Chapter 10 - His confession

72 3 0
                                    

Nandito na ako sa kwarto naming ni Ate Amy. Ang weird gusto ko na umuwi. Naiinis pa rin kasi ako sa mga nangyari kanina. Feel ko rejected ako e. Ewan ko ba. Naliligo si ate ngayon, ako eto nakahiga lang. Boring. Nagiisip isip ng mga pwedeng gawin.

"Ate?" kinatok ko na yung pinto nung cr. Ang tagal talaga nito maligo kahit kelan. "Lalabas muna ako ah? Dadalhin ko yung isang Key card."

"oo sige. Malapit naman na ako matapos. Ingat ka ah? Text mo ako kung nasan ka" sigaw niya

"Okay. Saglit lang naman ako. Bye."

Actually. D ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko lang talaga magliwaliw.

Dumaan ako sa may lobby. Nakita ko dun si Ate Hany pero may kausap siya. Haaay. Sa labas nalang muna ako, papahangin. Pagpunta ko sa labas, maraming tao pero mostly couples. Ano ba yan.. Bakit ganito pa mga nakikita ko. E ako forever alone =))

Umupo ako sa isang bench. Hindi sya ganun kalayo sa shore.

"Hey. Can I join you?"

Nagulat ako. Napalingon ako.

"Hey A-art?"

Nginitian niya naman ako. "So ano pwede ba?" tanong niya saken

"hmm-mm. Sige lang. Aalis na rin naman ako." Patayo na ako ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" -_______________- Anong isasagot ko? Alangan naman sabihin kong oo kasi nasaktan ako.

"Ha? Hindi naman. Papasok na talaga ako malamig kasi." Sige lang magsinungaling ka lang Sarah

"Sorry ah?" wait? Tama ba yung narinig ko? Nagsosory siya? Napalingon ako

"Ha? Anong sabi mo?"

"Sorry. Sorry sa nasabi ko kanina tsaka sa ginawa ko kagabi."

Ayuun Naramdaman niya rin. Hayy

"Ahh. Ayos lang yun. Siguro kasi nga magkababata tayo kaya mo nagawa yun. Ayos lang, ikaw naman. Wag mong seryusohin."

"Hindi. Hindi ayos sakin yun e."

Napatingin nanaman ako sakanya " Ha? Bakit naman? Ayos naman saken yun tas sayo hindi ayos? Adik ka ba?"

"Hindi ayos saken yun kasi"

"Kasi ano?"

"Kasi gusto kita. Gusto kita Sarah Grace." Gusto niya raw ako?

ANO? Ano yun? Anong narinig ko? Nagiilusyon nanaman ba ako? Anong sabi niya? Ano raw? Hindi. Hindi na ako magaassume. Baka joke lang.

"Ano ba yang trip mo? HAHAHA Ang galling mo magjoke ah infareness nakakatawa. Swear." Tinap ko siya sa balikat

"Sarah" Hinawakan niya ako sa braso ko "Yung sinabi ko sayo. Totoo yun. Seryoso ako."

Natigilan ako. Napatingin ako sa beach. Mali. Hindi. Nagjojoke lang sya. Prank niya lang yun.

"Ayos na. Ayos lang naman e." nginitian ko siya. " Sige pasok na ako ah?"

Napabitaw siya saken. Umalis na ako

(Art POV)

Wow. May POV na ako. Thanks author ha?

Nga pala, inamin ko kay Sarah na gusto ko siya pero parang wala lang sakanya. D niya siguro ako gusto. Palibhasa, ang bilis din. Ilang araw pa lang ba kaming magkakilala ULIT. Yung totoo, bata palang kami gusto ko na si Sarah, lalong hindi totoo na nakalimutan ko siya. Sa playground kami unang nagkakilala nun. Sa isang awkward situation pa.

FLASHBACK

"Bahala ka nga dyan. Isusumbong kita"

"bahala ka"

Nako. Nagaway nanaman kami ngayon ni JP. Inaway niya nanaman ako

Umiiyak tuloy ako ditto tas biglang may isang babaeng lumpait saken

"Bakit ka naiyak?" tanong niya saken.

"E ano naman sayo? Bakit ba pinapakialaman mo ako? Sino ka ba?"

"Ang bad mo naman. Tinatanong ka lang kung bakit e."

"Hmm. Wag mo nga ako kausapin"

"Grace uwi na" nagulat naman ako sa isang babae ulit na may kasmang matanda na

"tara na Grace"

Humawak naman siya sa kamay nung matanda na

"Teka lang po." Yumuko nanaman siya para tignan ako "Wag ka na umiyak. Halika sama ka sa bahay? Laro tayo?" tas tumayo siya at tinignan yung matanda niyang kasama "Pwede po ba natin siya isama?"

Nagnodd naman yung matanda niyang kasama

Tinayo ako nung kasama niyang batang babae. Naglakad na kami..

"Anong pangalan mo?" tanong sakin nung kasama niya

"Arthur. Ikaw?"

"Ako si Amy. Bakit ka naiyak tsaka bakit mo sinungitan yung pinsan ko?

"Sorry. Naiinis kasi ako pinapakialaman niya ako."

"Mabait naman yun e. Teka."

Tumango naman ako

"Grace.. Halika."

Bumitaw naman si Grace sa kasama niya at naglakad papunta samin ni Amy

"Siya si Arthur." Pinakilala naman ako nitong Amy na to

"Ahh. Hello. Wag ka na umiyak ah? Sabi ni mama" tapos tinuro niya yung babaeng matanda na kasama nila "ang lalaking naiyak bading daw. Bading ka ba?"

Aba at nangasar pa. " Hindi ako bading ah? Inaway kasi ako ng pinsan ko e."

Maypagkapakialamero rin pala talaga tong panget na to. Ang taba taba niya samantalang eto si Amy payat. Pero aaminin ko, maganda siya tsaka natuwa ako sakanya kasi nakita kong concern sya sakin.

End of flashback

Ayuun Doon nagsimula ang pagkakaroon naming ng koneksyon nila Amy at Sarah. Nakilala ng parents ko ang parents nila at nagging friends din. Ayy oo nga pala. Syempre si Amy at Sarah nagging kaibigan din naman si JP

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Nagiisa ako sa shore. Nagaalala ako. Galit kaya si Grace saken ngayon? Baka nagulat siya sa sinabi kong gusto ko siya. Oo totoo naman gusto ko talaga siya. Bakit ba kasi nasabi kong gusto ko sya? Ayan. Awkward na. Nakakinis. Magsosorry nalang ulit ako bukas o kaya mamaya o kaya ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love At First Sight *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon