Chapter 8
♡ Hisagi Yuuto
Napakarami na ng nangyari simula sa pagdating ni Kiyo sa Tokyo hanggang sa muli kaming umuwi sa Pilipinas:
Noong mismong kaarawan ni Kiyo, isang araw matapos niyang dumating, ay ipinasa ni Kazuki sa kaniya ang posisyon ng pagiging pinuno ng clan. Isang bagay na sadyang pinaghandaan ni Kazuki nang sabihan siya ni Kiyo na uuwi ito sa Tokyo.
Nang gabi ring iyon ay dinukot ako ng mga Ishida at nakatakdang manirahan sa kanila sa loob ng tatlong buwan - bilang pagtupad sa isang nabigong kasunduan. Subalit hindi naman ako tumagal doon dahil nang ikalawang gabi ay naitakas na ako ni Kiyo nang dumalaw ang mga Ishida sa Miyakejima.
Sa ikatlong gabi ay umuwi naman si Kenji sa Hokkaido. Pinalaya siya ni Kiyo matapos na matuklasan na hindi pala nito nagampanan ang tungkulin bilang guro dahil nanilbihan siya kay Kazuki bilang tauhan. Samakatuwid ay ang mga Murasaki ang nagsanay kay Kazuki buong buhay niya.
Ngayon ang ikaapat na araw simula nang dumating si Kiyo sa Tokyo at narito kami ngayon sa bahay ng aking lolo at lola, at isinalaysay namin ang lahat ng nangyari.
"Ngayon ay mas malinaw na sayo kung bakit ayaw namin na manirahan si Yuu dito sa Japan..." mahinahong sambit ni lolo kay mommy.
"Kaya po uuwi kami ni Yuu sa Maynila." Ani Kiyo. "Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po siya papabayaan..."
Naluha si mommy. Hindi kasi siya pwedeng sumama dahil walang tutulong sa ramen house. Sa huli ay niyakap niya ako ng mahigpit binilinan na mag-iingat ng mabuti.
Dito na muna kami magpapalipas ng gabi at mamayang madaling araw ay tutungo na kami sa Haneda airport para umuwi sa Pilipinas. Nang matapos ang hapunan ay dumating sa Kazuki. Dito rin daw muna siya para sumama maghatid mamaya. At hindi siya nag-iisa: kasama niyang dumating sina Mariko at Rie.
"Yuu-chan," maluha-luha si Mariko, "huwag mo kaming kakalimutan kahit nasa Pilipinas ka na..."
"Oo nga," dagdag ni Rie, "tatawag kami sayo ng madalas. At pag may umaway sayo doon, sabihin mo samin!"
"Para namang makakapunta kayo para ipagtanggol ako." Natatawa kong sagot. "Pero totoo: mami miss ko kayong lahat."
Wala nang natulog sa amin nang gabing iyon. Lahat kami ay magkakasama sa salas ng bahay at sinusulit ang ilang natitirang sandali bago kami tuluyang mama-alam ni Kiyo. At nang dumating na ang takdang oras, nagtungo na kaming lahat sa paliparan...
------
"YUU..." nilingon ko si Kiyo nang tawagin niya ako. Magkatabi kami sa backseat ng sasakyan nila. At gaya ng dati, si tita Jenny ulit ang driver. Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi na tayo maghihiwalay pa. Pangako yan."Wala akong ibang naisagot kung hindi ang hawakan din ng mahigpit ang kamay ni Kiyo.
Nang makarating kami sa bahay ay umakyat kami sa silid ni Kiyo upang magpahinga. Sa hapon ay may mga darating kaming ilang bisita upang kamustahin ako. Ang sabi ni Kiyo ay isa na doon si Renz.
"P-pero, Kiyo," utal kong tugon, "sigurado kang OK lang dumalaw si Renz dito?"
"Ok na, Yuu. Nagkausap na kami nun." Marahan akong inakay ni Kiyo sa kama. "Matulog muna tayo. Ang dami kong puyat."
MADILIM na ang silid nang magising kami ni Kiyo. Pareho kaming nakabawi ng pahinga. Sabay kaming nagtungo sa salas at binati kami ng mabangong samyo ng nilulutong ulam sa kusina at ng mga kumukutitap na Christmas lights sa paligid ng bahay: isipin mo nga naman, limang araw na lang pala ay Pasko na.
Mula sa kusina ay lumabas si tita Jenny at ang isa nilang kapitbahay na may edad na babae at dumerecho sa mesa para ihanda ito; inupahan pala siya ni tita para tumulong sa mga paghahanda.
BINABASA MO ANG
Macho Hearts Book 5: Seasons of Hearts
Fiksi UmumAng huling pagtibok ng Macho Hearts series ay pumintig na. Published on 30 April 2017