Eleven.

238 3 6
                                    

"Forgive him, but let him go" - r.h. Sin


Pinaka masakit na part siguro sa pag-mumove on ay yung tanggapin na wala na talaga. Pero habang tumatagal unti unti ko ng natatanggap na wala na talaga na kahit sa konting pagkakataon hindi na pwedeng maulit yung dating nakasanayan naming dalawa.

"Ayoko na.. Tapusin na natin 'to alex, Hindi ka ba napapagod?"

sabi ni Apollo sakin habang nakayuko ako sa harap niya at hawak ang mga kamay niya

"Bakit? Ayoko! Ayusin na 'to please.. Hindi mo na ba ko mahal? Hindi ka na ba masaya?"

Iyak ako ng iyak kasi nag hahanap ako ng sagot.. Pero ayokong marinig yung mga sasabihin ni Apollo

"Pagod na 'ko alex, Gusto ko muna mag-pahinga.. Gusto ko munang hanapin yung sarili ko ayoko na.. Mag-break na tayong dalawa.."

Sabay tuluyang lumakad papalayo si Apollo at dun din tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata.

Siguro nga kailangan ko ng palayain si Apollo.. Kailangan ko na din lumaya sa katotohanang hindi niya na ako mahal..

Pinatatawad kita pero sana patawarin mo rin ako dahil minahal kita ng sobra.

Patawarin mo ko kasi sobrang tagal bago kita pinalaya sa puso ko.. Umaasang baka sakali.. bumalik ka pa din sakin.

Pinatatawad na kita nung sinabi mong ayaw mo na..Pero patawarin mo ko dahil pinaglaban pa kita..

Minahal kita pero sobra na pala. Alam kong papaligayahin ka niya ng mas higit pa sa naibigay ko.



"Alex! Ano? Tapos na ba yung last chapter ng sinusulat mo?"

Si cathy naman! Nagfi-feels ako sa sinusulat ko eh!


"Hindi ko nga alam kung hahabaan ko pa toh. Nahihirapan ako haha, Parang ang sakit sakit!"

Uminom muna ako ng kape bago titigan itong laptop sa harap ko.. Hay! Siguro malapit lapit na din matapos itong librong sinusulat ko..


"Alam mo sis! Ba't di mo gawing movie toh? Haha! Ang sakit eh, Kabahan na talaga Starting over again at One More Chance dito sa sinusulat mo eh"


Oo nga pala haha! Bukod sa pagiging character actress ko, Sinubukan ko ding maging writer. Hindi ko alam kung bakit pero para lang siguro ma-express ko yung feelings ko na hindi ko kayang ilabas sa acting.


"Ano ka ba cathy! Hindi ko nga alam kung papatok tong librong sinusulat ko eh, Pelikula pa kaya?"


Pero inferness napaisip ako sa sinabi na yun ni Cathy, I-submit ko kaya to sa mga producers haha! Malay baka magustuhan nila toh.









AN://

HELLO! SORRY FOR MY LATE UPDATE MGA BEBE!

HERE'S MY SHORT UPDATE FOR YOU GUYS.

PAG-PASENSYAHAN NIYO NA MUNA HEHE DI PA KO MAKAHUGOT NG MALALIM EH.


LOVE,


YOUR FRUSTRATED WRITER

Wala nang tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon