Chapter Two
~Park Jimin~
"Eh yang sa'yo? Kanino galing?"
"Sa amin. Hihihi~"
Sabay kaming tatlo na napatingin sa 16 na babae. Hala siya! Ang gwapo talaga namin!
"Para saan ba 'tong mga bulaklak?" Halatang naiinis na tanong ni Jin.
Bukod kasi sa ayaw niyang may umaaligid sa kanya. Hindi pink ang kulay ng rosas kaya ganun.
"Kasi ang cute niyo. Gusto namin kayo." Sagot ng babae na nagbigay sa akin ng rose.
"Pfft, sorry miss. Hindi kami interesado so please, wag na lang kami." Seryosong sabi ko.
Nagpout sila. "Ah basta! Gusto namin kayo! Yun lang, bye!"
Napairap kaming tatlo. Kasabay ng pag-alis nila, ay siya ring pagdating ng mga sikat na cheerleaders.
Typical cheerleaders kumbaga. Scarlet, yung scarlet head na babae. Payat, morena, bitchesa at spoiled brat. Isama mo pa yung mga alipores niya. And----gusto niya si Yoongi ko! Psh! Mas maganda naman ako sa kanya! Pwe.
Si Ricah, payat, maputi, maganda? Ewan ko. Lagi niyang hinahabol si Jungkook. Nagpapahabol naman si Jungkook. Kinaiinisan siya ni Taehyung. Naiinis daw siya kahit wala namang ginawa sa kanya si Ricah.
Si Rylie, si Namjoon naman ang gusto niya. Feeling matalino pero kapag tinanong mo ng simpleng tanong, babaluktot ang dila. Alam niya kasing gusto ni Namjoon ng matatalino. Hindi siya qualified.
"Oh, andito na ang mga bitchesa! Grabe, ampapangit!" Bulong ni Jin at nagflip ng imaginary hair niya.
Napairap ako sa kawalan nang mapansin na halos lahat ng lalaki ay naglalaway sa kanila.
Maliban kina Yoongi. "Hala, Jimin! Nakatingin dito yung my labs mo!" Sigaw ni Taehyung with matching palo pa sa braso ko.
"Aish! Eh hindi naman ako ang tinitignan!" Sabat ko.
Pansin ko ngang nakatingin silang apat sa gawi namin. Hindi naman kami nag-a-assume, pero kami lang naman ang tao dito sa dulo.
Isama mo pa yung mga tingin ni Namjoon kay Jin. Si Jungkook naman, sumusulyap pa kay Taehyung.
Hindi naman sila tinitignan ng dalawang BFF ko!
"Hoy, Jimin! Wag ka ngang masyadong pahalata!" Sabi ni Jin at hinambalos sa akin yung bag niya.
"Aray naman! Oo na! Hindi ko na nga tinititigan eh. Sulyap lang. Hehe." Sagot ko.
This time, si Taehyung naman yung humambalos sa akin. "Ang landi mong bakla ka! Tara na nga!" Sigaw niya.
Habang naglalakad kami sa hallway ay biglang may humigit sa mga braso namin. "TAEHYUNG, JIN!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
I Want You || YoonMin
Fanfiction"I want Min Yoongi..." "OH GOD! I WANT HIM SO MUCH!" "I WANT YOU YOONGI-AH!" "Jimin, shut up!" Ang storyang ito ay nagpapakita ng kabaliwan ni Jiminnie the pandak kay Yoongilagid na pandak din. Sa sobrang obsessed niya, magiging sila pa kaya ni Yo...