Three.

309 12 1
                                    

Dalawang Linggo din 'yung nakaraan simula nung naging close kami ni Apollo. Nahuhulog na din 'yung loob ko sa kanya nang tuluyan. Sabihin na nating sobrang bilis ng pangyayari pero, dibaa? Kapag nagmahal ka wala 'yan sa bilis o tagal? 'Pag naramdaman mo ng mahal mo siya, mahal mo siya.

Foundation Week namin ngayon sa college namin and 'yung section namin 'yung hahawak ng Wedding Booth. Cute naman! Haha, siguro, ito na 'yung chance para sagutin ko na si Apollo bilang boyfriend ko.

I-susurprise ko siya tutal sabi niya, magkikita kami sa dorm niya dahil lulutuan niya ako ng Orange Pork. Dapat kasi Chicken siya, kaso allergic ako dun, so ginawan ng paraan ni Mayor! Hahaha! Anyway, sinabihan ko na mga classmates ko na tulungan ako sa gagawin 'kong surprise! Tinext ko na din si Cathy na kung pwede kaming i-help juiceko, dahil nga sa hindi kami mag kaklase ayun, Napunta sakanila yung Horror Train. Ano ba 'yun?!

"Hi! See you later :) Hatid mo ko sa school pagkagaling ko sa dorm mo ha?" 

Tinext ko na si Apollo. Sana lang ihatid ako nito at medyo pahirapan pa naman ito lambingin.

"Oy Alex! Kailangan mo bayaran 'yung singsing ninyo ah? 25 pesos isa!" Sabi nung kaklase ko.

"HALA! Ang mahal naman! Bakit 25 pesos? Ating booth naman ito ah?" Pero syempre, joke lang na namamahalan ako, baka kasi bawasan yung presyo. Haha

"Grabe ka naman Alex? Nagkukuripot ka pa sa 50? Ikaw 'tong gusto sagutin dito sa wedding booth 'yang jojowain mo eh. Mag babayad ka ba or 'wag na 'to ituloy?" Ay grabe talaga sila sakin di man lang ako pina-discount!

"Akin na nga. Bayaran ko na 'yan."

Kasama ko na si Apollo. At dahil tapos na kami kumain nung niluto niyang Orange Pork na sobrang sarap at literal na may orange talaga siya, babalik na kami ng school kasi 'yung mga kaklase ko napaka reklamador. Haha wengya!

"Hoy on the way na kami mga bes! Galingan niyo diyan ah!"

Patago akong nagtext sa classmate ko na nasa booth. Naglakad nalang kami papunta ng college namin tutal malapit lang sa dorm niya 'yung college namin.

Ang bilis din namin nakarating, pag dating na pagdating palang namin sa gate ng college namin hinablot na kami ng mga kaklase ko. Haha! Walang ka-alam alam si Apollo sa mga nangyayari. Nilagyan na ako ng belo ng mga kaklase ko at inabutan naman ako ni Cathy ng flowers.

Dumating na kami sa wedding booth at nandun nadin yung kaklase 'kong nagpanggap na pari para sa gagawing kasal-kasalan namin ni Apollo.

"Alex ano to? Haha! Wala akong alam sa mga nangyayari ano ba 'to?"

Nilingon ko naman siya sabay sabing "Intayin mo lang." with beautiful smile pa ako. Nakakaloka halatang kinikilig ako. Haha!

"Alexandra Marie Antonino, tinatanggap mo ba si Apollo Vasquez upang maging katuwang mo sa hirap man o ginhawa?" sabi nung kaklase kong nag as father sa wedding booth.

"Opo father." naman ang sagot ko with pigil pigil na kilig sabay tingin kay Apollo habang sinusuot yung 25 pesos isa na singsing na pinabayaran ng mga kaklase ko.

"Ikaw, Apollo Vasquez, tinataggap mo ba si Alexandra Marie Antonino upang maging katuwang mo sa hirap man o ginhawa?" Sabay tingin sakin ni Apollo na nakakahulog puso at isinusuot ang wedding ring kuno naming dalawa.

"Opo father. Tinatanggap ko." Nagtilian naman 'yung mga kaklase 'kong mga loko-loko sabay sigawan...

"KISS NA 'YAN! KISS NA 'YAN!" Pero humarap ako kay Apollo at sinabing, "Apollo, sobrang bilis nung mga nangyari. Hindi ko alam kung ano, bakit, paano pero ang alam ko lang, nahulog na yung puso ko sayo sana ingatan mo. Sinasagot na kita bilang boyfriend ko."

Lalong nagtilian yung mga kaklase namin pati 'yung ibang tao sa school namin na naging witness ng nangyayari. Hinawakan ni Apollo yung kamay ko kasi nagsimula na akong umiyak.

"Bakit ka umiiyak? Ayokong nakikita kang umiyak. Shh tahan na." Sabay yakap niya sakin.

Feeling ko naiyak ako dahil sa sobrang tuwa. Pagkatapos ng wedding booth scene namin ay bumalik na si Apollo sa college nila at ako naman ay lumaban pa sa "speed typing contest" dito sa college namin.

Akalain mo, hindi ako nanalo! Kota na daw kasi ako ngayong araw kung mananalo pa ko. Tinext ko naman si Mama Cherry ng "Ma, kami na po ni Apollo." Feeling ko magugulat siya sa mga nangyari kasi hindi ako nag kukwento sa kung anong nangyayari saming dalawa ni Apollo, bigla nalang kami na agad.

AN://

HELLOFAM! IT'S ME.. THE AUTHOR! HAHA

SANANAGUSTUHAN NIYO YUNG UPDATE KO NGAYON..

SAUMPISA LANG ITONG KILIG-KILIG NA 'TO KAYA SULITIN NIYO NAHAHA!
ANYWAY, UULITIN KO, SORRY IF MERON AKONG MGA TYPOS OR BASTAMGA HINDI NIYO GETS NA TERMS, SABI KO NGA FIRST TIME WRITER LANG POAKO PAGPASENSYAHAN NIYO NA HAHA

LAHATNG MGA NABABASA NIYO IS NANGYARI SA TOTOONG BUHAY, MERON LANGSIGURONG NAIBA SA SETTINGS PERO GANYANG GANYAN DIN SIYA :D

Wala nang tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon