Chapter 4

252 28 11
                                        

♡ Hisagi Yuuto

"OHAYOU!" Masiglang bati ni Tetsu sabay hablot ng kumot ko.

Pupungas-pungas pa ko bilang inaantok pa. Kagabi kasi matapos kong maligo ay hindi rin naman ako agad nakatulog. Iniisip ko sila Kiyo. Kamusta na kaya sila?

Ang totoo nyan, mga alas-singko na siguro ako nakatulog tapos heto na si Tetsu at nambubulabog na.

"Ohayou, Tetsu-sama. Anong oras na?" Ani ko.

"Ika-anim ng umaga." Malapad ang ngiti niya.

"Oh my god!" Bulalas ko sabay hablot ng kumot at nagtakip ako ng sarili. "Gusto ko pang matulog!"

"Sa sasakyan ka na lang bumawi." Muling hinablot ni Tetsu ang kumot at inihagis ito sa sahig. Malapad ang ngiti niya, parang nakakaloko. "May pupuntahan tayo! Sige na maghilamos ka na't magbihis. Nakahanda na ang agahan."

~~~~~

"Ano'ng lugar to?" Buong pagtataka kong nasambit habang kasabay si Tetsu sa paglalakad papasok sa puting gusali. Ngiti lamang ang isinagot niya sa tanong ko.

May ilang saglit pa ay sinasalubong na kami ng isang matandang babae. Magalang siyang tumungo bilang pagbati sa amin. Kasunod naman namin ang ilang mga tauhan ng Ishida clan at ang bawat isa ay may mga bitbit na kahon.

"Maligayang pagdating, Tetsu-sama!" Maayang pagbati ng babae. "Naghihintay na po sila sa loob."

"Halina sa loob, kung gayon." Ani Tetsu.

Hindi ko pa rin mawari kung nasaan kami hanggang sa ilang saglit pa ay may naririnig na akong ingay sa dulo ng pasilyong nilalakaran namin. Nang marating namin ang dulo nito ay bumungad sa akin ang sagot sa aking katanungan:

"Andaming bata!" Sambit ko.

"Oo." Nakangiting sagot ni Tetsu. "At lahat sila ay wala ng mga magulang."

May gusto pa sana akong itanong pero nagsimula nang magtakbuhan ang mga bata palapit kay Tetsu nang makita sya ng mga ito. Masaya rin naman silang sinalubong ng batang Yakuza boss. Ang mga tauhan naman ay dumerecho sa mga mesa sa gitna ng bulwagan at inilapag ang mga bitbit nilang kahon.

"Mga bata," panimula ni Tetsu na ngayon ay yakap-yakap ng mga ito "nariyan na ang mga pasalubong ni kuya Tetsu. Kumuha na kayo."

Iyon lang at parang nabulabog na langgam na nagpulasan ang mga bata at dali-daling tumakbo sa mga kahon. Si Tetsu naman ay naiwang nakatayo habang masayang pinapanuod ang mga bata na namimili ng mga damit at laruan na nasa mga kahon.

Namangha ako sa aking nakita: hindi ko inakala na ito ang gawain niya. Sa inasal ng mga bata, sigurado akong matagal na niya itong ginagawa.

Nagulat ako nang biglang ibaling ni Tetsu ang tingin niya sa akin. Buti na lamang at saglit lang iyon dahil muli na niyang pinagmasdan ang mga bata.

Yaman kasi'y nakatitig ako sa kanya sa labis na paghanga kaya nahiya ako nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Ibang-iba kasi si Tetsu sa mga Yakuza na nakilala ko. Lalo't higit na malaki ang pagkakaiba nila ni Kazuki.

Si Tetsu ay masayahin, lagi siyang nakangiti. Si Kazuki ay masungit at madalas ay salubong ang mga kilay. Si Kiyo naman ay laging seryoso, pero hindi siya masungit; at hindi man siya masayahin gaya ni Tetsu, marunong naman siyang ngumiti sa ibang tao: epekto marahil ng kaniyang celebrity status sa school kaya sanay siyang mamansin.

Tatlong Yakuza boss na iba-iba ang pagkatao. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko maintindihan kung paano naging mortal na magka-away ang mga Ishida at mga Kaneshiro. Bagamat kasi may ilang oras pa lamang akong namamalagi sa mga Ishida, consistent sila sa kabutihang ipinapakita nila sa akin. At ramdam ko na totoo sila. Walang pagpapanggap. Kaya paano kaya naging kaaway ng angkan ni Kiyo ang napakabait na angkan ni Tetsu?

Macho Hearts Book 5: Seasons of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon