1 - tinig ng isang maginoong lasing

47.8K 871 105
                                    

TINIG NG ISANG MAGINOONG LASING

Pare, ang ganda n'ya, 'di ba?

Ang kanyang balingkinitang katawan,
Mga binting kumikinang sa kaputian,
Mga labing 'kay sarap tikman- halikan,
Dibdib na may kalakihan.

Pare, ang sarap...

Pero, pare...
Atin siyang hayaan,
Bigyan ng kalayaan
Na maisuot ang nais n'yang kasuotan
Nang hindi hinuhusgahan- pinagnanasaan, sinusutsutan ng mga tulad nating tambay sa daan na walang ginawa kung hindi tumagay na tila walang hanggan.

Pare,
'Wag natin siyang nakawan ng hinaharap,
At kunin ang puri sa isang iglap
At panandaliang dalhin sa alapaap.
Alam mo pare, mahirap n'yang matanggap.

Pare,
Kanina ka pa walang kibo,
Gising ka pa ba o lasing na?
O baka naman pinagpapantasyahan mo na s'ya- 'wag naman sana.
Baka nga lasing ka na.
Pare,
Tara na,
Iuuwi na kita,
Hayaan na natin siyang makarating sa kanila
At mabalita ang araw n'ya sa kanyang ina.

Pare, tara na...

#

Istasyon ng mga kataga [Wattys2019 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon