Five.

259 14 4
                                    

AN:// PLEASE CLICK THE LINK ABOVE PARA DAMANG DAMA ANG PAGBABASA! HAHA! THANK YOUUU! 

We we're just too young to know
We fell in love and let it go
So easy to say the words goodbye
So hard to let the feelings die

Ang sakit nung pinatututog ni Cathy. Natulala na naman ako. Naalala ko na naman lahat kung bakit sobrang tumatak yung kantang 'yan sa puso ko.

"Bes? Okay ka lang ba? Gusto mo bang mag pahinga muna? Or ilipat ko nalang ng ibang kanta?"

Ang sakit sakit pa rin. Napatulala ako ng bigla akong tapikin ni Cathy.

"Bes, 'di ko pa din siya makalimutan. Nasasaktan pa din ako."

Umiiyak na naman ako. Na akala ko sa sobrang dami ko nang naiyak, titigil na ako pero hindi padin. Dalawang taon na 'yung nakalipas simula nung iniwan niya ako pero parang kahapon lang 'yun nangyari.

Buti pa siya masaya, ako ito naiwang mag-isa.

"Bes, papahinga na muna ako sa kwarto ko ha? Kapag dumaan si Mama Cherry sabihin mo, natutulog ako."

Napalingon sakin si Cathy "Ha! Bes? Pati si Mama Cherry mo ayaw mo kausapin?" Paakyat na ko sa hagdan bigla 'kong sinabing, "Hindi naman sa ayaw kong kausapin, pagod lang ako."

And even if our love could drift away
I wouldn't even think twice
If I wanted love back again
Because I'd still say yes to you again
My Darlin' for you, I do it all again
Yes, I'd still say yes to you again

Nasa kwarto ako mag-isa hawak nanaman ang laptop at nagsisimulang mag-type.

Bakit ba di ko pa din siya makalimutan? Ang tagal na. Masaya na siya tsaka 'yung dati na bago niya. Minsan naman nakakalimutan ko siya. Minsan naman parang nandyan lang siya. Ang sakit.

Akala ko, sa ating dalawa ikaw 'yung magiging Marco sa pinanuod nating Movie na "Starting Over again" hindi pala. Sa storya nating dalawa, parehong naging ako si Marco at Ginny. Iniwanan mo kung kelan mahal na mahal na kita.

Nung nagkaroon tayo ng unang beses na pag aaway, pinilit kong 'wag tayong maghiwalay kasi alam kong may laban pa ako. Pero nung huling sinabi mong, "Ayaw mo na."

Hindi na ako nanlaban pa. Kasi alam kong talo na ako kahit gusto ko pa. Ang sakit sakit Apollo. Lahat ng mga binitawan mong mga salita. Akala ko hindi mo masasabi 'yun lahat. Binyahe ko pa 'yung Bulacan hanggang Laguna para lang sabihing, "Wag tayong maghiwalay."

Pero, buong buo yung desisyon mong sabihin saking, "Gusto ko muna magpahinga. Gusto ko muna hanapin ang sarili ko. Sorry pero WALA NANG TAYO."

Tumatak sa isip at puso ko lahat ng mga salitang binitawan mo. Ganun ganun mo lang hininto 'yung pagmamahal mo sakin walang explanation. Alam mo, ang sakit. Sobra.

Hanggang ngayon, lahat ng mga memories na ginawa natin nung halos isang taon tayong magkasama, nasa isip at puso ko pa rin. Lahat ng bagay na makakapagpaalala sayo, nakatatak sa puso ko kahit alam kong masaya ka na sa naging desisyon mo.

Sana... sana mapatawad mo ako kasi hanggang ngayon, umaasa parin akong, "SANA MERON PARING TAYO" 

Sana panaginip lang lahat ng nangyayaring ito. Hindi pa din ako makapaniwalang pinagpalit mo 'ko. Pero ano nga bang laban ko sa ex mong halos bumuo na kayo ng isang libro para i-kwento ang Love Story niyo. Anong laban ko sa ex mong alam kong kahit tayo, siya pa din yung binabanggit mo? Anong laban ko sa ex mong kahit pinipilit kong burahin yung ala-alang binuo niyo hindi ko magawa kasi natatakot ako na kapag sinubukan ko, baka ako ang alisin mo sa buhay mo.

Yung wedding booth? Sa 'twing nakakakita ako nun, naiiyak ako. Kasi naaalala ko yung araw na sinagot kita. Yung araw na pinangako mong sa hirap at ginhawa, tayo ang magkasama pinangako mo 'yun sa harap ng maraming tao. Pero ngayon 'yung mga taong nakakakita sakin kapag nakakakita ako ng wedding booth, hindi na kilig yung nararamdaman nila, kundi awa, lungkot at nasasaktan sila para sa akin.

Ang sakit. Sobrang sakit.

Umalis ka pero dala dala mo 'yung puso ko. Hindi na alam paano makabalik saakin. Sana nung umalis ka sa buhay ko, binigyan mo ako ng magandang dahilan. 'yung katanggap tanggap, hindi 'yung sasabihin mo sakin na ayaw mo na kasi hahanapin mo ang sarili mo.

Kung hahanapin mo ang sarili mo bakit sa iba ka nagpasama? Kasi 'yung sakit, hanggang ngayon nandito pa. Nasa puso ko pa. Sinasabi nilang kalimutan na kita, pero hindi ganun kadali.

Paano ko kakalimutan ang taong minsang naging mundo ko?

Siguro nga, masokista ako kasi kahit hindi mo na ako mahal, umaasa pa din akong magkakabalikan tayo.

Habang nagta-type ako biglang tumunog 'yung kantang, "Let The Pain Remain", and indeed, the pain remains.

So I ask myself what you've left behind for me
To go on each day and live as if
I have you once again
What else is there that's real
But all the pain that I feel
So let the pain remain
Forever in my heart
For every throb it brings is one more moment
Spent with you
I let the pain, bring on the rain

Biglang tumulo yung mga luha sa mga mata ko. Ang daya mo, Apollo! Ang daya daya mo! Hanggang sa dulo, gusto mo ikaw lang yung maging masaya. Hanggang dulo, gusto mo laging hindi ako kasama.

Palagi na lang ba ikaw? Kailan naman ako? Utang na loob, ang sakit pa rin. Ang sakit sakit pa rin. Ibalik mo na puso ko. Nagmamakaawa ako.

Forever? Haha. Yung salitang 'yan, 'yang mga ganyan 'di na ako naniniwala. Tignan mo, merong "OVER" kasi sa binitawin mong salitang "Forever" ikaw din an nagtapos nito.

Haha. Sakit.

AN://

TENEN!!!! NAGULAT BA KAYO SA TWIST? HAHAHA! SHEMPRE, DAHIL GALING 'TO SA TOTOONG STORYA, HINDI KO NA BABALIKAN YUNG MGA SWEET MOMENTS NILA APOLLO AT ALEXANDRA KASI NGA, WALANG FOREVER.. KAYA, PAPAIYAKIN KO NALANG KAYO HAHA! ITO NA YUNG KASALUKUYAN NI ALEXANDRA KUNG NAGUGULUHAN KAYO.. IDIDIRETSO NA NATIN HINDI NA TAYO BABALIK SA PAST KASI LALONG NASASAKTAN SI AUTHOR PAG BINABALIKAN YUNG MGA NAKARAAN..HAHAHA SANA NAG ENJOY KAYO :D

DON'T FORGET TO VOTE, SHARE AND COMMENT!

THANKS MGA BEBE LOVE YOU!

Wala nang tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon