Eight.

205 10 5
                                    

"BES! ALAM MO BAAA NAKAKALOKA! BIGLANG LUMABAS SA NEWSFEED KO YUNG PICTURE NI ANO.. TSAKA NUNG ANO NIYA!!"

Habang papasok si Cathy sa stand by area ko, Nasa taping kasi ako ng bagong show na kinabibilangan ko..

"Ano? Wala akong naintindihan sa mga ANO tsaka ANO NIYA mo bes tsaka wag ka sumigaw pagalitan ka ni direk bruha ka"

binaba ko ang script na binabasa ko at lumingon kay Cathy

"Yung ano! Ano ba yan.. Ex mo! Si Apollo! Gusto mo pang pinapangalanan eh,Kasama yung family niya! Bes lalaki pala naging anak nila ni Maica noh? Bongga din nitong si Maica eh, Nagtagumpay ang kalandiang taglay winner talaga!"

Umupo sa tabi ko si Cathy at pinakita yung picture ni Apollo kasama ang family niya. 

Mukhang masaya siya sa kung anong meron siya ngayon..

Siguro nga tama yung naging desisyon niya, Iwan ako at maging masaya kasama ang iba..









"Babe! Pag nagka-anak tayo anong gusto mo? Lalaki or Babae?" Nandito kami sa apartment niya habang nag lalaba ng mga damit niya.

"Gusto ko love pareho.. May naisip na nga akong names nila e, Nathalia Athena kapag babae tapos kapag lalaki naman Napoleon Aeros diba ang ganda!"





Bumalik nanaman sa alaala ko yung minsang nangarap tayo magkaroon ng sariling anak..

"Huy bes! Anuna? Tulaley ka na dyan.. Memorize mo na ba lines mo? Ano ba eksena mo diyan?"

Napalingon ako kay Cathy, Oo nga! Yung lines ko.. Buti ang ganda ng eksena saktong sakto sakin, Girlriend na brinake ng boyfriend dahil kailangan mag aral sa ibang lugar.

"Oo bes, Iiwan ako dito ng boyfriend ko kasi mag aaral sa ibang lugar tapos iiyak ayun.."

Kinuha naman ni Cathy yung script ko para i-check.

"Ay hahaha! Oo nga bes haha akmang akma feel ko baka manalo ka ng award dito haha! Ang lalim ng panghuhugutan mo haha! Tignan mo yung line mo na to "Ikaw lang ang lalaking para sa'kin! Wag mo naman akong iwan ng ganto ganto lang" PAK! Ibang leveeeeel! Haha"

Oo nga, Hindi ko naman storya 'tong tinitaping ko pero bakit parang pang akin?

Wala pa naman akong eksena at kabisado ko naman na ang lines ko, Kaya Makapag Facebook nga muna..

Apollo Vasquez Message you:

Hi Alex! Ang galing mo naman, Napapanuod kita sa iba't ibang tv shows ha? Tinuloy mo pala yung dream mo.. Happy for you! Ingat..

Bakit ba minessage nanaman ako nito! Wala bang ginagawa sa buhay 'to. Nang biglang may nag notify sakin.. Parang kilala ko tong name na 'toh!!

Maica Vera-Vasquez liked your post


Hala!Bakit nawala pag click ko! Nawala yung name.. Hindi kaya? Inii-stalk niya ko?

Ano ba 'tong dalawang mag asawa na toh! Biglang tumunog ang cellphone ko..

Unknown Number calling you...

Sino naman toh! Masagot nga baka mamaya PA dito sa taping..

Hello? Yes Who's this?

Ayaw naman mag salita ano ba 'toh.

Hi! Alex?

Familiar yung boses!


Hi alex.. It's me, Apollo nakalimutan mo na kagad ang boses ko? Kamusta? Ito pa rin pala yung number mo, Hindi ka pa din pala nag papalit.. Miss na kita, Ingat ka palagi..

Bigla kong pinatay yung call at biglang may tumulo nanaman sa mga mata ko..

Miss na kita, Ingat ka palagi..

Miss na kita, Ingat kapalagi..


Paulitulit sa tenga ko yung mga huling salitang binanggit niya.

Hinding hindi ko nakakalimutan ang boses mo Apollo, alam kong ikaw yun..

Paano ko kakalimutan ang boses mo? Samantalang dati paulit ulit mong binabanggit ang "I love you, Love" sa tenga ko.

Bakit nagpaparamdam ka ulit?

Bakit ba ganyan ka! Ikaw na yung tumapos sa relasyon nating dalawa, Ikaw pa may ganang mag sabi ng "Miss na kita"? Hanggang ngayon, Manloloko ka pa rin at Mapaglaro ka pa rin ng damdamin ng iba.

AN://

HELLO MGA BEH!

IT'S MEEE YOUR AUTHOOOR!

MEDYO LAME YATA YUNG UPDATE KO PERO YAH! KAKAIRITA SI APOLLO DIBA? HAHA! PAGTAPOS MANAKIT, PARAMDAM PA MORE.. MARAMI PA KAYONG AABANGAN SA STORYANG TOH PROMISE. KAYA SANA, ADD NIYO NA SA LIBRARY NIYO HAHA!

MARAMING SALAMAT SA MGA NAGBABASA LABS NA LABS MGA BEH! MWAH MWAH 

(First time writer)

Wala nang tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon