Bomb
Kakalabas ko lamang galing sa banyo noong makita ko siyang nakatingin sa'kin ng seryoso habang nakaupo kami sa kama namin. Halatang gusto niya na talaga akong maka-usap sa mukha niya pa lang.
"Mag-uusap na tayo ngayon." He said.
Hindi ko siya pinansin at pumunta na lamang sa wardrobe. Nagbihis ako, not minding his presence. When I got dress, hinayaan ko lamang ang basa kong buhok na nakalaylay habag naglakad ako palabas sa kwarto pero hindi na iyon natuloy noong hinawakan niya ako sa braso ko.
"We will talk now kaya huwag mo akong talikuran." He looks angry now.
I rolled my eyes. So fucking impatient!
"Sige, we'll talk cause you're annoying me."
Hindi naman niya pinansin ang inis sa tono ko. "Bakit itinago mo sa'kin na buntis ka?"
I sighed. Here we go again. "I didn't hide the baby from you, idiot. Paano ko sasabihin sayo? eh, wala nga ako rito sa Pilipinas."
Mukhang mas lalo siyang nainis sa sagot ko. "You should have contacted me! mas pinairal mo kasi 'yang pride mo!" Tumaas na ang boses niya.
Huh! Ako pa ngayon ang may kasalanan?
Nameywang ako sa harapan niya. "First of all, hindi ko pinairal ang pride ko," Nanginig ang boses ko. "I asked you for time and you gave it to me. Ako pa ngayon ang sasabihan mo ng ganyan? I won't fucking leave if it wasn't your fault."
"Alam ko na may kasalanan ako pero hindi mo na sana ipinagkait sa'kin ang anak natin." Umigting ang panga niya.
Hinilot ko ang sentido ko. "How many times do I have to tell you na hindi ko naman sa'yo ipinagkakait ang anak natin. Why do we have to fight for such trivial things?"
Biglang nagbago ang ekspresyon niya at medyo kumalma na. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at napaupo sa kama namin. "You're right... I'm sorry for what I acted just now... I have been irrational, sorry wife." Yumuko siya at bumunton-hininga ulit.
Umiling-iling ako at umupo sa tabi niya. Sumandal ako sa balikat niya at ipinikit ang mga mata.
"I'm sorry, too, but you have to understand what I was feeling that time..."
"I know."
Katahimikan ang bumalot sa'min. Nanatili lang akong nakasandal sa kaniya habang pinapakinggan ang paghinga niya ng malalim.
"You know," Pag-uumpisa ko. "Thorn is nearly five months."
Naramdaman ko ang pag galaw niya pero nanatili paring nakapikit ang mga mata ko.
"Thorn?" Nagtataka niyang tanong niya na ikinangiti ko.
Umalis ako sa pagkakasandal sa balikat niya at tumingin nang deretso sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Thornado Erthe Davids, How 'bout that?"
Natulala lang siya sa'kin at parang sini-sink in parin ang mga impormasyong sinabi ko.
"I... I have a son..." Wala sa sariling pahayag niya.
I just chuckled. "Yes, we have a son. I'm excited for him to see the world."
Habang nakatingin ako sa kaniya, nakita kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya na ikinalaki. That made my eyes widen.
"Don't tell me you're about to cry?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Mabilis naman siyang umiling at mabilis na pinalis ang luhang tumulo sa gilid nang mata niya. Nawala ang panlalaki ng mga mata ko. Instead, a soft smile appeared on my lips.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Secret | Venus Camille (Completed)
Ficción GeneralBata pa lamang ay alam na ni Venus Camille kung para kanino lamang ang puso niya. She was still young when she fell in love with her friend's brother, Blaze. Imagine her shock when he suddenly proposed to her that lead to their now marriage. She did...