nga...