Jihoon
"Ji, anak."
"Po?"
"Kumain ka na, kanina ka pa diyan."
"Sige po ma, sandali lang."
Pinindot ko ang save button at tumayo na para kumain.
"Anak, natapos mo na yung ginagawa mo?" Tanong ni mama habang nilalagay ang kanin sa lamesa.
"Malapit na po ma, nirerevise ko lang."
"Mabuti naman, anak. " ngumiti siya sa akin at ganon din ang ginawa ko.
Hindi ko alam kung gaano ako ka swerte. Kahit hindi naman 'to gaano ka importante ang pagcocompose ko ng mga kanta, nandito si mama para suportahan ako. Pero tutol si papa non, at yun ang dahilan ng pag-alis niya.
"Ma, may bibilhin lang ako."
"Sige anak, mag-ingat ka."
Naglakad ako patungo sa book store. Wala naman talaga akong bibilhin, gusto ko lang mamasyal. Wala naman pasok ngayon. Pagkapasok ko sa shop, sumalubong agad ang mga bagong dating na mga libro.
"Jihoon!!!" May sumigaw kaya lumingon ako.
Wonwoo
"Natapos mo na ba yung kanta?"
"Malapit na... Sumama ka na lang pag-uwi para mabibigay ko na yung copy. " niyaya ko siya.
"Ay sige, pero bibili muna ako ng libro. " ngumiti lang siya sa akin at hinila patungo sa shelf kung saan nandoon ang librong nais niyang bilhin.
Oo, crush ko si Wonwoo.
Sinadya kong pumunta dito, para makita siya. Alam kong dito siya pumupunta araw-araw.
"Tara na?"
Naglakad lang kami papuntang bahay. Nahihiya lang ako kasi bumabangga ang mga siko namin.
Kwek-kwek.
"Teka lang, bibili muna ako ng kwek-kwek."
Paborito kasi ni mama ang kwek-kwek. Kung may oras ako bago umuwi galing sa school, papasalubungan ko siya nito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang nakarating na kami.
"Mamaaaaa! Dinalhan kita ng kwek-kwek" sabi ko.
"Oh, wonwoo? Nandito ka pala!!" Niyakap niya si Wonwoo.
"Ay opo, kunin ko lang yung pinagawa ni Cheol."
"Ay sige, umakyat na kayo."
Umakyat na kami at pumasok sa kwarto. Umupo ako sa swivle chair, at nasa dulo lang siya ng kama ko nakaupo.
"Pakinggan mo muna, baka may gusto kang baguhin."
"Wag na, isave mo lang yan. Alam ko namang magandang pakinggan 'yan eh. Ikaw pa."
Dahil sa ngiti niya, uminit ang mga pisngi ko.
"Oh." Hinagis ko ang usb sa kanya.
"Salamat Jiiii!!! Mahal kita sobraaaaaa!!!"yinakap niya ako
Mahal din kita.