Kabanata 25

9K 178 5
                                    

Blank

"Please kumain ka muna kahit ilang subo lang para may laman naman ang tiyan mo." It was Blaze. His voice sounded so soft and it pains me.

I'm lying in our bed while my back is facing him. Ilang araw na ang lumipas mula ng mawala ang baby namin dahil sa tama ng baril sa aking tiyan. Hindi na naagapan pa ang bata kaya wala na kaming choice kundi kunin na lang ang bata sa aking sinapupunan dahil delikado ito sa aking katawan.

Simula noon ay palagi na lang akong tulala at hindi nagsasalita. Si Blaze lang ang nag-alaga sa'kin. The girls brought me fruits and food pero hindi sila kaillanman sumubok na kausapin ako dahil naiintindihan nila na ayaw ko pa iyong pag-usapan at gusto ko muna na mapag-isa.

Naramdaman kong lumundo ang kama sa tabi ko. I felt Blaze's hand caressing my hair.

He sighed. "Venus Camille, kung palagi ka na lang ganito baka magkasakit ka na. Gusto mo bang magalit si baby kapag nalaman niyang nag gaganito ang mommy niya dahil sa pagkawala niya? Hindi diba?" He sighed again. "That baby is still part of our lives even though he's gone now. Kung nakikita ka lang niya ngayon ay baka magalit rin siya sa'yo dahil sa ginagawa mo sa sarili mo."

Pumikit ako at mas dinikit pa ang ulo sa unan. I don't want to listen to him but he is right. I am ruining myself because of what happened. Hindi ako ito. I'm a strong woman pero parang isa akong nasirang baso dahil sa nangyari sa anak namin.

Huminga ako ng malalim at inayos ang pagkakahiga ko para makaharap ko na si Blaze. He looks tired. Meron pang tumubong mga balbas sa kanyang baba at panga na parang hindi naahitan nang maayos. Nangingitim rin ang ilalim ng kaniyang mga mata. Halatang hindi rin siya nagkaroon ng magandang tulog kagaya ko.

Umayos ako ng upo at kinuha sa kaniya ang soup na niluto niya para sa'kin. Unti-unti akong kumain habang siya ay nakamasid lang sa akin. Ng matapos na ako, kinuha niya sa'kin ang bowl at lumabas na ng kwarto. Ilang minuto pa'y bumalik siyang may dala-dalang gamot sa kamay.

Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng isang basong puno ng tubig at isang gamot. "Drink these, wife. Maintenance mo ito para mas gumaling ka na."

Kaagad ko naman siyang sinunod. Matapos kong inumin ang gamot ay inilagay niya sa bedside table ang baso at inayos ang pagkakahiga ko. Itinaas niya ang kumot hanggang balikat ko at hinalikan ako sa noo. "Goodnight, wife. May gagawin lang ako. I'll be back soon." Aniya at tumayo na para maglakad papunta sa pintuan.

He was about to open the door when I called his name. "B-blaze!"

Nanlalaki naman ang mga matang nilingon niya ako. "You called me..." Hindi makapaniwalang sabi niya.

I can't blame him. That's my first word since our baby died.

I smiled at him. "Take care..."

He grinned then nodded. "Of course." Doon na siya tuluyang lumabas ng kwarto namin.

Ang ngiti ko sa labi ay biglang napalis. Naramdaman ko ang pagbabadya ng luha sa gilid ng mga mata ko habang nakatingin pa rin ako sa pintuang nilabasan ng asawa ko.

I'm sorry, Blaze


Blaze

I went home after my work. Kumunot ang noo ko ng makitang nakapatay ang ilaw sa bahay na kanina lang ay iniwan kong bukas. Mabilis akong naglakad papuntang bahay at bubuksan sana ang pintuan gamit ang susi pero sa pagkabigla ko, bukas iyon at hindi naka-lock.

Parang sasabog naman sa kaba ang aking dibdib dahil sa mga pumapasok na senaryo sa isipan ko. Fuck it! Sana mali ang iniisip ko.

Tinakbo ko ang distansya papuntang kwarto namin. Wala na akong pakialam kahit na matalisod pa man ako. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin, only to see it empty. It was clean. Walang kahit anong gusot roon. Parang walang tao roon. Parang wala roong nakahiga kaninang umalis ako.

"No!" Napasabunot ako sa aking buhok at tinungo ang closet namin. Half of her wardrobe was empty. She really left me.

Napaupo na lamang ako. I don't care if tears were streaming down my face. All I feel now is a pain in my heart. She left me again for the second time and it fucking hurts like hell!

Hindi ko namalayang sinusuntok ko na pala ang pader na nasa harapan ko. I don't even care if my knuckles are hurting and bleeding. I felt numb suddenly.

No. She can't just leave me. She can't do this to me anymore. Kung kailangan gawin ko ang lahat para bumalik lang siya ay gagawin ko. This may sound cliche but she is my life. She's the one who filled the gap inside my heart. She's the one who made me complete. Hindi ko hahayaan na makawala pa siya sa'kin sa ikalawang pagkakataon!

Pinahid ko ang luha ko at inayos ang sarili. I will find her. Lumabas na ako ng kwarto ko at dinial ang number ni Hunt.

"Bro." Bati niya.

I heaved a sigh. "I need your help, Hunt."


Venus Camille

"Our beautiful neighbor, we brought foods for you. We know that you're not feeling well since you arrived here. We hope this will make you feel better." Randy said while handing me a basket full of different kinds of fruits.

I smiled at him before giving my gratitude. "Thanks for this, Rand."

"You are always welcome, Miss Aphrodite." Aniya at nagpaalam na dahil may trabaho pa siya.

I sighed then locked the door. Pumunta ako sa veranda at pumikit para pakiramdaman ang malinis na simoy ng hangin. I can't help but think about the situation of my husband right now. I know that he's mad and hurt because I just left him without even saying any word or even a good-bye.

Napapikit nalang ako nang tumulo nanaman ang mga luha sa mga mata ko. I can't stop myself from remembering all the pain. I can't stop remembering how my unborn child died again. They kept saying that it's not my fault, but for me it was.

Pinunasan ko ang luha ko at minulat na ang mga mata. Only to see someone I didn't expect to see. He's standing there, looking right into me at the veranda. Even though his face is blank, I can see the emotions in his eyes.

"Blaze."

STONE MIKAELSON

Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon