CHAPTER 3: ♥ BAGONG LOVE TEAM?! ♥

1.2K 25 4
                                    

CHAPTER 3: ♥ Bagong Loveteam?! ♥

 

 

~ ~ ~

Julia’s POV

“Julia! Wait!” narinig kong sigaw ni Kath sa akin habang hinahabol ako…

 

“Oh?! Bakit Kath?”  huminto muna akoathumarap sa kanya at hinintay ko siyang makarating sa akin

Nang nahabol niya na ako, pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko at nagsimulang magsalita habang hinihingal siya…

“Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin kahapon nung uwian? Yung tungkol kay Daniel…” tanong niya na halatang excited na excited malaman. Sinubukan ko palang sabihin sa kanya kahapon nung uwian kaya lang nagiba na kami ng way pauwi…

Sabi na nga ba magiging interested toh, kasi tungkol kay Dj…

“Ahh, yun, gusto mo ba talagang malaman?” tanong ko ng pabiro sa kanya…

“Baka magalit ka sa akin eh…wag na lang” biro ko … wala lang trip ko lang siyang bitinin ^_^

“tsss?! Sige na kasi! Ano ba kasi yun?? Alam mo naman kailangan updated ako tungkol sa kanya…” sabi ni Kath na parang batang nagmamakaawa…

“Sige, ganito kasi yun, si Dj kasi may gustong ligawan…”dahan dahan kong sinabi kay kath

“Ano?! Totoo? Paano na tayo?” tapos nag-pout siya…

Pero parang hindi masyadong nabigla si Kath, I mean yung iba yung ine-expect kong reaction niya yung para bang “Ano?! Di ako papayag! Dj must be single FOREVER!!” yung para bang ganung reaction… para kasing sa tono niya para bang OK lang sa kanya yun na may balak ligawan si Dj…

A Secret Love (JulNiel Story) ~SLOW UPDATE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon