13 - anim para sa ika-pito

1.9K 25 0
                                    

𝐀𝐍𝐈𝐌 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐎
𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐲 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨

(𝘗𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢: 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘵𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘬𝘴𝘺𝘶𝘯𝘢𝘭 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨)

Pareho:
Ang mundo ay isang malaking Quiapo,
Maraming snatcher, kailangan mong tumakbo!

Anim... para sa ikapito.

Imulat, imulat ang iyong isipan
Hindi ito isang malaking palaruan
Hindi ito isang malaking palaruan
Bagkus ito lamang ay habol-habulan
Na kapag ikaw ang nahuli, ikaw pa ang mawawalan.

Tugon!

Pareho:
Ang mundo ay isang malaking Quiapo,
Maraming snatcher, kailangan mong tumakbo!

Hiraya:
Manuel Lopez, isang taong naghahangad ng buhay paraiso
Naghirap, nagsikap,kumayod nang husto hindi lamang isang tao
Ito ring tinutukoy ko ay lalaking pamilyado
Pamilyado na ang nais lamang ang kaginhawaan sa buhay
ngunit tadhana'y mapaglaro nga bang tunay?
Nanakawan, nawalan, at siya rin ay naiwan…
Maiwan?
Ikaw? naranasan mo na bang maiwan?
Ng isang bagay na labis mong pinahalagahan?
Hinakawan nang mahigpit,
Hanggang saan ito sasapit?
Teka, hindi ito kwentong pag ibig
Ngunit sadyang masakit at lubhang pasakit
Pinundar na milyones, ari-arian at bahay
Sa bilis ng kamay, bakit sa kanya'y napahiwalay?
"Ayos lang!" ika niya, materyal na bagay lang daw sambit ng pobreng ama
Hindi lubos maisip, sariling pamilya'y bibitaw
Labis ang pasakit nitong mundong ibabaw
Dugo't pawis ang kapalit ng mga bagay na ninais
Hapdi't sakit ang dinanas sa pamilyang nagwakas
"tatay, nanay, ate, kuya" tila wala na sa bokabularyo niya
Ngayo'y burado na ang paraisong buhay at ang nais na lamang ang pamilya'y makasama
Tugon!

Pareho:
Ang mundo ay isang malaking Quiapo,
Maraming snatcher, kailangan mong tumakbo!

Kasarinlan:
Naranasan mo na bang hindi makuha ang bagay na nais mo?
Waring binigay mo ang lahat ng iyong kakayahan ngunit tila hindi sapat para makuha ito?
Ikaw, ako, tayo, marahil naranasan na nating lahat ngunit ang pangalang babanggitin at sitwasyong iku-kwento ko’y pakinggan mo.
Pamela Honrado,
Isang butihing asawa na ang tanging hangad ay kabutihan ng pamilya.
Isa lang naman ang nais niya,
Ang magkaroon ng anak—
Na magiging simbolo ng pag-iisang dibdib nila ng mahal na asawa
Ang tanging kahilingang hindi maibibigay sa kanya.
Isang kahilingang pinipigalan ng isang kapansanang nakuha niya—
Ovarian cyst! Mga bukol sa obaryo!
Opo, isang tahimik na sakit na mapanira.
Pinipigilan ang kaniyang biktima na magdalang tao pa.
Isang sakit na pinipigilan siyang makamit ang kasiyahan ng isang ina.
Pingkaitan ng pagkakataong alagaan ang isang supling na mula sa kaniya.
Marahil... nakalulungkot nga
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakilala si Pamela,
Isang batang, isang batang kapitbahay nila.
At sa hindi rin inaasahang pagkakatao’y napalapit ito sa kaniya
At marahil dulot ng kagustuhang maging isang ina,
Nasagi sa isip niyang ang batang ito ay dapat na sa kaniya
Hindi inisip na may mawawalan din ng kasiyahan tulad ng noong nadama niya,
Tugon!

Pareho:
Ang mundo ay isang malaking Quiapo,
Maraming snatcher, kailangan mong tumakbo!

Hiraya:
Noel Perez, INOSENTE PO AKO! INOSENTE PO AKO!
Inukit sa palad kapalarang kay saklap
Bulok na pamamalakad kanyang nalalanghap
Nakahandusay, duguan
kawawang babae sa daan
itong isang bata na may muwang na kaisipan
kaibuturan ng kanyang puso'y nais na tulungan
Imbes na papuri't karangalan
Bagkus nauwi sa kulungan
Nabahiran ng dumi pagkataong iniingatan
dahil sa pinagkaitan ng karapatan
Oo, pinagkaitan, pinagdamutan
'yung tipong pag aari mong tunay
ngunit hindi mo mahawakan
Pag-aari mo ngunit hindi mo makamtam
Pag-aari mo ngunit hindi mo mahagkan
Tama 'di ba? Isa ka sa kanila?
Oo ikaw, ikaw na nakampanteng mayroon siya
ngunit sa huli, aagawin ng iba
Isang karapatang karapat dapat
Na dahil sa masangsang na sistema
sa sariling kamay nagdusa
Tugon!

Istasyon ng mga kataga [Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon