CHAPTER 5: ♥ANG SWEET! ♥

1K 18 7
                                    

Chapter 5: ♥Ang Sweet! ♥

'’'’'’'’'’'’'’'’

Daniel’s POV

Ano kayang bagong pangasar ko sa kanya mamaya??

Excited na akong makita siya! Ano kaya kung magpalipat ako ng section para araw araw ko siyang makasama?!

~ Lunch ~

 

 

 

“Uy! Daniel!” bati sa akin ni Albie paglabas niya ng room nila

“Bro!... nakita mo ba si …Julia???” tanong ko sa kanya…

“si Julia nanaman?!! Bro, baka nagkakagusto ka na sa kanya huh!”  pangasaar sa akin ni Albie…

Hala! Siguro  bumabawi lang to sa akin kasi lagi kong binabanggit si Julia sa kanya…

“ano ka ba! Bilis na may sasabihin ako sa kanya….” Binago ko na lang ang usapan

“andun pa ata siya kasama sila Zharm sa loob…” sagot ni Albie sabay  turo sa room nila…

“sige mauna na ako pre! Kita na lang tayo mamaya!” paalam sa akin ni Albie… um-oo na lang ako sa kanya…

Hinintay kong lumabas si Julia, pero di ko alam kung bakit… basta naisipan ko na lang pumunta dito at hanapin siya… parang may nagtutulak sa aking magpunta sa kanya…

A Secret Love (JulNiel Story) ~SLOW UPDATE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon