Dahil sa mga nangyare kagabi, d kaagad ako agad nakatulog. Hindi ko kasi alam kung anong nararamdaman ko. Sobrang kinikilig ako dahil hinalikan ako sa noo ni Art pero mas nakakakilig naman yung sa cheeks, ang hindi ko alam e yung rason nila para halikan nila ako. AKO NA YATA ANG PINAKAMAGANDANG BABAE SA MUNDO.. Ako na ako na talaga. Ang haba ng hair ko no. Bonggasious ever dahil dalawang lalaking hot ang nagkiss saken. Ohmyhollymollywow.
Kaya eto, 10 oclock na ako nagising, pagkababa ko nakita kong malinis na yung dining table, ibig sabihin tapos na sila kumaen.
Nakita ko si Amy na lumabas sa CR
"Good Morning, tapos na kayo kumaen?" d man lang nila ako ginising
"Hindi pa."
"Ahh. Akala ko naman kumaen na kayo. Ineexpect ko rin na wala na sila dito sa bahay ngayong umaga"
"Grabe ka naman, andyan pa pero mga gising na rin ata yun"
"E totoo naman" tinali ko na pataas yung buhok ko "Tara kaen na?"
"Hindi na. Maligo ka nalang, sabi ni Art sabay sabay na raw tayo magbreakfast, ittreat niya raw tayo." Para san nanaman kaya to
"o-okay. Paaano pala sinabi ni Art na ittreat niya tayo?" does that mean na gising na si Art?
"Nasabi niya na yun kagabi, pinagising ko na kay Manang yung dalawa, pababa na rin ata yun"
" okay. Sa taas na ako maliligo, dun ka nalang sa kwarto." Ang ibig kong sabihin nun e sa may "public" na cr na ako maliligo hindi dun sa mga CR sa bawat kwarto. May 3rooms sa 2nd floor at bawat room may CR tapos may isa pang CR na nakabukod. Sa may 3rd floor naman isama na ang attic, may 2 rooms at isang CR naman. Medyo malaki talaga yung bahay e.
After ko maligo, nagpunta na ako sa garden, dun ko nalang hihintayin si Amy na hindi pa rin tapos maligo hanggang ngayon.
"Gi tara na?" nagulat ako kasi si JP yung nakita ko
"Ha? Hindi pa kasi tapos si Amy e, teka lang."
Nagulat ako kasi bakit sya nakasemiformal. Jeans + polo tapos ang ayos ayos talaga ng itsura niya
"ano bang meron? Bakit nakaganyan ka?" tanong ko sakanya "tsaka nakauwi ka na agad at nakaligo?"
"Syempre d naman ako babae na 100years maligo no. E kasal kasi ngayon nung pinsan namin e, invited kami tas sabi ni Art magdadala daw siya ng kasama and kayo yun. Pumayag naman si Amy so tara na sa kotse, si Art na nandun nagddrive e." habang inangat niya yung kamay niya na parang nagyayaya lang sumayaw. BWAHAHAHA ano ito prom?
Nahiya naman ako kasi nakashorts at simple shirt lang ako kaya sabi ko magbibihis muna ako. Kaya pala matagal si Amy sa banyo d man lang nya sinabi. Nagmamadali tuloy ako maghalungkat ngayon kung may dress ba akong nadala.
THANKS GOD meron, pero napakafit naman nito, pero keri na rin.
Lumabas ako and nakita kong andun na rin si Art na naghihintay sa graden
"Uhm, okay na ba?" tanong ko. Baka kasi nakakahiya itsura ko
"Sobra. Ang ganda mo" papuri ni Art syempre kahit medyo naiilang pa ako sa mga nangyari kagabi e kinikilig ako at mas lalo pa akong kinilig kasi ang ganda ko raw.
"Grace ganyan ka na?" nagulat ako kay Ate kasi nakatodo make up. Wow ah. Ayos to, hindi naman ata siya yung ikakasal pero naka full make up + curled hairs pa ah.
Tumango ako. Ano pa ba dapat dba?
"Hindi ka pwedeng nakaganyan, tara."
Hinila niya ako papunta sa kwarto and sinimulan ng murderin ang buhok ko. Sabi ko iplantsa niya nalang yung buhok ko pero ayaw niya kaya nakasemi waves yung buhok ko. Sa make up naman, ako na ang bahala, light make up lang actually, wala talaga kasi cinurl ko lang ang lashes ko at naglipgloss. Simple as that lang. Sabi ni ate magpasampal nalang daw ako kela Art para pumula ung cheeks ko. Brutal talaga yung pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight *HIATUS*
HumorDo you believe in love at first sight? Is it really possible? "All the time I really believed that Love At First Sight is never possible, but then you came into my life and changed everything."