♡ Hisagi Yuuto
ANG TAWAG sa unang pagpatak ng niyebe ay hatsuyuki, at ito na marahil ang pinaka hindi ko malilimutang hatsuyuki.
Sa araw na ito ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan ni Shizumaru at narito kami ngayon sa kaniyang puntod upang samahan siya sa espesyal na sandaling ito.
Hindi pa rin tumitigil sina Rie at Mariko sa pagsalo sa mga niyebe na marahang pumapatak mula sa langit, samantalang ako at si Kiyo ay nagpasiyang magpahinga at naupo muna sa inilatag naming sapin sa damuhan. May itindig kaming malapad na payong na nagsilbing bubong namin. Madali akong inakbayan ni Kiyo para na rin makapagpainit. Si Kazuki naman ay papunta na rin sa pwesto namin matapos na may kuhain sa kaniyang sasakyan. Nakangisi siya nang iabot niya kay Kiyo ang bagay na kinuha niya.
"Sake na naman?" Dismayadong tanong ni Kiyo. "Hindi ka pa ba gagawa ng tsaa? Ipinagmamalaki pa naman ni Yuu na magaling ka magtimpla non..."
"Bakit, panahon ba ng Sakura ngayon?" Sagot ni Kazuki, "Saka huwag mong sabihin na suko ka na? Pang-pito pa lang yan."
"Kazuki-kun," sambit ko, "hindi malakas uminom si Kiyoteru..."
"Pano ba yan?" Bulalas ni Kazuki na medyo nagyayabang, "Anong gagawin mo, Kiyo? Mahilig si Yuu sa malakas uminom?"
"Huwag ka nga!" Sambit ni Kiyo sabay baling sa akin, "Hindi totoo iyon di ba?"
"Oo naman," sagot ko, "ano namang mapapala ko sa malakas uminom no?"
"Aba, marami!" Sagot ni Kazuki. "Una, mas matagal kayo sa kama..."
Bigla siyang natigilan. Napansin niya siguro na nagiging maingay na siya kaya binawi na lamang niya ang bote kay Kiyo.
"Kung ayaw mo, ako na lang..." Pagpapatuloy ni Kazuki, sabay upo sa tabi namin at tinungga ang sake mula sa bote.
"Kazuki-kun," tinawag ko siya ng pabulong, "paano pa tayo uuwi niyan, nakainom ka na."
"Para iyon lang?" Mayabang na tugon ni Kazuki. "Tinawagan ko na si Kenji."
"OK." Bumalik na ako sa bisig ni Kiyo.
"Yuu," bulong ni Kiyo. "Kinausap ko si mommy. Sinabi ko sa kaniya na gusto ko na manirahan dito."
Filipino ang ginamit na wika ni Kiyo kaya tumugon din ako sa katulad na wika.
"Anong sagot ni tita Jenny?" Ani ko.
"Ayaw niya."
Nalungkot ako dun. Akala ko pa naman ay magkakasama na kami ni Kiyo dito sa Tokyo.
"Ayaw niya kung hindi ako sa inyo titira..."
Biglang namilog ang mga mata ko. Magsasama na nga ba kami ng aking Kiyoteru sa iisang bubong? Inay ko po! Magiging may bahay na ako? Ako na si Mrs. Yuuto Hisagi-Kaneshiro!
Hindi ko napigilang pisilin ng aking mga kamay ang magkabila kong pisngi habang masayang umiiling-iling dahil sa mga naiisip ko. Nang tumigil ako sa aking ginagawa ay nahiya akong bigla dahil nakatitig sa akin si Kiyo. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi pero napawi iyon nang ngitian ako ni Kiyo.
"Excited ka na rin ba?" Tanong ni Kiyo sa akin. "Magsasama na tayo sa iisang bubong, Yuu. Lagot ka sa akin, gabi-gabi kang puyat! Hahaha"
Napatakip ako ng aking bibig. Medyo nagulat ako sa joke ni Kiyo pero aaminin ko na kinilig ako doon. Pakiramdam ko ay isa akong ganap na babae sa mga ginagawa ni Kiyoteru.
"Ang yabang mo," binawian ko si Kiyo, "gabi-gabing puyat, ni hindi ka nga maka round two. Haha"
"Aba, hinahamon mo ko? Mamaya, salubungin natin ang birthday ko ng mga limang putok!"
"Tss... Asa, haha!"
"Ang yabang mo ah!" At inihiga ako ni Kiyo sa sapin sabay patong sa akin. "Sabihin mo tagal, gagahasain kita dito, hahaha."
Imbes na sagutin ko si Kiyo ay kiniliti ko ang kaniyang tagiliran at nagsimula siyang tumawa ng tumawa. Ako naman ay nag pista sa paglanghap sa mabangong hininga niya.
"YAMETE YO!"
Natigilan kaming dalawa ni Kiyo sa lakas ng boses ni Kazuki.
"Itigil niyo yang ginagawa ninyo, hindi ako makainom ng maayos..." Iyon lang at tuluyan nang tumumba si Kazuki sa sapin.
Marahan akong bumangon at lumapit kay Kazuki upang kuhain sa kaniyang kamay ang hawak-hawak pa rin niyang bote ng sake.
"Yuu," mahinang sambit ni Kazuki dala ng kalasingan, "sabihin mong mahal mo rin ako..."
Napatingin ako kay Kiyo at ngumiti siya sa akin.
"Oo, Kazuki-kun," ani ko "mahal na mahal ka ni Yuu... At ni Kiyo... At ni Rie... At ni Mariko... At ni Shizumaru..."
Pero hindi na narinig ni Kazuki ang mga salitang sinambit ko dahil tuluyan na siyang nakatulog.
"Mahal na mahal ka ni Shizu-chan, Kazuki-kun..." Sambit ko habang hinihimas ang buhok ni Kazuki at unti-unti akong naluha. "Sayang at hindi siya nagkaroon ng pagkakataong maranasan na mahalin mo rin siya..."
Bumalik ako sa bisig ni Kiyo upang muli ay magpainit. Samantalang sina Rie at Mariko ay tila napagod na rin sa paglalaro at sumilong na rin.
Tahimik kaming nagpalipas ng sandali at may ilang minuto pa ay dumating na si Kenji, ang tauhan ni Kazuki, upang sunduin kami. May dala siyang malaking sasakyan at doon kami lahat sasakay. Hihilain na lamang ng sasakyan ang kotse ni Kazuki.
Bago ako tuluyang sumakay sa dalang sasakyan ni Kenji ay muli muna akong bumalik sa puntod ni Shizumaru.
"Shizu-chan," nakangiti ako, "alam ko na nakamasid ka sa amin mula sa langit. Lagi mo kaming gagabayan ha. Saka sana, ihanap mo si Kazuki-kun ng taong magmamahal sa kaniya na gaya ng pagmamahal mo."
Noon din ay umihip ang malamig na hangin at tila ba yumakap ito sa akin. Alam ko na iyon ay ang tugon ng pagsang-ayon ni Shizu-chan. Masaya akong bumalik sa sasakyan.
"Handa ka na, Yuu-sama?" Tanong ni Kenji nang makaupo na ako.
"Handa na." Sagot ko. "Halika na, Kenji, iuwi na natin ang pinuno mo..."
Dahan-dahan na ngang umusad ang aming sasakyan patungo sa pagpapatuloy ng mga bagong kabanata ng aming buhay...
BINABASA MO ANG
Macho Hearts Book 5: Seasons of Hearts
Ficção GeralAng huling pagtibok ng Macho Hearts series ay pumintig na. Published on 30 April 2017