ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG ISANG TULA
"Nakita ko 'yung post mo na tula. Okay ka lang ba?"
"Ano ka ba, oo naman." sagot ko.
"Weh?"
"Hindi porke malungkot ang tula
Ay gayon na rin ang may-akda.
Nakikiramay lamang ako
Sa may-ari ng giyera.
Nakikisalo lang ako ng bala
Na ipinupukol sa kanya.Nakikisimpatya
Sa delubyo, delubyong sinusuong ng may-ari ng kwento.
Nakikitawid
Sa malalim na dagat na tinatawid nito.Dinarama ko lang naman
Kung anong ang tunay na nararamdaman
At ginagamit upang maitugma,
Ipinagtagpi-tagpi upang mabuo ang mga salita,
Upang maani ang mahalimuyak na bulaklak." sagot ko sa kanya, napaawang naman ang bibig niya. Hindi ko sigurado kung dala ng pagkamangha o kung ano pa."Pero alam mo, minsan hindi maiwasang malungkot ng may-akda. Hindi ko maiwasang malungkot." dagdag ko.
"Bakit naman? Dahil ba naaapektuhan ka sa kwento?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi. Nalulungkot ang manunula
Hindi dahil naaapektuhan siya sa kwento
Kundi dahil sa sobrang sanay ng mambabasa na hango sa isang pangyayari sa paligid ng may-akda ang isinusulat nito,
Nasanay na ang mambabasa na manahimik,
Hindi na magtatanong o iimik
Tungkol sa tunay na damdamin ng may-akda.Nalulungkot ang may-akda.
Hindi dahil masakit ang sinapit ng pinaghanguan ng kanyang akda.
Kundi dahil nasanay na ang mambabasa na nakikiramay ang manunula.
Nasanay ito ang mga malukungkot na salita
Ay hango lamang sa sa kwento ng isang tao
Na pilit tinatawid ang kalsada ng lumbay.
Hindi alam ng mambabasa na minsan,
Sa bawat sampung tulang isulat ng manunulat,
Dalawa rito ang totoo at hindi hango sa isang kwento.
Dalawa rito ay tunay na damdamin ng manunula
At hindi simpatiya lamang." sagot ko sa kanya.#
BINABASA MO ANG
Istasyon ng mga kataga [Wattys2019 Winner]
PoetryKalipunan ng mga tula na matatagpuan sa iisang istasyon. Istasyon ng mga Kataga © charmantder 2019 - wattys2019 winner -