Ten.

196 4 1
                                    

" I tried to love him as his friend, then to love him as his lover;

but he never loved me in the end –

his heart was for another."


(The girl he love – Love & Misadventure, Lang Leav)


Sabi nila, Kapag daw minahal mo ng sobra, Sobrang sakit pag naiwan kang mag-isa.

Well, Totoo naman haha! Kasi hanggang ngayon ganito pa din ako..

Malungkot, Nag-iisa, Hugotera, Parang may kulang.

Pero sabi din nila minsan hindi mo naman kailangan ng lalaki para mabuhay kasi ipinanganak ka ng magulang mo ng mag-isa kaya mabubuhay ka kahit ikaw lang dipende kung may kambal ka nung ipinanganak ka.

So, Nandito ako ngayon sa Radio station dahil mag-giguest ako sa 101.9 MOR para sa show ni DJ Chacha.


"Alex, Okay ka na? Mag-sstart na in a few minutes hehe. Wag ka kabahan ah, Be yourself lang"


sabi ni DJ Chacha sakin habang inaayos niya yung mga callers niya. So bali isa ako sa magpapayo sa mga callers niya hindi ko alam kung magagawa ko ba 'toh juiceko bahala na nga haha!


"So we got our first caller for tonight! Hello? Alexandra? Si alexandra po ay 19 years old from Quezon City"


Napataas ako ng ulo nung narinig kong kapangalan ko yung caller ni DJ Chacha! Sabay ngiti sakin ni DJ Chacha kasi nashock din siya.


"So, Alexandra anong i-shishare mo sa amin tonight ni Alex? Oo nga pala! We have Alex for tonight.. Maraming salamat alex at napaunlakan mo kami ano? Haha! Ka-pangalan mo pa ang first caller natin tonight bongga! So ayun nga alexandra anong i-shishare mo sa amin?"


Habang nakikinig ako sa caller, Medyo kinakabahan ako! Hahaha. Hindi ko alam kung bakit pero well sige i-push ko na ito.


"Ah kasi po DJ Cha and Ms. Alex, Hanggang ngayon po hindi pa ako nakaka-move on sa ex boyfriend ko. Medyo matagal na din po kaming wala pero hanggang ngayon may sakit pa din po akong nararamdaman"


Ay bakit ganito!? Ano to? Bakit pareho kami ng pinag-dadaanan..


"Ah! Yung lalaking ito ba alexandra is first boyfriend mo? First Love ganun?"


Sabi naman ni DJ Chacha na na-cucurious sa story ng caller..


"Opo DJ Chacha, Siya po first ko sa lahat ng bagay.. Kaya feeling ko kaya po ako nasasaktan kasi hanggang ngayon yung memories po naming dalawa na mag kasama hanggang ngayon hindi ko pa din mabitawan"


"Alexandra, nandito si alex our guest for tonight para mag bigay ng payo sayo"


Bigla akong nagulat nung sinabi ni DJ Chacha na ako ang mag-papayo para sakanya sabay bulong sakin..

"Kaya mo yan girl. Alam kong matutulungan mo yan"


"Hi alexandra, It's me alex.. Alam mo naiintindihan kita, Mas nasasaktan kasi tayo kapag inaalala natin yung mga bagay na nakasanayan natin nuon kasama yung mga taong mahal natin dati.. Naiisip nating hindi na pwedeng mangyari yun ngayon kasi wala ng kayo. Masakit talaga kasi first love mo siya eh. Sabi nga diba, First Love never dies.. Pero alam mo mabuti mong gawin? Aralin mong mabuhay ng wala na siya sa buhay mo.. Bata ka pa, Marami ka pang makikilala wag kang magmadali kasi kusang dadating yung tamang tao na mag bubuo ulit sayo.."


Bakit parang kinakausap ko yung sarili ko? Bakit kung ano yung sinabi ko sa Caller parang ayun yung gusto kong marinig sa lahat ng taong hiningian ko ng payo? Tinake over naman ni DJ Chacha yung caller.


"Ayun nga alexandra.. bata ka pa, Marami ka pang makikilala sabi nga niAlex payo ko sayo lahat ng bagay na mag papaalala sakanya, Itabi mo na okaya itapon mo na huwag kang magkulong sa memories niyo na nagpapasakit ng damdamin mo. Tanggapin mo lang na wala na siya.. Diba kapag mahal mo ang isang tao, Pinapalaya mo? Mahalin mo yung sarili mo para lumaya na siya sa sakit ng kahapon.."


At nag thumbs up naman sakin si DJ Chacha pagkatapos niya mag bigay ng payo sa caller..


"Dyan po nag tatapos ang first caller natin for tonight grabe! First caller palang pero parang ang sikip sikip na sa dibdib ng mga nangyayari haha! Magbabalik tayo ulit in few minutes so here's a song from Kamikazee ft. Kyla HULING SAYAW"



At natapos nga ang show ni DJ Chacha at naka-uwi na ko from Radio Station.


Tama nga yung sinabi ni DJ Chacha, Mahal ko siya kaya pinalaya ko na siya pero ako ito nakakulong pa kasi hindi ko kayang kalimutan yung mga memories naming dalawa. Kailangan ko ng pakawalan para maging masaya na din ako..




AN://


HELLO! I'M BACK HAHAHA SORRY IF NATAGALAN YUNG PAG UPDATE PERO HEHE SANA NAGUSTUHAN NIYO! ANYWAY MAY SPECIAL PARTICIPATION PALA SI DJ CHACHA HAHA ODIBA AYOS HAHA. SEE YOU ON MY NEXT UPDATE MWAH!

Wala nang tayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon