Conclusion

1.4K 47 8
                                    

Mahirap man sa una, pero kakayanin natin para kay Lord. Kaya lang naman mahirap sa una kasi malaki ang impluwensiya ng mundo sa atin by nature. Pero the longer we seek God, the bigger His influence in us will be. Ito pa pala ang pahabol tips bago ako magtapos:

- Highlighting is life: Highlight lang ng highlight, mas matatatak kasi sa isip natin 'yon at mas madaling matatandaan.

- I prefer ESV and NLT versions. Pinaka-madaling intindihin na translation is NLT, pero mas tagos sa puso sa akin ang ESV. Still, read different versions of the Scripture. Don't be stuck sa isa lang, explore other translations!

- Share what you've learned: Hindi naman ni-reveal sa atin ni Lord ang Word Niya para itago lang. Marami pang taong nangangailangan ng natutuhan mo, ibahagi mo na! :) Masaya sa feeling 'to, though sa una parang nakakakaba. 'Wag kang maniwala sa lie ng kaaway na 'di mo kaya. Kasama mo si Lord!

- Don't deprive yourself: Kung tapos ka na sa devotion mo ngayon or sa reading plan mo for this day, kung nagha-hunger ka talaga or kaya mo pa, gorabells lang! That is very very good!

- Don't be so hard on yourself: 'Wag kang mainis sa sarili mo kung 'di ka nakapag-devo ng isang araw. Siyempre, maramu rin tayong ginagawa at 'di talaga maiiwasan na mangyari 'to. We are humans, and we stumble and fall. When you fall, don't stay like that. Rise up again, and go on with your devotion. Nasa learning steps pa rin tayo kaya talagang minsan madadapa tayo. Tinuturuan pa tayo ni Lord.

- Volt in a huddle group: Ito yung grupo kung saan pinag-aaralan Niyo yung Word ni God. Tawag ng iba rito ay dgroup, cell group, care group or life group. Matuto ka pag-aralan yung Word dito all the more and masaya rito kasi dito ka makakapaglabas ng mga saloobin ng hindi ka pinagtsi-tsismisan. Plus, ipapag-pray ka pa nila! ;)

Your huddle group can be your family, circle of friends and church mates.

Miss ka na ni Lord, so go on, talk to Him! :) Mahal na mahal ka Niya. <3

BIG NOTE!!

- If you seek to pray for a spiritual renewal, proceed to the next chapter.

- If you wish to know about Jesus, proceed to the last chapter.

- Kung may gusto kayong idagdag, i-comment mo lang :) Para mas marami ring malaman yung iba :)

- Thanks for reading, sana na-bless kayo :)

Ways To Have An Effective DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon