ANG ALAMAT NG PAGLIKHA
Sa aklat na Genesis, ang unang aklat sa Bibliya---kilala sa tawag na paggawa o paglikha, anim na araw na ginawa ng Diyos ang mundo at nagpahinga siya noong ikapito.
kaya't ikaw rin,
Trabaho rito, trabaho roon,trabahong walang hanggan
Matapos ang isang linggong trabaho ay hinihiling kong magpahinga ka naman
Ngunit bago iyan ay nais ko munang balikan
Kung paano mo nilikha ang aking mundo---tulad ng paglikha ng Diyos sa mundo at kung paano niya pinatibay ito.Lunes,
Ang unang araw ng paglikha
Ang simula ng iyong paggawa
Sa araw na ito, ikaw na'y magsisimula-- sa paghulma, sa paglikha
Ito ang araw na iyo na kaming makasasalamuha
At sa unang beses na nasilayan ko ang timpla ng iyong mata,
Nabasa ko na talagang sabik ka.
Nakita ko rin ang iyong mga kamay,
Na bagamat puno ng kalyo'y alam kong ito'y tanda ng paghihirap
Kaagapay ang humubog at sa'yo'y humulma't nagpalakas.
Sa araw na ito'y tuluyan mo na kaming hinulma.
Nilikha mo ang liwanag na sa aming daan ay magiging tanglaw patungo sa susunod pang mga arawMartes,
Ang ikalawang araw ng paglikha
Pinakita mo sa akin ang taas ng alapaap,
Kung ano ang dito'y maaari kong malasap.
Sa ikalawang araw na ito'y tinuruan mo akong mangarap
Mangarap na singtaas ng mga nagpuputiang ulap
Ngunit hindi mo ako hinayaang mangarap mag-isa
Sa bawat proseso't pagkakataon ay nariyan ka.Maging sa pagdating ng ikatlong araw, Miyerkules.
Hindi ka lamang basta naghulma, ikaw rin ay nagtanim at nagsaka.
Nilikha mo ang mga pataba ng kaalaman at ipinasok mo sa aking mga tenga.
Araw-araw mo rin itong dinidiligan ng panibagong mga bagay na magpapalaki sa itinanim mong punla.
Ang iyong mga kamay ri'y malakas at makapangyarihan
Ikaw ang gumabay at umalalay sa aking bawat hakbang
Nang ako'y paakyat sa marupok na parte ng baitang patungo sa tagumpay, ako'y lumagapak ngunit ako'y sinalo ng iyong mga kamay.
Niyakap, inalalayan at ibinalik sa pagtahak sa tagumpay.Matapos ito'y ang ikaapat nang araw, Huwebes.
Ang naunang paglagapak ay nasundan ng isa pang pagpalya at nasundan ng isa pa
Ang puso'y rumupok, ang mga mata'y pansamantalang nabulag at nawala sa landas ng liwanag
Sa gitna nito'y ang iyong pag-alalay ay hindi kailanman pumalya,
Nilikha mo rito ang mga bituwin upang ang gabi'y maging umaga,
Ang bituwin na nagsilbing aking salbabida sa paglangoy sa dilim kasama ang bulag na mga mata.
Dahil dito'y nakabalik na naman ako sa landas na tinatahak ko noong una.Ayan na, nang makabalik ako'y hindi mahigitan ang saya kaya sa pagsapit ng ikalimang araw, Biyernes.
Bagamat nakakikita na at ang puso'y maayos na matapos madapa'y hindi mo pa rin ako hinayaang mag-isa.
Sa puntong ito, binigyang mo ako ng pakpak,
Pakpak na magdadala sa akin sa lugar na mas mataas.
Tinuruan mo ako kung paano kumampay upang makarating sa pinakatuktok at labanan ang hanging marahas.
Tinuruan mo akong labanan ito upang hindi na muling umalpas sa tamang daang dapat matahak.
Sabi mo'y kumampay lamang ako nang kumampay at sundan ang nakikitang trakKaya sa pagsapit ng ikaanim na araw ay narating ko ang dulo ng simula.
Dulo na nangangahulugang tapos na ako sa parteng ito
at simula na nagsasabing sa pagtatapos ko rito ay may haharapin akong bago
Bago na kung saan kailangan kong magamit ang mga tinuro mo.
Na lagi kong tignan ang aking tanglaw,
Na ang pangarap ay isagad sa alapaap,
tinaniman mo rin ako ng butil na kailangan ko pa ring palaguin,
Idagdag pa rito na itinuro mo rin ang liwanag ng mga bituwin na gagabay sa dapat kong tahakin.
Sinabihan at tinuruan mo rin akong lumipad kasabay ng hangin sa aking harap.Naririnig ko na ang isang pamilyar na kanta na tanda ng pagtatapos n g iyong paglikha
At pagsisimula ng iyong pahinga.
Ito na ang huling araw ng paghulma,
Ito ang araw ng pasasalamat at sukli sa iyong mga ginawa.
Suot ang bestidang puti at natamong mga medalya---hindi lamang ang mga medalyang kumakalansing at kumikinang tulad ng barya ngunit pati na rin ang medalyang simbolo ng tibay, tagumpay at pag-asa.
Dala ang mga ito ay tinahak ko ang kabisado nang makulay na pasilyo ng eskwela, kinuha ang mikropono at nakatanggap ng palakpakan mula sa madla.
Ako si Eva, bunga ng matagumpay na anim na araw mong paglikha.#
Ang piyesang ito ay binigkas ko kanina (01/28/2020) sa pagpupugay sa ating mga guro kasabay ng pagdiriwang ng Catholic Teachers’ Day hehe may video po ito kaso nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Istasyon ng mga kataga [Wattys2019 Winner]
PoesíaKalipunan ng mga tula na matatagpuan sa iisang istasyon. Istasyon ng mga Kataga © charmantder 2019 - wattys2019 winner -