6 - hindi na kita kabisado

6.1K 122 8
                                    

HINDI NA KITA KABISADO

Bata pa lamang ako,
Sabi ni nanay ay magaling daw akong magsaulo.
Mapa-tula man o maikling kwento
Na ihahayag sa entablado,
Sa harap ng maraming tao.

Sa sobrang galing kong magkabisado,
Maging ikaw ay akin nang saulo.
Mula sa iyong tawang nagiging sanhi ng paru-paro sa loob ng tiyan ko
Hanggang sa nunal mo mula paa hanggang ulo.
Kabisado ko rin na ayaw mo sa adobo
Isang katangian mo na minahal ko nang todo.
Ewan ko rin ba sa'yo, ayaw mo rin sa toyo.
Pero ewan ko bakit nasa tabi kita eh isa rin akong may toyo.
Ang gulo mo rin pero kabisado ko.

Kabisado kita,
'Pag galit ka, hindi ka galit talaga.
Gutom lang at inaantok pa.
'Pag inaaway mo ako,
Hindi ka galit sa akin, galit ka sa ginawa ko.
Kabisado kita, kabisadong-kabisado.
Alam kong may isa kang nunal sa siko,
Dalawa sa talampakan,
Isa sa kamay, partikular na sa kanan.

Kabisado kong lahat ng sabihin mo ay kabaliktaran ng gusto mong sabihin.
Alam kong magulo ka...
Pero kabisado kita.
Alam kong gusto mong makapasok sa UP
At nang makapasok ka, umiyak ka.
Ang pag-iyak mo ay kasiyahan.
Lahat ng kasiyahang natatanggap mo ay iniyakan mo.

Pero isang araw, nasa isang karinderya tayo,
Umorder ka ng adobo,
Naghalo ng kalamansi at toyo.
Matapos nating kumain ay nagalit ka.
Inisip kong inaantok ka pero naalala kong maghapon kahapon ay tulog ka.
Lahat ng alam kong ginagawa at ugali mo'y tila kabaliktaran ng ginagawa mo ngayon.
Nagpatuloy pa ito't tuluyan na akong nagtaka nang lubusan.

"Jene, hindi na kita kabisado. Nalilito na ako." sabi ko sa'yo isang araw nang biglang mag-away tayo.
"Hindi mo na ako kabisado kaya tama na. Tapos na tayo." hindi ko inaasahang isasagot mo.

Isang araw ay nakita kita,
May kasama kang lalaki— iisipin ko sanang magkaibigan lang kayo pero iba ang tingin niya sa'yo.
Malagkit din ang ipinupukol mong tingin sa kanya
Kaya naisip ko, may kapalit na ako.

Sumunod na araw ay nagkasabay tayong kumain,
Magkasama kayo, umorder ka ng adobo.
No'ng isang araw, tiningnan ko 'yung FB mo,
Wala ka na sa UP, lumipat ka ng FEU.
Sa isip ko, "Sayang. Gusto niya siguro ng toyo at adobo at sa FEU siya nag-aaral kaya gano'n ka a rin."
Hindi ako sigurado kasi hindi na nga pala kita kabisado.

#

Istasyon ng mga kataga [Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon