Why we find it hard to do it

2.7K 78 15
                                    

Hindi kayo nag-iisa.

Ako rin, nahihirapan magdevotion regularly. Lumaki ako sa pamilyang nanalig sa Diyos, kaya naman na-accept ko na si Jesus as my Lord and Savior noong March 1, 2009. 6 years old ako no'n, 14 na ako ngayon. At kahit na 8 years na ang nakalipas simula nang tanggapin ko Siya, aba'y mas nahihilig pa rin ako sa kung ano-anong bagay. Nung grade 6 lang ako nagseryoso kay Lord, pero noong August 2016 lang ako nagdevotion. April 2017 lang ako nagstart magseryoso magbasa ng Bible - 'di pa daily 'yon.

Pilya ako during my younger years. Naaalala ko pa sinasabi ko kay Lord, "Magbabasa na po ako ng Bible, basta bibigyan niyo ako ng laruan," o kaya'y "Lord, hindi na ako magmamatigas ng ulo, magbabasa na ako ng Bible." Tapos edi nag-start ako sa Genesis, jusko chapter 1 pa lang inaantok na ako; tapos nang chapter 3 na ako inantok na ako. Tapos hindi ko na ulit binuksan Bible ko, ngayong taon ko lang ulit binasa - at by God's grace, naiintindihan ko na siya. Kaso nga lang 'pag nakikita ko na over 40 verses ang isang chapter, parang tinatamad na akong magbasa kasi ang haba. Pero sa bait talaga ni Lord, unti-unti ko nang na-o-overcome.

Ayon lang yung side ko, siyempre alam ko kayo may sarili kayong experiences and struggles. Pero ang tanong, bakit ba tayo nahihirapan magdevotion? Bakit kapag ibang bagay na ginagawa natin [siguro except sa household chores and homework] game na game tayo?

1) Na-o-obliga tayo. Ang nagiging tingin na natin sa pagde-devotion or pagbabasa ng Bible ay isang "task" na lang or "habit". Sintomas ito na mas naka-attach pa rin tayo sa maka-mundong bagay. Hindi naman masama 'yon, pero magiging masama lang siya kung sumosobra na. Mahilig ako sa K-drama, pero hindi 'yon naging hadlang para maglaan ako ng oras ka Lord. Pero minsan, dahil maganda yung palabas, hindi na ako nagbasa ng Bible. Kapag gano'n na yung nangyayari sa'yo, it's better to pray for it kasi si Lord lang talaga ang kayang baguhin ang puso natin. Ipag-pray mo na mas ituon mo na atensyon mo kay Lord bago ka pa mas ma-attach sa kamunduhan.

2) Hindi pa tayo masyadong nagpapa-sakop sa Holy Spirit. The reason why we can understand God's Word kasi nire-reveal sa atin ng Holy Spirit yung gustong iparating ng Diyos sa atin. So kapag inaantok ka, or nagsi-skip ng chapters kasi 'di mo bet yung message, ibig sabihin tina-try mong intindihin yung Scripture by your own. We should be careful with that kasi magkakaroon tayo ng "misunderstanding" or "maling akala" kapag gano'n.

3) Distractions are everywhere. Nagde-devotion or nagbabasa ka ba ng Bible kung saan kaharap mo yung TV or nasa maingay na paligid ka? Then I suggest na magkulong ka sa room mo kasi mas tatamarin ka lang magdevotion kapag nasa kaliwa't kanan mo ang distraksyon. Kung ayaw mo magkulong, edi mag-earphones ka at mag-play ng Christian music at tumalikod sa TV. Mag-download ka ng Bible or devotion app sa phone. O kaya mag-search ka sa net ng Scripture. Gano'n din gawin mo kapag nasa public place ka.

Na-gets mo na ba? Gorabells na tayo sa how to avoid these things — how to have better devotions!

Ways To Have An Effective DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon