Kamusta kana ji?
kinain na jihoon ang chocopie habang ang kabilang kamay niya ay nasa keyboard. sobrang busy na niya kahit estudyante palang siya sa highschool. marami nang nagpaparemix, nagpapacompose, o kung ano pa yan basta involved ang music.
nakabuo na ng banda sina wonwoo, mingyu, seungcheol, at hansol. pero natanggap din sila sa isang company kaya nairecommend nila si jihoon sa pagcocompose.
buti naman at natanggap siya agad bilang composer sa upcoming na boy group sa pledis.
lahat na siguro ng mga barkada niya ay natanggap bilang trainees, at siya lang siguro at si soonyoung ang kulang.
ngumiti lang siya nung natandaan niya si soonyoung. yung chubby na dancer ng school. yung torpe. yung minahal niya.
sinayang lang talaga ang oras.
hindi niya alam kung paano siya nafall kay soonyoung. hanggang ngayon nasasaktan parin siya sa katotohanang wala nang maghahatid sa kanya sa bahay o wala nang bibili sa kanya ng chocopie.
buti na lang at may nagpapadala ng chocopie sa kanya.
ito lang siguro ang nagpapasaya sa kanya.