Chapter 4 - Swing

114 4 3
                                    

3AM na. D pa rin ako makatulog, sinubukan ko ng bilangan lahat ng pwedeng bilangin, kulang nalang, pati hibla ng buhok ko binilang ko na para makatulog. Yakap yakap ko yung hotdog pillow ko.

"Argh! D ako makatulooooog!" tumingin ako kay Amy.

"Lintek, Ate gumising ka nga muna. D ako makatulog e." ginigising ko siya, inuuga uga pero walang epek, TULOG MANTIKA e. "Huuuuuy, gising ka muna. D ako makatulog e!" Inalog alog ko ulit siya pero wala talaga. Hayy nako.

Tumayo ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko para makatulog.

Bumaba ako ng kitchen para magtimpla ng gatas. Pagkatimpla ko, dumiretso ako sa may terrace. Wala talaga kong magawa. Ayoko naman magopen ng laptop dahil lalong d ako makakatulog. Alam ko na! Magpapatugtog ako. Hinanap ko agad yung Ipod, nung nahanp ko. MALAS. Lowbatt. Ano ba to. Bumalik nalang ulit ako sa terrace.

Habang nagpapahangin, naalala ko yung picture ni JP na kasama kami. Kilala ko na nga ba si JP noon? Bakit hindi ko siya matandaan? Naisip kong gisingin ulit si Amy kaya bumalik ako sa kwarto

"Amy, gising ka muna. May itatanong ako sayo." Inalog alog ko ulit siya.

"Aasdasdfghjkuytfvbnjhgfdsdfgbnmkj" nagaalien speak yung pinsan ko -___-

"Anong sabi mo? Oyy, gising ka muna."

"asdfjedsoxiucfewskixcuhfjjgkbmvcnbz" mukhang wala talaga siyang balak gumising at siguro may kinakausap na alien to sa panaginip niya. Tindi magAlien Speak o.

Hayyy, ano ba to, d ako makatulog pero andami ko rin naiisip. Hay. Nakakastress. Naalala ko rin yung text ni Jp, syeeemay. Kinikilig ako :""> Pero bakit ako kinikilig e d ko naman yun crush. Pero siguro yung thought nalang na katext ko ang isang poging lalaki, yun na siguro. :""""">

*Kukurukukooo. Kukurukukoo" 

Argh! Ano ba, ang ingay!

"Kukurukukoo. Kukurukukoo" 

Triny kong abutin yung alarm clock ni Amy. Takte naman e. Gusto ko pa matulog. Sa kasawiang palad d ko maabot. 

"Amy, patayin mo na ung alarm clock mo." Tamad kong sabi sakanya pero d pa rin siya sumasagot

"Amy!!!" sumigaw na ako, baka marinig niya.

Wala pa rin?!

Napalingon na ako sa side niya and to realize na wala na si Amy. Asan nay un? Aga umalis. Tinignan ko yung clock and 12PM na. HALA? Nagmadali ako na lumabas ng kwarto pero bago yun, dumiretso muna ako sa cr para maghilamos at magmumog. Pagkalabas ko ng kwarto...

"Good afternoon cous" wow. Good mood ang loka at siya ang una kong natanaw

"Good morni-afternoon." Habang nagkukusot ng mata ko "Kanina ka pa gising?"

"Oo. Mga 8 palang gising na ako, ginigising kita pero ayaw mo magising kaya inalarm ko nalang yung clock ko ng 12 para magising ka ngayong tanghali."

"Ah, ganun ba?" Napakamot ako ng ulo. Sa pagkakatanda ko siya yung ayaw magising kagabi e.

Napatango tango naman siya. Pabalik na ako ng kwarto ng ..

"Teka, maligo ka na. Aalis tayo. Bilisan mo ah? Dapat past1 makaalis na tayo."

E? Anong meron?

"Huh? Bakit? Saan tayo pupunta?"

"Basta. Bilisan mo." Nakinikilig yung boses. Mukhang it is stalking time nanaman ang gagawin nito. At dinadamay nanaman ako.

"Ano bang meron?" naaasar akong sagot "Kung magsstalk lang tayo sa JP mo. Tigilan mo na."

"Gaga." Lumapit siya sakin "Hindi tayo magsstalk. Okay?"

"E ano nanaman to? Tsaka pwede bang pakainin mo muna ako ng brunch ko?"

"Uhm., osige. Pupunta kasi tayo kela Tita, sa mama mo. Ihahatid natin yung gamit nila. Emergency daw na makauwi sila ng probinsya ni tito ngayon. Tsaka, yung pagkaen, nandun sa dining table. Kumaen na ako. Kumaen ka na lang." tapos lumabas siya papunta sa porch

Aalis sila papa? Uuwi sila sa probinsya? Gusto ko sumama. Waa. Nagamadali na akong magkikikilos para makapunta kagad kami ng airport. Nagdala ako ng gamit para makasama ako.

Sa airport

Ako: Ma, sama na ako please? 

Ma: Anak hindi pwede. Samahan mo nalang si Amy sa bahay. Dito ka nalang muna. 

Ako: Please? 

Pa: Sweat heart, wag ka na sumama. Stay with your pinsan nalang. Enjoy your summer. Babalik din kami within two weeks. Papasalubungan nalang naming kayo. 

Amy: talaga tito? Don't forget my pastillas and binagol ah? 

Pa:Sure. Basta ikaw Amy. OSige na magccheck in na kami. 

Ma: O Amy, magingat kayo ng pinsan mo sa bahay niyo ah? Anak. Wag kang pasaway kay Amy. Tulungan niyo si manang Lili sa Gawain sa bahay ah? Ingat.

Oshemay. Ayun na. Umalis na sila. Nakoooo. Iniwan ako ng mga magulang ko dito sa panget kong pinsan, my summer is now over.

Pagkauwi namin sa bahay, nagyaya si Amy na ilakad naming yung mga aso, magfofour PM na. Tinatamad ako umalis ng bahay pero ganun din, wala ako magagawa dito kaya sumama na ako sakanya.

Andito kami ngayon sa park, naggagala kasama ang mga aso. Dala ko si Cupcake while hawak niya naman si Zach. Parehas silang aso ni Amy, namimiss ko na tuloy yung mga alaga ko sa bahay. Kmusta na kaya yun. Sana inaalagaan yun ng mga kapatid ko.

Nagsswing nalang ako dahil pumuntang tindahan si Amy kasama ang mga aso, nagulat ako ng biglang may sumigaw

"Hey Grace!"

Grace daw.. Ako ba yun? Pero imposibleng ako yun dahil mga piling tao nga lang ang tumatawag sakin ng pangalang yun dba.. Kaya dedma lang! :D

"Uyy Graaaaaaaaace"

Sino ba yung Grace na yun at ayaw pansinin ung lalaki, infareness, familiar sakin yung boses nung lalaki.

"Graaaaace!!!" malakas na yung boses, siguro malapit siya sa side ko

"Huy" sabay tulak sakin sa swing pero d naman ako nahulog....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

So sino kaya ang tumulak kay Sarah sa swing? Abangan niyo yan sa next chapter :))

Hope you guys enjoy reading this story. :D

Hello sa totoong JP at Art, kung asan man sila ngayon pati na rin kay Amy. :D

Much Love - Cx

Love At First Sight *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon