Lunes
Maaga nakarating si Jihoon sa paaralan. Wala siyang ibang magawa kundi maghintay.
"Jiiiii~ ang ganda ng ginawa mo sobra!!!" Nagulat naman si Jihoon nung biglang sumulpot si Seungcheol
"Putangina naman cheol, nagulat ako,"
"Hehe. SALAMAT TALAGA SOBRA HUHU. MANANALO TALAGA KAMI NITOO." yinakap ni Seungcheol si Jihoon at medyo nailang naman ang nakababata.
"Ay btw, may gustong magpagawa ng kanta." Sabat mi Wonwoo.
"Sino?"
"Eh hindi ko alam. Kilala siguro ni Mingyu."
Bukambibig ni Wonwoo si Mingyu.
Normal lang naman, dahil magkasintahan naman sila at nasaktan si Jihoon dahil nito.
"Ah sige, sabihan mo lang ako kung sino 'yun."
Nagsidatingan na ang mga estudyante at nagsimula na din ang klase mayamaya.
¤
4:09 pm
Wonwoo sent a messageWonwoo: ji, wer u?
Jihoon: nasa puso mo|
Jihoon: nasa pu|
Jihoon: n|
Jihoon: pauwi na. Bakit?
Wonwoo: sabi kasi ni mingyu na gustong makipagkita yung kaibigan niya sa iyo. Magpaparemix ng kanta.
Mingyu nanaman
Jihoon: madali lang naman yang magremix ah.
Wonwoo: malay mo, hindi niya alam kung paano.
Jihoon:ge na nga, bilhan mo muna ako ng Milkis.
Wonwoo: sige jiii!! Sa canteen lang kami maghihintay.
seen
Napahinga ng malalim si jihoon. Nilagay muna niya ang iba niyang mga gamit sa locker niya at pumunta na sa canteen. Hinanap niya sina Wonwoo at nakita sila sa pinakadulo ng parte ng canteen.
"Jiiiii!!!" Sinalubong naman siya ni Seungcheol.
"Bitawan mo nga ako Cheol."