3 - isang pagsusuri sa taong hinamak ng depresyon

13.4K 255 19
                                    

ISANG PAGSUSURI SA TAONG HINAMAK NG DEPRESYON

Beshie:
Uy, Sis, ayan na naman siya—
Nakangiting sasalubungin ang umaga,
Masiglang haharapin ang mga guro sa ingles maging sa matematika,
Makikipagtawanan pa sa mga kaeskwela.

Sis, alam mo ba,
Nakakainggit ang kanyang mga ngiti tuwing umaga.
Paano kaya niya ito nagagawa?
Paanong sa kabila ng pagiging huli niya sa klase'y nagagawa niya pa ring tumawa?
Nakakainggit siya.
Paanong ang saya-saya niya sa kabila ng sigaw ng mga guro sa kanya?
Paanong—

Sis:
Alam mo, beshie, kulang ka sa pag-oobserba.
Kulang na kulang talaga.
'Wag kang mainggit sa kanya— at pangaraping maging siya.
Pagsisisihan mo— iyong isusumpa.

Sa kanyang pagtawa,
Tignan mo ang kanyang mga mata,
Naniningkit ba? Kung hindi'y peke ang tawa niya. Hindi siya nakakainggit talaga.

Sa kanyang pagpasok sa umaga,
Pansinin mo ang pulsuhan niya,
May mga linya— mapula.
Subukan mong hawakan, 
Aaray siya, o mas malala'y iiyak siya.

Matapos niyang malamang huli na naman siya,
Subukan mong sundan siya sa pag-uwi niya,
Makikita mo ang luha niya— na hindi hihinto hangga't hindi sasapit ang umaga.

Beshie,
'Wag kang maiinggit o pangaraping maging siya— mahirap.

Beshie: 
Kahit anong sabihin mo'y hahangaan, kaiinggitan at papangarapin ko pa ring maging siya
Dahil nagagawa niya ang hindi ko magawa—
'Yon ay ang tumawa't ngumiti kahit masakit na.

#

Istasyon ng mga kataga [Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon