(ehhehe lowercase ko na lang tinatamad ako :<)
Jihoon
9: 47 am.
Buti na lang at weekend ngayon. Bumaba na ako para kumain ng agahan. Bago pa ako makababa, narinig kong may kausap si mama.
"ba't ka ba nandito? ang aga mong mangbwiset" sabi ni mama at hinampas ang kaldero.
"gusto ko lang kamustahin ang mga anak ko."
Si papa.
"anak?! HAHAHAh!" tumawa lang si mama.
"oo, mga anak ko"
"pagkatapos mo silang iwanan? tatawagin mo silang anak?"
"may karapatan ako."
"grabe ka naman miguel! you disowned them kasi tutol ka sa mga pangarap nila-"
"you shut up!"
Bumaba ako agad nung narinig ko ang lagapak. Parang sinampal siya ni mama.
"Jihoon" sabi ng papa ko nung lumingon siya.
"Sir, my name's failure. hindi mo ba natatandaan?" tumawa ako at umirap . "Ma,lalabas muna ako." paalam ko at lumabas na.
Ayoko na
-
Umuwi na ako at bumunggad sa akin si papa sa kwarto ko.
"Aba ji, pinatuloy mo pala ang pagcocompose mo ah." sabi niya habang hinahawakan ang mga consoles ko.
"Oh, tapos?"
"DIBA SINABI KONG TIGILAN MO NA 'TO?!" sigaw niya at sinuntok niya ang soundboard ko. piste.
I clenched my fist to control my anger.
"Alam mo, wala ka namang karapatan" tinaas ko lang ang kilay ko and smirked.
"ako?!" tumawa lang siya. "Walang karapatan?!" tinaasan niya ang boses niya at tinapon ang keyboard ko.
Ngumiti siya, "panoorin mo ang gagawin ko."