[1] - Rose

860 28 33
                                    

Chapter One







~Park Jimin~






"Tita, ano pong ginagawa niyo kay Tito?!" Gulat na tanong ng isang bata.




Gusto kong matawa kasi nahuli ng isang bata ang mga magulang ni Taehyung na nag-a-'ano'!






Alam niyo na.




"H-Ha? W-wala! Minamasahe ko lang ang tito mo!" Sagot ni Tita at umalis sa ibabaw ni Tito.





Totoo naman. Minamasahe niya lang si Tito.



"Chieun, ano bang ginagawa mo diyan?! Sabi ko maghintay ka lang sa sala, diba?" Inis na tanong ni Taehyung.



Agad na tumakbo si Chieun papunta sa akin. "K-Kuya J-Jimin, a-away ako ni K-Kuya TaeTae!" Pagsumbong niya sa akin.


Ngumisi ako at pinaupo si Chieun sa lap ko. "Pagpasensyahan mo na yang Kuya TaeTae mo, may sapak kasi." Sabi ko. Sabay kaming napahagikhik ni Chieun nang makitang masama ang tingin sa akin ni Taehyung.




"Ikaw talaga! Palaban ka lagi sa Kuya Jimin mo!" Sigaw ni Tae at tumakbo na pababa. Kasi nasusunog na yung sinaing.



Pinsan ni Tae si Chieun. Laging nandito 'tong bata na 'to tuwing umaga kasi hinahatid namin sa school niya.



Hinihintay na lang namin si Jin na dumating. May sasakyan kasi yun.





"Eomma! Alis na po kami. May pagkain na po, ingat kayo sa trabaho." Paalam ni Tae.





Hinalikan muna siya ni Tita sa pisngi at niyakap naman siya ni Tito. "Basta mag-ingat ka, anak! Okay?" Tumango si Taehyung.





Umupo kami ni Chieun sa likod habang si Jin ang nag-drive at si Taehyung ay nasa passenger seat.




"Chieun, yung mga bilin namin sa'yo." Paalala ni Jin.




"Yes po, hyungs! I won't talk to strangers. I will behave. I'll wait for the three of you, no matter what. I'll kiss my crush!" Masayang sagot niya.




Nakipag-high five ako sa kanya. Ayos yung turo namin, noh?



"Ikaw talagang bata ka! Wag ka ngang maniwala diyan sa kuya Jimin mo!" Sabat ni Taehyung at inirapan ako.




"Sige po, mauna na po ako!!" Nagwave kami sa kanya at sinamahan na si Chieun ng ma'am niya.




"May kapatid ka pala, Taehyungie?" Halos malaglag ang panty---este brief namin ng makita silang apat sa harap namin.





"H-hindi ko siya kapatid, Hoseok. Pinsan ko siya." Sagot ni Taehyung at inirapan si Jungkook. Si Hoseok lang ang nginitian niya.





Naka pokerface ako habang nakatingin sa kawalan. Pansin ko ang ngisi ni Yoongi kaya agad na uminit ang pisngi ko. Mainit na nga ang panahon, ang hot pa niya!




I Want You || YoonMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon