☆ YuKi
MARAMING customer sa bakeshop today at double time kami sa pagkilos. Mabenta ang bagong recipe na ginawa ni Ms Yumi at na feature na rin ito sa mga news paper at may mga nag vlog na rin. Tinatawag na ito ngayong London's best tart.
"YuKi," malambing ang boses ni Ms Yumi. Sya ang tunay na kahulugan ng grace under pressure. "ready na ba ang next batch ng mga tarts? Paubos na ang laman ng estante at mahaba pa rin ang pila. Nakakatuwa!"
*note: Yumi speaks English, Japanese, and Mandarin. So pag nag-TagLish sya during convos, either English, Japanese, or Mandarin yun, depende kung sino kausap niya. In this case, English sila mag-usap ni YuKi.
"Haaaiiii!" Masigla kong sagot. Kahit ako man ay masaya dahil ngayon lang ako na pressure ng ganto sa trabaho.
Dati kasi maganda naman ang benta: malakas ang kita pero hindi tulad ng mga benta namin nitong mga nakaraang linggo. Nagsimula ito nang matikman ni Lord Vernon ang tart na dinala ni kuya Nicholo sa estate at nagpa-order na sya ng marami. Naibalita sa dyaryo ang maramihang order na iyon at nagsimula nang dumagsa ang mga tao para tikman ang London's best tart. At ito na kami ngayon: aligaga pero masaya!
Kinuha ko sa pugon ang tray ng bagong lutong tart at ipinatong sa mesa para magsalang ng panibago. Iyon lamang, nang aabutin ko na ang tray ng next batch ng lulutuin ay para akong kinapos ng hininga at walang anu-ano'y bigla akong nabuwal. Inihanda ko na ang sarili ko sa masakit na paglagapak sa sahig nang biglang may sumalo sakin.
"Nile!" Sambit ko habang naghahabol ng hininga, "thanks!"
Ngumiti si Nile at inalalayan ako sa malapit na upuan upang magpahinga. Isa sya sa mga bagong tauhan dito sa bakeshop simula nang lumakas ang benta. British sya. Babae na boyish pero hindi siya tomboy. Sadyang nasanay lang sya sa mga mabibigat at panlalaking gawain kaya malakas siya at medyo brusko kumilos. Pero pag inayusan mo siya, hindi nalalayo ang mukha niya kay Emma Watson. Nang mai-upo na niya ako ay siya na ang nagpatuloy ng ginagawa ko.
Nabalitaan ni Yumi-sama ang nangyari sakin kaya nagpumilit siyang dalhin ako sa ospital pero ako na ang tumanggi. Kilala ko naman ang katawan ko, malayo pa sa bituka to kaya humingi lang ako ng ilang minutong pahinga. Nalungkot nga lamang ako dahil walang kuya Nicholo na mag-aalaga sakin...
~~~~~~
A few days ago, sa isang private lounge sa London airport:"Mahal ko," ani kuya Nicholo, "pwede ka pang sumama. May mga gamit ka naman sa Pilipinas, saka dala ko passport mo dito," Natawa ako nang kuhain nga ni Kuya Nicholo ang passport ko sa bag niya at iniabot nya ito sakin. "Sabihin mo lang and I'll tell Dustin. Marami pang kasya. Malaki yung chartered plane nila. Madali lang naman mag-add ng passenger sa manifesto."
"Kyutipay," sagot ko "ayoko pang umuwi sa Manila. Just enjoy your trip. Ayos lang ako dito. Sige na, nakakahiya kung ikaw pa ang hintayin ng mga yan." Ngumuso ako sa kambal na papunta na sa eroplano kaya nagmadaling sumunod si kuya Nicholo.
"Mahal ko," sigaw ni kuya Nicholo bago sumakay ng eroplano, "itutuloy natin ang ating pulot-gata pagbalik ko!"
"Sige, Kyutipay!" Sagot ko naman, "iipunin ko to, hahaha!" Sabay dakot sa harapan ko.
Ilang sandali pa ay inihahatid ko na ng tanaw ang kanilang eroplano.
Mag-isa akong umuwi sa flat namin at doon ko lang naramdaman ang tunay na lungkot. Dalawang linggo kasing mawawala si Kuya Nicholo kasama ang kambal na dugong bughaw at ang ilan pang mga tauhan. Napasalampak ako sa sofa at saka naman nag ring ang cellphone ko. Si Yuuto, tumatawag:
"Yes, Yuuto?" Pagbati ko.
"Kamusta?" Sagot ng ama ko. "Balak kong dumaan dyan paglabas ko sa trabaho. Dinner tayo, nak?"
![](https://img.wattpad.com/cover/106431540-288-k404254.jpg)
BINABASA MO ANG
Macho Hearts Book 5: Seasons of Hearts
General FictionAng huling pagtibok ng Macho Hearts series ay pumintig na. Published on 30 April 2017