"Grace, gising na. Dali na! Magprepare ka na! May tao na sa court, maglalaro na sila in an hour kaya dali na, maghanda ka na kasi manunuod din tayo." ang kulit naman nito ni Amy
Grace tawag sakin pagfamily side ko, Sarah naman sa mga tropa at sa school. Pilng tao lang ang mga taong pinapayagan kong tawagin ako sa pangalan kong Grace ;P D kasi ako "Graceful" e :D
"Eh, tinatamad pa akong bumangon. Matutulog pa ako, alam mo naman na pinuyat mo ako kagabi dba kaya I deserve to have this rest."
"Eh? Hindi mo mapapanuod si Art and d mo rin malalaman kung gaano talaga kagaling maglaro si JP ko."
After hearing Jp's name, napaupo kagad ako.
"Huh? Sila na ba maglalaro? Bakit d mo naman sinabi kagad! Teka, magreready na ako. Hala teka"
Napatakbo kagad ako sa CR para ayusin yung sarili ko. Habang inaayusan ko ang sarili ko, narealize ko nanaman ang kaweirduhan kong taglay buong araw, ano bang meron at bakit ganito ako?
Dali dali kaming pumunta ni Amy sa court. Buti nalang unti pa lang ang tao sa bleachers.Pumwesto kami sa tabi ng score board. Onting minuto pa ay may tumabi saming batang babae na may kasama pang isa pang babae pero dalaga na.
Nginitian niya kami tas lumingon din samin yung kasama niya na nginitian din kami. Siyempre, friendly kami ni Amy, nginitian din namin sila.
"Hi, ako nga pala si Margarette, Marga nalang po itawag niyo sakin, manunuod din po kayo ng game?"
"Ah, OO, may papanuorin kaming maglaro, Sarah nga pala."
"Ahh, kami rin po e, ayy, si Ate Pam nga po ala, pinsan ko."
"Hello Pam, ahm, siya naman si Amy, pinsan ko rin."
"Hi Ate Amy/Hi Amy." Nginitian lang ulit sila ni Amy na busyng busy sa pagaayos ng settings ng camera nya.
"Hindi ka po taga rito no? Parang ngayon lang po kasi kita nakita e." sabay turo sakin ni Marga.
"Ahh, OO, bisita lang ako ni Amy e."
"Ay, kaya po pala. Ngayon lang talaga kita nakita. Ayy, sino nga po pala yung papanuorin niyo?"
"Ahh, yung crush ng pinsan ko pati yung kaibigan niya."
"Ahh, ako po yung kuya ko. Oh, ayan nap o pala sila Kuya e." sabay turo sa grupo na bagong dating sa court.
Pero teka, team nila Art yan ah? Ohmaygash! ? Sino kaya dun yung kapatid ni Marga.
"Go Kuya!!"
"Ahm, sino dyan yung kuya mo? Anong number ng jersey nya?"
"Ahh, si kuya, yung nakanumber 02 po yung maputi. Bakit po?"
WTH>.< kapatid niya si JP? Si Marga ay kapatid ni JP!
"Kapatid mo si JP?!"
"Ahmm, opo, kilala mo po si kuya ko? Tapos ito namang si Pam kapatid si kuya Art."
Si Pam naman e kapatid ni Art. What a small world! Ano ba tong mundong to o. Patay tayo. Kinilabit ko si Amy.
"Amy, si Marga kapatid ni JP, si Pam kapatid naman ni Art."
"Whatttt?! Seryoso ka?" sabay tingin kay Marga "Kapatid mo si papa JP?"
"Opo? Bakit po? Kilala mo rin po si Kuya? Naging ex ka na po ba niya?"
"OO naman no, sino bang d makakakilala sa kuya mo e ang pogi nun, hmp, sa kasawiang palad, hindi pa nagiging kami pero sana talaga maging kami." Natigilan si Amy at biglang napatakip sa bibig. "Ayy, oops? Sorry. Joke lang yung mga sinabi ko pero oo, aaminin ko, crush ko yung kuya mo."
BINABASA MO ANG
Love At First Sight *HIATUS*
HumorDo you believe in love at first sight? Is it really possible? "All the time I really believed that Love At First Sight is never possible, but then you came into my life and changed everything."