Special Chapter

3.7K 26 7
                                    

Mikaella Povs

Ang bango ng unan ko, yung kumot pati na din ang kama. Sobrang lambot.

Ang sarap pa matulog. Ang sarap pa humiga. Pero dahil sa panaginip ko mabilis kong minulat ang mga mata ko.

Paano nga ba ako nakauwi dito sa bahay ko? Hindi ko na matandaan ang ibang pangyayari magmula ng pagsakay ko sa sasakyang pinara ko upang makasakay ako.

Umupo ako sa dulo ng kama na umiiyak. Ang sakit pa din. Akala ko kapag nakatulog ako paggising ko ay wala nang sakit, pero meron pa pala. Andito pa din. Ang sakit sakit!

Humiga ulit ako at pinilit na matulog, at ilang sandali lamang ay nakatulog na ako. Siguro dahil ang sakit ng mga nangyayari. At pagod na din ako. Yung mata ko pagod na sa kakaiyak.

"May nakapagsabi na ba sayong ang Ganda ng mga mata mo para umiyak lang ng umiyak?"

Napatingala ako at tingnan ang taong kumausap sa akin.

Feeling ko kilala ko sya, Feeling ko ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Ikaw palang." Sabi ko at tsaka pinunasan ang luha ko.

I heard him chuckled at umupo sa harapan ko.

"Wow, ako palang talaga? Bakit ka ba kasi umiiyak?" Tanong nito sa akin.

Nakakunot ang noo ko at tiningnan sya.

"Kasi walang nagmamahal sa akin." Sagot ko sa kanya at naiyak na naman ako.

Pag aaalala ko sa iyong kay Dale . nasasaktan pa din ako.  Ang sakit eh. Ang sakit dito.

Sinanay ako ng tao tapos iiwan din pala ko.

"May nakapagsabi na ba sayong kaya tayo iniiwan dahil hindi sila ang para sa atin?" Tinignan ko syang ng masama.

"Sino kaba para magsalita ng ganyan? Ikaw ba si kupido?"tanong ko


Tumawa sya. "Hindi." Sagot nya.

"Eh kung hindi? Sino ka?" Nagtataka kong tanong.

Hindi sya sumagot instead he just looked straight into my eyes.

"I'm asking you." Pag susungit ko.

"Ako si Destiny." Sabi nya. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"T-talaga?" Nagsimula simula na naman akong umiyak.

"B-bakit ka umiiyak?" Pagaalala nyang tanong.

"K-kasi kung totoong ikaw si Destiny? Dapat walang mga taong naghihiwalay. Walang mga taong nasasaktan. Walang mga taong pinagpalit!" Umiiyak kong sumbat sa kanya.

"Kaya sila nasasaktan kasi nagtatake sila ng risk sa hindi dapat." Sagot nya.

"Ang kapal ng mukha mong magsabi ng ganyan. Bakit? Paano mo ba malalaman na sya na ang tamang tao kung hindi mo susubukan?!" Sigaw ko sa kanya. Wala syang karapatan na sabihan ng ganito ako.

Kaming mga nasasaktan.

Hindi sya nakasagot. Kaya naman kinuha ko ang shempo para tanungin sya.

"Bakit iniwan kana ba? Nagmahal kanaba? Nasaktan ka na ba?" Tanong ko.

Hindi naman sya  nakasagot sa tanong ko at nanatiling nakatitig lamang sya sa mga mata ko.

Dare GirlfriendWhere stories live. Discover now