Chapter 5 - My Super Heroes

70 4 2
                                    

"Art?" gulat kong sabi "bakit andito ka?" abay ako pala yung Grace na tinatawag niya

"HAHA Bawal ba ako ditto sa park, dapat kasi magppractice kami kaso wala yung ibang kateammates namin e."

"Ah, ganun ba?"

Napatango siya. "Oo nga pala. Nakita ko si Amy dun sa tindahan kanina" 

"Ah, oo, may bibilhin daw siya." Napatahimik muna kami.

D ko alam pero parang ang awkward ng silence kaya binasag ko

"Oo nga pala, why did you call me Grace, paano mo nalaman na pangalan ko rin yun? Hm, tsaka actually, piling tao lang yung tumatawag sakin ng Grace e." tanong ko sakanya.

"A-ahm, A-ano kasi e.." Napakamot siya sa ulo "nasabi ni Amy sakin kanina sa tindahan, tinanong ko kasi kung kasama ka niya, sabi niya iniwan ka raw niya ditto sa park." Napasmile siya. Tehee. Ang cute ng smile niya :"">

Pero teka, hindi niya sinagot yung tanong ko.

"Eh paano mo nalaman na Grace ang second name ko?"

"Ahm, nasabi ata ni Amy kanina." Tapos napayuko siya at umupo sa swing sa tabi ko.

"Ah, okay." Eto nanaman. May moment of silence samin dalawa. Medyo kinikilig kasi ako kaya d ako makapagsalita, siya kaya kinikilig din kaya hindi makapagsalita? HAHAH Lol. Asa naman ako.

"Uy Art!" Nagulat kami dahil may tumawag na babae kay Art, nilingon naming parehas yung tumawag sakanya at nakita ko yung isang babae, familiar ung mukha niya dahil tuwing napupunta ako ditto sa village nila pinsan e nakikita ko tong girl na to.

"Ahm, girlfriend mo?" Tanong ko sakanya

"huh? Hindi ah. Kaibigan lang."

"Ka-i-bi-gan o ka-ibig-an?" sabay tawa ko

"Ka-i-bi-gan lang" na sakto naman dating nung babae sa tapat namin.

"Hello Art" habang nakaway kaway at nagpapacute. Aba! Hindi kaya siya cute kaya no effects yank ay Art no. For sure.. PERO!!!

"Hello princess!" tumayo si Art. "kmusta?"

Napalingon talaga ako kay Art kasi tinawag niyang princess yung babaeng yun! So girlfriend niya nga ata?! >:( Ohmay wala na. I'm too late.

"Ahm" pacute ng pacute yung babae. Nakakainis na. Sasabunutan ko to e. Ang nakakagulat pa e biglang pumulupot yung malanding to kay Art! Pinuluputan niya ang biceps at triceps ni Art ko. Akin yun e! Aww. Isa pa. Nakajersey si Art ibig sabihin hawak hawak niya talaga yung braso ni Art ko. Aww.

"Eto okay lang. Grabe ang galing mo sa game niyo. No wonder kung bakit kayo lagging nananalo e." tse. Malandi ka!

"Ehem. Ehem." Syempre kunwari nasamid ako. Aba aba nakapulupot kaya yung babaeng haliparot sa Art ko! ART KO? HAHAHA ASA Strikes again! :P

"O Grace." Tinanggal ni Art yung kamay nung babaeng linta sa braso niya "Okay ka lang?"

Wow ah. Concerned si Mokong!  

"Ahm, okay lang." habang nakaaprove sign ang kamay ko. "nasamid lang ako" nginitian ko siya

"ahh." Hinawakan niya yung noo ko. Goshh :"""">

"Eh? Okay naman pala siya Art e. Tara libre ulit kita ng turon. Favorite mo yun dba?" Lesheng babae to. Napakalandi! >:|

"Ah, wag na" Oy tumanggi si Art. Napatingin ulit ako sakanila "May kasama kasi ako. Bisita ko nga pala, si Grace. E-este si Sarah" habang nakatingin at nakasmile siya sakin.

Love At First Sight *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon