Daniel's POV
"d- DJ... " isang malamig na boses ang narinig ko mula sa kanya. Nakita ko ang kasiyahan sa mga mata ng babaeng una kong minahal.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, na parang hindi kami nagkita ng ilang taon.
Nagulat ako sa ginawa niya, di ko alam ang gagawin ko, nagdadalawang isip pa ako kung yayakapin ko rin ba sya pabalik....
Napatingin ako ng diretso at nakita ko si Julia
Ka-kanina pa siya dun? Anong ginagawa nya dito? Tinitignan niya kami?!
Napansin niyang nakita ko sya kaya nginitian nya ako ng malungkot at tumakbo na sya paalis....
"Julia..." pabulong kong sinabi at kumawala ako sa yakap ni Zharm
"Julia? Bakit DJ?" tanong niya sa akin habang hawak ang isang kamay ko...
Ewan ko ba, parang naiilang na ako sa ikinikilos ni Zharm....
"Wala" sabi ko sa kanya.
Tumawa sya ng konti na parang hindi na nya inintindi yung sinabi ko
"alam mo hindi lang pala tayo nagkaintindihan noon..." panimula niya
"kaya mangako ka sa akin na hindi mo na ulit ako pagseselosin kasi.... mahal kita DJ, and I know you still feel the same thing for me..." dagdag nya
???
BINABASA MO ANG
A Secret Love (JulNiel Story) ~SLOW UPDATE~
Teen FictionMANHID ka....TORPE ako.... PAANO MAGIGING TAYO?? Kailan mo kaya mapapansin ang pagtingin ko sayo? Kailan ko ba masasabi itong nararamdaman ko??