8 - hanggang kailan ka papatay?

4.8K 76 3
                                    

HANGGANG KAILAN KA PAPATAY?

Hanggang kailan mo wawakasan ang isang sanggol na walang muwang
Na walang ginawang masama sa'yo pero dahil sa ayaw mong mahusgahan ay iyong kinitilan.
Nang dahil ayaw mong masampal at maitakwil ng iyong ina- na siguradong nagpupuyos sa galit ay hindi mo siya ipinaglaban.
Hanggang kailan ka papatay ng kinabukasan dahil sa iyong kapusukan?

Hanggang mo tatapusin ang buhay ng isang tao para maiahon ang pamilya sa hirap ng buhay?
Hanggang kailan ka mag-aabang sa madilim na daan at ang makitang dumaa'y tututukan ng kutsilyo't dadalhin sa liblib na damuhan- pagsasamantalahan at uuwing dala ang gamit ng biktima't ibebenta sa kung saan.
Hanggang kailan mo masisikmura ang kumain ng pagkaing galing sa iyong maruming mga kamay?

Hanggang kailan ka kikitil ng pangarap para sa tawag ng iyong laman?
Hanggang kailan ka manloloko ng batang walang alam na bibilhan mo siya ng kendi ngunit ang totoo'y gagawin mong palipasan?
Hanggang kailan mo ring idadahilan na ang bata'y iyong pinagsamantalahan dahil maselan ang kaniyang kasuotan?

Hanggang kailan puputol... ng kasiyahan dahil sa sila ay pareho ng kasarian?
Hanggang kailan mo sila mamatahin at patuloy na ipaglalaban na mali ang kanilang pag-iibigan?
Hanggang kailan mo sila hihilain pababa dahil makasalanan ang kanilang ginagawa ayon sa mga nababasa mong kasulatan?

Hanggang kailan mo papuputukan ng baril at hahabulin ang isang tao nang walang sapat na ebidensiya't dahilan o dahil naturo lang?
Hanggang kailan mo gagamitin ang iyong baril sa maling paraan at ang ihaharap mo sa mga balita'y ang dahilang siya ay nanlaban?

Hanggang kailan mo ipatatambangan sa iyong mga sikretong tauhan ang mga taong taliwas sa iyong pinaniniwalaan?
Hanggang kailan mo makakayang bumangon sa umaga kahit na kagabi'y binangungot ka ng iyong kagagawan?
Hanggang kailan mo maaatim na makita sa telebisyon ang kwento ng isang binatang naputulan ng pangarap dahil lang sa ipinaglalaban niya ang kaniyang karapatan- at ng ibang mamamayan na taliwas sa iyong polisiya't pilosopiya?
Hanggang kailan ka papatay ng taong ang tanging hangarin ay maisulong ang kapakanan ng kabataan, kababaihan, ng lahat ng miyembro ng lipunan?

Hanggang kailan maghihintay ang mamamayan upang matigil ang ganitong uri ng mga kabulastugan?
Ilang taon at henerasyon ang kanilang aabangan upang mamatay ang ganitong uri ng sistema sa lipunan?
Ito na ba ay matutuldukan o patuloy lamang na madaragdagan?
Hanggang kailan kami maghihintay?
Hanggang kailan ka papatay?

#

Note: Hi, I'm back with a new "sabog" poem. Maliligo na po ako everyday para laging may ganito hehe juk.

Istasyon ng mga kataga [Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon