~ ~ ~
Julia’s POV
“Daniel meet Julia…” halos manigas ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil finally naka-face to face ko na rin siya!! Kasi he’s from different class so minsan lang kaming magkita….
Masaya ako dahil makikilala na ako ni Dj, pero nagtataka ako bakit biglaan? Bakit bigla na lang akong pinakilala ni Albie sa kanya?? Anong meron?
“Daniel siya yung sinasabi kong tutulong sayo…” pasimpleng bulong ni Albie kay Dj…
Tutulong sa kanya? Anong klaseng tulong? Kahit anong tulong gagawin ko mapansin mo lang ako!! >.<
“Ahh, Julia alam kong tutulungan mo si Daniel sa maliit niyang problema,so mauna na ako may pupuntahan pa kasi ako eh, si Daniel na bahalang magpaliwang sa’yo kung ano yun…sige bye!!” bilin sa akin ni Albie na halatang nagmamadali…
Excited na akong matulungan si Daniel sa problema niya, in that way, magiging friends kami, then magiging close kami!! Wahahaha… Sige Dj, kahit anong problema mo dadamayan kita! xD
“Ahh, Julia… pagpasensyahan mo na yung si Albie malamang pupuntahan na naman niya si Kath..” sabi ni Daniel sa akin.. kaming dalawa na lang ang naguusap ngayon, walang eepal, ohmaygosh!!
Julia FOCUS!! Kailangan di ka magpahalatang kinikilig ka!..
“Ahh, oo siguro, alam mo naman ang mga TORPE sa pangaasar DUMIDISKARTE!” biro ko sa kanya,tama idadaan ko na lang sa mga banat, para maging comfortable ako…
“ahahaha, oo nga” wow! Napatawa ko siya!
waahh! >.< ang sarap niyang kausap…
BINABASA MO ANG
A Secret Love (JulNiel Story) ~SLOW UPDATE~
Teen FictionMANHID ka....TORPE ako.... PAANO MAGIGING TAYO?? Kailan mo kaya mapapansin ang pagtingin ko sayo? Kailan ko ba masasabi itong nararamdaman ko??