Chapter 2 - Pancake House

67 5 2
                                    

Kinabukasan, 11pm na kami nagising ni Amy dahil nagmovie marathon pa kami bago matulog. Siyempre, kasama na kwentuhan dun no! ;) So, pumunta kami ng pancake house para dun nalang kumain ng brunch. Umalis kasi yung parents ko tapos hindi na nakapagluto si Manang Lili ng pangbrunch naming.

"Alam mo bang sa pancake house madalas si Arthur at JP?" sige, nagsisimula nanaman yung pinsan kong stalker

"Panu ko malalaman, bago lang ako dito tsaka DUHHHH hindi ako katulad mong stalker no!" napataas naman ang kilay ko

"Ang yabang mo talaga. Gusto mo lang din makita si Art e, aminin."

"Sorry pero mas Masaya akong single at hindi pumapansin sa boys no! :) Di ako katulad mo."

Nagorder lang kami ng breakfast namin then nagbukas ng wifi si Amy gamit ang phone niya.

"Art and I were on our way to pancake house. Late nanaman nagising. Watch us play later, second game kami." Nagsasalita nanaman magisa. Hula ko nagbabasa ng tweets ni JP to. Talaga naman! -______-

Omaygash! Siya ay certified stalker ni JP. Nakakahiya man pero sinabi ko talaga sakanyang

"Alam mo ang pangit tignan, para kang stalker niyang JP na yan. Tigilan mo na nga yun d naman ata yun kasing pogi ni Art no!"

"Hey, kapal ng mukha mo. Wag ka magsabi ng ganyan. Sasabunutan kita dito."

"Oh? I'm scared. As if magawa mo no?" binelatan ko siya.

"Hmpp." Bumalik siya ng tingin sa cellphone niya then may binasa nanaman.

"1 block away sa pancake house. Sobrang gutom na ako. Inaantok pa raw si Art."

"Huh? Ano ba sinasabi mo?"

"Eto o, nagttweet kasi si JP e, siyempre binabasa ko."

"Ayy. Stalker ka nga."

Biglang bumukas ang pinto ng pancake house, panu naming nalaman? Kasi may wind chime sa pintuan nila.

"Gash. Ayan na sila teh" kilig kong kilig pero siya na talaga kinikilig

Napalingon ako. O may holy carabao. Napanganga ako sa nakita ko.

Una kong nakita si Arthur na nagaayos pa ng buhok dahil mahangin sa labas pero nung nakita ko yung lalaking maputi, pogi, nakashades pa and pagpasok niya, tinanggal niya yung shades niya and nakita ko yung naniningkit niyang mga mata, nung nakita ko yung mga mata niya, parang tumigil ang mundo ko.

"Oh, yan si JP." Sabay turo sa lalaking tinutukoy ko sainyong pogi. " Pogi no, pero oopss akin lang yan."

Omayyyy! Siya si JP? This can't be happening. Hindi siya pwedeng maging si JP. Hindi ako papayag.

"Sigurado ka? Baka namamalikmata ka lang."

"Hello? Ako pa namamalikmata e no? E ako yung updated sa kanya pa ang namamalikmata. Tulog ka pa ba?"

No way! This can't really be happening. Hindi ko alam yung nangyayari sa akin pero nung unang beses ko talaga siyang Makita, iba na talaga naramdaman ko. Parang may butterflies sa tyan ko, tapos hindi ako mapakali, inayos ko ng maigi yung buhok ko, tas chineck kung may dumi ako sa mukha sa mirrorized na table na pagkakainan namin.

Sakto, dumating yung waiter at inabot yung inorder namin. Kumain muna ako saglit pero d ko mapigilang wag mapatingin kay JP.

"Hoyy? Okay ka lang? Aba, baka mapansin ka ni Art na may gusto sakanya ah?"

"Huh? Uy, d naman. Grabe ka talaga."

Hindi ako makapaniwala na totoo yung sinasbi ni Amy, pogi nga si JP, ang puti niya, akala mo tagaStates sa kaputian, ang ganda ng mata niya, ang singkit pero magandang titigan, yung ngiti niya, syemayyy, nakakatunaw talaga at OO AAMININ KO, mukhang nalaglagan nga ata ako ng panty nung nakita ko siya. Pagkatapos kumain, nagyaya kagad ako kay Amy na umuwi pero itong si Amy, ayaw pa dahil daw andun pa si papa JP niya.

"Amy please umuwi na tayo?"

"No way, ang kulit mo! Mamaya na, sabay na tayong umalis kela Art. Mabilis lang yan kumain. Oh eto, gamitin mo muna CP ko para malibang ka naman." Inabot niya sakin phone niya.

"No thanks, may phone din ako no!"

Naghintay ako kay Amy dahil ayaw niya pa umuwi. Naglalaro ako ng fruit ninja ng biglang napakalabit sakin si Amy.

"Uy uyyy!"

"Oh ano?"

"Si Art papalapit dito oh."

Oopps. Si Art papunta nga sa table namin. Pero d ko pinansin.

"Hindi yan dito pupunta baka sa CR. Assuming ka nanaman." feeler si insan -_-

"Hindi e. Dito nga."

"Hi Amy, nuod ka mamaya ah?"

"Sure Art, siyempre manunuod ako, maglalaro kasi si bestfriend diba tsaka andun ka tapos si JP pa." pacute si Amy ah? Nakakinis.

"Yun oh! By the way, sino yang kasama mo?" napatingin ako sakanya. Curious si Art sa beauty ko o. Haba ng hair :D

"Hmm, pinsan ko nga pala, Art meet Sarah, Sarah meet Art."

"Hi Sarah, Art nga pala, schoolmate ni Amy." nganitian niya ako

"Hello. Hmm, alam ko nay un no." nginitian ko sya

"Huh? Alam mo-?"

pinutol ko na ang sasabihin niya, mamaya magfeeling na nagaalastalker ako sakanya.

"Ahh, kasi nakukwento ka sakin ni Amy." Palusot ko sakanya. "Makwento kasi siya sakin."

"Ahh, hmm, nuod ka rin mamaya sa game namin ah? Hmm, nga pala, may papakilala ako sainyo."

Bigla niyang tinawag si JP na katatapos lang magbayad ng bill nila nun.

"JP, si Amy at Sarah nga pala. Si Amy schoolmate ko, si Sarah naman, pinsan niya."

"Hello JP, I'm Amelia, Amy nalang for short. I don't bite. Upo ka muna?"

WHATDAHECK! Nawala na sa sarili si Amy. Bigla ba naman iabot ang kamay niya kay JP

"Hmm, Hi Amy, No thanks, d na ako uupo. Hey, Hi Sarah." sabay ngiti D niya inabot yung kamay niya. INISNOB niya ang kagandahan ng pinsan ko. Well.

OHMAYGASH. Why did he smileeeee? Bakit niya kailangan ngumiti?!?!?!?!?!?! Pwede naman magpakilala ng d nangiti e.

"Ah? Hi?" Nastarstruck ako sa pagsagot ko. Buti nalang, marunong ako magpigil ng kakiligan. Isa pa. Grineet niya kagad ako kahit d pa ako formal na nagpapakilala sakanya. Wow. Heaven! ;)

"Ininvite ko na nga pala sila manuod ng game natin mamaya, kavillage din natin si Amy e."

"Ah? Ganun ba? Sige. See you there. Sorry ah? Kailangan na naming umalis kasi magggym pa kami tapos mamaya may practice pa. See you later!"

"Ayy oo nga pala. Sige, una na kami a?" pagsangayon ni Art

Pagkatalikod ni JP, napangiti ako ng bongga. Wow. Ang pogi nga niya, mukha siyang anghel na bumagsak sa lupa kahit medyo mahaba yung buhok niya. Lumingon ako kay Amy para Makita yung reaksyon nya.

"Hoyy, tulala ka na diyan? Akala ko ba kilala mo na si JP." Wahahaha. Ang EPIC ng mukha ni Amy. Troll e!

"Oo nga, kilala ko siya pero d niya ako kilala, panu naman kasi ako magpapakilala dun e baka palapit palang ako sakanya nahimatay na ako." OA talaga e

"Mukha nga, patay na patay ka dun e."

I'm effin dead. Bakit ganito ako kakilig simula ng pansinin ako ni JP. Bakit hindi ko to naramdaman ng kinausap ako ng Art?! Bakit ako nagkakaganito. Nagpilit nalang ako umuwi kagad. Binayaran lang naming ung bill namin tapos umuwi na rin kami.

Pagdating sa bahay, dumiretso ako sa kwarto,d parin ako makamove on sa mga nangyari, una nakilala ko na si Art, second, si JP, bakit ganito yung feelings ko towards him. Bakit d ko makalimutan yung mukha at boses niya? Hala? Nahawa na ba ako ng JP FEVER ni Amy?! Binaliwela ko nalang ang lahat at nakatulog ako.

Hindi talaga pwede to. Matutulog nalang ako. Bakasakaling paggising ko, wala na yung awkward feelings na nararamdaman ko kay JP tsaka para maganda ako mamaya sa paningin ni Arthur :)

Love At First Sight *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon