Chapter 3

284 30 8
                                    

♡ Hisagi Yuuto

"MAY BOMBA sa loob ng bulwagang ito."

Bigla akong natigilan. Sino naman ang bubulong noon sa akin habang nagtatago ako sa lawa ng mga panauhin ni Kiyo.

"Pero kung sasama ka sa akin ng maayos ay ipapangako ko sa iyong hindi ko ito pasasabugin."

Akma akong pipihit upang lingunin ang nagsasalita sa likod ko subalit pinigilan nya ako.

"Bumilang ka ng sampu tapos ay pumunta ka sa labas. Pag hindi kita nakita pagkatapos ng tatlumpung segundo ay pasasabugin ko ang bomba. Kung ayaw mong maniwala, wag kang lumabas para makita mong totoo ang sinasabi ko..."

"Ipangako mong hindi mapapahamak ang mga tao dito..." sagot ko. Pero sa halip na mangako ay nagsimulang magbilang ang tao sa likod ko.

"Isa... dalawa... maghihintay ako sa labas, Hisagi Yuuto..."

Itinuloy ko ang pagbibilang sa isip ko at nang makarating ako sa sampu ay dali-dali akong lumabas. May ilang saglit akong nagpalinga-linga sa paligid. Wala akong ideya kung sino ba ang kakatagpuin ko. Maya-maya pa ay may huminto na itim na kotse sa harapan ko at may bumabang isang lalake.

"Hisagi-san," panimula ng lalake, "sumama kayo sa amin." Nabosesan ko sya. Ang lalakeng ito ang kumausap sa akin kanina.

Binuksan ng lalake ang likod na pintuan at mahinahon naman akong sumakay. Nang masigurado ng lalake na nakaupo na ako ng maayos ay isinara niya ang pinto at sumakay na rin sya ng sasakyan, sa harapan sya naupo katabi ng driver.

"Sino kayo?" Tanong ko nang magsimula nang umandar ang kotse.

"Huwag kayong mag-alala Hisagi-san. Walang bomba sa bulwagan. Nais lamang kayong makausap ng pinuno ng aming clan."

Nalintikan na! Parang ganto lang yung nangyari sa akin kay Kazuki. Buwisit talaga ang mga Yakuza na ito, ang hilig ma-ngidnap!

~~~~~

MATAPOS ang halos dalawang oras na biyahe ay nakarating kami sa isang mala-palasyong bahay. Napakalaki ng gate, kahit apat na sasakyan ang magsabay-sabay pumasok ay pwede.

Nagpatuloy lang ang kotse hanggang sa huminto ito mismo sa tapat ng malaking bahay. May mga nakatayo na sa labas at sa ayos pa lamang nila, alam ko na na sila ang mga boss sa lugar na ito.

Muli ay pinagbuksan ako ng lalake at bumaba na ako ng kotse. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin, samantalang ang kotse naman ay umusad na palayo. Naiwan akong nakatayo mag-isa sa harapan ng mga boss ng clan na ito. Doon ko lang napansin na nakangiti silang lahat sa akin, at may isang binata doon ang sadyang pansinin dahil angat ang pagka-guwapo niya. Siya rin ang unang nagsalita upang batiin ako.

"Magandang gabi, Hisagi-san." Panimula ng binata. "Maligayang pagdating sa siyudad ng Nikkou: ang tahanan ng mga Ishida. Ako si Tetsu: ang tagapagmana sa titulo ng pagkapinuno."

Ishida! Narito ako sa kuta ng mga mortal na kaaway ng mga Kaneshiro at ngayon ay kaharap ko ang susunod na boss ng clan na ito -- si Ishida Tetsu.

Sa tantiya ko ay kasing edad namin siya ni Kiyo. Gayon pa man ay hindi dahilan iyon para kalimutan ko na hindi siya pangkaraniwang binata dahil sya ay nakatakdang maging pinuno ng isang malakas na clan.

"Magandang gabi, Tetsu-sama." Sagot ko ng may buong paggalang.

Ngumiti si Tetsu sabay yaya sa loob: "Malamig dito sa labas." Sabi niya. "Halina at pumasok tayo."

Nagsimula na silang pumihit papasok sa loob ng bahay. Nag-aalangan man ay sumunod na rin ako. Wala rin naman akong mapapala kung tatakas ako.

Sinundan ko sila sa paglalakad sa malawak na pasilyo ng kanilang palasyo at ilang saglit pa ay nakarating kami sa isang malawak na bulwagan. Sumenyas si Tetsu upang maupo ako. Nagsi-upuan na rin naman ang iba pa.

Macho Hearts Book 5: Seasons of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon