Chapter 11
♥ Kaneshiro Kazuki
Tokyo, Japan (last days of winter, 15th of February)
KUNG IISIPIN, malayo na ang narating ng mga plano ko para ilayo ang kalooban ni Yuu kay Kiyo.
Tanggap na ni Kiyo na kailangan niyang pagbayaran ang pagsira niya sa kasunduan ng mga Kaneshiro at mga Ishida: nang gabing itakas niya si Yuu mula kay Tetsu ay para na rin siyang nagdeklara ng digmaan. Ang tanging paraan lamang para mapayapa ang mga Ishida ay kung magpapakalayu-layo si Kiyo at babalik si Yuu sa poder ni Tetsu. Iyon ang hininging kabayaran ng Tetsu.
Iyon lamang, may nakikita akong problema sa gustong mangyari ni Tetsu: Hindi uuwi sa Japan si Yuu kung ako mismo ang hihikayat sa kaniya. Kailangang siya ang magdesisyon na umuwi dito sa Tokyo, o kukumbinsihin siya ni Kiyo.
Sa kabilang banda, ramdam ko na hindi na rin naman magtatagal ay siguradong uuwi na si Yuu dito sa Japan, base sa mga nangyayari. Hindi ko pa rin malimutan ang huling pagtatalik namin. Napakarubdob noon, parang hayok na hayok kami sa isa't-isa. Kahit pa ginawa lang iyon ni Yuu bilang pagrerebelde kay Kiyo, hindi ko pa rin pwedeng itanggi na labis akong lumigaya dahil doon. At ngayon lang ay nalaman ko na umalis na si Yuu sa bahay ni Kiyo.
"Salamat sa impormasyon, Kenji-san!" Ani ko sabay baba ng telepono. Bumaling naman ako sa bago kong tauhan na kanina pa abala sa ginagawa niya habang kausap ko si Kenji: "Oi, Hiro, ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mong isayad ang ngipin mo? Nasasaktan ako!"
"Paumanhin, Kazuki-kun; malaki kasi talaga ang iyong pagkalalaki..." nahihiyang sagot ni Hiro sa akin at muli na niyang isinubo ang nangangalit kong sandata. Hinawakan ko ang ulo niya para ibaon pa siya sa aking harapan.
Walang anu-ano ay may kumatok sa pintuan ng aking opisina kaya naman naitulak ko si Hiro. Mabilis siyang umalis sa ilalim ng desk ko at nagpanggap na nag-aayos ng mga libro sa isang sulok malapit sa pinto, samantalang ako naman ay dagling nag-ayos ng sarili.
"Tuloy!" Sambit ko na may halong tapang.
Iniluwa ng pinto ang isang matangkad na lalake na nasa edad 30, mestizo at kulay ginto ang buhok, at kulay abo ang kaniyang mga mata. Kahit na may edad na siya ay hindi maikakaila na guwapo siya at matikas ang tindig. Maayos ang kaniyang suot -- isang mamahaling terno ng suit and pants. May dala siyang folder.
"Kazuki-kun," pagbati niya sabay yuko bilang pag-galang, "narito po ang ulat ng ating mga espiya tungkol sa mga Ishida." Lumapit siya at inilapag ang folder sa ibabaw ng desk ko. Matama lamang siyang nagmamasid habang binabasa ko ang ulat.
"Hmp!" Marahan akong nagbuntong-hininga, "Napakatapang nila para subukang pasukin ang teritoryo ng mga Kaneshiro habang wala ako! Ngayon ay tayo naman ang susugod. Sang-ayon sa ulat na ito, ang lumang bahay ampunan na ito sa siyudad ng Nikkou ay nasa pamamahala ng mga Ishida. Matagal na nating alam ito, bakit kasama pa ito sa ulat?"
"Kazuki-kun, mayroon kaming nagtuklasan tungkol sa bahay ampunan na iyan..."
"Hmmm... sige, iwan mo muna ako, Timothy-san, at aaralin ko muna ang ulat na ito. Salamat sa iyong kasipagan!"
Pumihit na si Timothy palabas ng opisina at doon lamang niya napansin na nasa loob din si Hiro. Nag-bow lamang ito kay Hiro bilang pagsasabi na aalis na siya. Nang tuluyan nang magsara ang pinto ay dagling bumalik si Hiro sa akin at itinuloy ang naudlot naming ginagawa. Ako naman ay nagpaka abala sa pagbabasa ng ulat na dala ni Timothy at nanlaki ang aking mga mata sa nabasa ko:
"Sinasabi ko na nga ba!" Sambit ko sa aking sarili.
"May problema ba, Kazuki-kun?" Tanong ni Hiro.

BINABASA MO ANG
Macho Hearts Book 5: Seasons of Hearts
General FictionAng huling pagtibok ng Macho Hearts series ay pumintig na. Published on 30 April 2017