Hindi pa tapos sila ate magtsismisan pero sabi ko lalabas muna ako para icheck yung mga aso sa may garden. Ang totoo, naiilang lang talaga ata ako, d pa nga ako nakakaen ng maayos dahil sa mga kasama ni Ate. Talaga siya.
Pinagmamasdan ko lang yung aso ng may biglang nagsalita
"Bakit mo ako tinititigan? Cute ba ako?" malalim yung boses. Yung aso kaya yun?
"Oh gosh?" napaatras ako "Zach nagsasalita ka na?"
Tapos biglang may tumawa ng malakas. Pagtingin ko sa likod ko nakita ko si JP
"JP?" nagulat ako nung nakita ko siya
"G-grabe!!" tawa siya ng tawa. Nakahawak na yung isa niyang kamay sat san niya yung isa naman sa nakaturo saken. "Ang epic mo." Tawa ulit "Epic mo talaga!" tas tatawa ulit siya.
"Eh? Bakit? Narinig mo rin ban a nagsalita si Zach?" naguguluhan pa rin akong tanong sakanya "Narinig mo?"
Gulat na gulat ako pero siya tawa ng tawa. Ay bwisit to.
"Hindi si Zach" tatawa tawa niyang sabi nanaman "yung nagsalita" tumawa nanaman siya "A-ako yun!" tawang tawa niyang sabi habang yung isa nyang kamay e nakaturo sa sarili niya
Walangya! Siya? Siya yung nagsalita? Okay. Since nasa may garden naman ako, may naisip akong CRYSTAL among all brilliant idea. BWAHAHAH >=))
*Sppppppssssshhhhhhhhhh*
(Sound effect yan nung tubig na galing sa hose.)
"Ayy, Sarah walang ganyanan." Bigla siyang napatigil sa kakatawa at napatingin sakin.
"Wala? Wala?" habang tinutok ko skanya yung hose "Eto sayooooo"
*Sssssspppppppssssshhhshhhhhhhh*
Bwahahaha, o ano ka ngayon?!
"Saraaaaah" habang umiiwas iwas siya sa may tubig. Medyo basa na yung shorts niya, sa baba ko kasi tinutok yung hose hindi sa mukha niya :P "Oy tama na please?"
"Ayoko!!" tawang tawa ko ng sabi skanya "ayan bagay sayo. Trip mo ako e"
"uyy. Sorry na" tapos bigla siyang tumakbo papunta sakin kaya naman nabasa na talaga yung katawan niya. Hinawakan niya yung braso at kamay ko at pilit na pinapabitaw sakin kaya nababasa na rin ako
"uy, ano ba," nababasa na akooooo "Tigil mo nga yan."
Ngayon ako na yung nagsasabing itigil dahil nababasa na ako.
"Ayoko. It's my turn" naagaw niya sakin yung hose tapos ako nagtatatakbo paloob.
Basang basa na ako e. :(( WAAAA
Pagdating ko sa loob, sakto naman na palabas si ate at si Art
"A-aaa, A-aa" Hindi ko alam kung sino yung uunahin kong tatawagin sakanila, nakakahiya.
"Anong nangyare sayo? Ano ginawa mo?" tanong ni Amy. PATAY na!
"Uy Sarah." Tinulak ako ni JP "Ang hirap naman patayin nung hose niyo." tapos natigilan siya nung nakita niya si Amy at si Art.
"A-anong nangyare sainyo? B-bakit basa kayo?" tanong ni Art na gulat na gulat na nakita kaming basang basa
"Ah, ano kasi e." nagiisip ako ng idadahilan pero
"Kasi ano, tinulungan ko si Sarah magdilig. D-dba Sarah?" tapos sinisiko siko niya ako
Bright Idea JP.
"Ah ano, oo e, nagdilig kasi ako." Napatingin ako kay ate "Tapos tumulong si J-jp. E nasira yung hose kaya ayun nabasa kami. D-dba?" ako naman yung sumisiko sakanya
"a-ah. O-oo. Oo ganun na nga" napadevil grin naman tong isang to. Bwisit
"ganun ba?" alalang boses ni Amy na sabi, "Sabi ko naman kasi kay manang at kay daddy na palitan na yung sprayer nung hose e. Sorry nabasa ka pa tuloy dun JP."
Walangya tong pinsan ko. JP pa rin?!
"Ahh. Hehe. Ayos lang." Nilagay niya yung kamay niya sa batok niya "ayos lang" tas ngumiti
"Magbihis ka muna. May gamit naman ditto si Kuya Niel e" (Kuya Niel, ang ampon niyang kapatid na nagaaral na rin sa states) pagyayaya ng pinsan ko kay JP na magbihis at lumingon siya saken "Magbihis ka na rin Grace."binalik niya yung tingin niya kay JP "Tara?"
Tumango tango naman si JP. Pero bago siya umalis binulungan niya ako ng "Nice Ribbons!!"
tapos nginitian ako. Ang kanyang ala-DEMONYONG ngiti ang pinakita saken. Walangya talaga to akala ko mabait hindi rin pala. Magpinsan nga sila ni Art..
Napatungo ako sa sinabi ni JP to realize na color pala ng bra ko yung tinutukoy niya. Actually, white tlaga yung bra ko nun pero may print ng colorful ribbons e saktong white blouse din yung suot kong pantaas nun kaya ayun, kitang kita pala. Kaya pala etong si Art e kanina pa nakatingin sakin.
"WHAT DA!?!" napatignin ako kay Art na mukha naman nagulat sa sinigaw ko. "Manyak!" sabay takbo paakyat ng kwarto.
Nakatingin siya sa dibdib ko ;(( waaa. Total expose naman ang kaluluwa ko dun. Bakat na bakat ang bra ko dahil basang basa nga ako. Kakahiya.. Kasalanan to ni JP e. Peste siyaaaa!!
BINABASA MO ANG
Love At First Sight *HIATUS*
HumorDo you believe in love at first sight? Is it really possible? "All the time I really believed that Love At First Sight is never possible, but then you came into my life and changed everything."