Prologue

259 30 77
                                    

Maaga akong bumangon para makita ang nalalapit na panganganak ng kabayo naming si Zia. Sa ikalawang pagkakataon ay manganganak siya ulit at sana'y maging ligtas ang pagsisilang niya ngayon. Noong isinalang niya kasi si Zeon ay muntik ng magdelikado ang buhay niya, buti na lang at naagapan namin ito.

"Señorito, ipaghahain ko na po kayo?"salubong sa akin ni Manang Mely nang makasalubong ako sa komedor.

"Huwag na po muna Manang. Kape lang muna. Kailangan kong magpunta ng maaga sa kuwadra para makita ang panganganak ni Zia."sagot ko sa kanya at naupo ako sa upuang nasa mesa.

Ipinagtimpla naman ako kaagad ni Manang Mely ng kape at ibinigay agad sakin na umuusok pa.

"Tama lang ang gising mo, dapat nga ay kumain ka na. Naroroon naman na si Kokoy at Gustin para asikasuhin si Zia."

"Mabuti na rin ho na nando'n ako. No'ng nanganak sya ng unang beses ay wala ako kaya ngayon babawi ako sa kanya." Nakangiti kong sabi dahil sa kagalakan na makikita ko ngayon ang pagluluwal ni Zia sa kanyang mga anak.

Sa sampung kabayo na nasa hacienda,  si Zia ang pinaka-gusto ko. Sya ang palagi kong sakay sa tuwing nililibot ko ang kalawakan ng lupain ng Tierra Florenza. Marami na kaming pinagsamahan, masasabi ko ring isa na si Zia sa mga kaibigan ko. Kahit minsan ay hindi niya ako pinabayaang mahulog. Sa tuwing nakasakay ako sa likod niya ay nadarama ko ang kapayapaan.

Hindi ko pa nauubos ang kapeng iniinom ko ay humahangos na dumating si Kokoy.

"Señorito, nanganak na po si Zia!"hinihingal pang saad nito.

Hindi ko na tinapos ang pagkakape at tumayo na ako agad. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang garahe kung saan nakaparada ang Rouser 200 ko.

"Umangkas ka na." Utos ko kay Kokoy na nasa likod ko. Pagkasakay niya ay mabilis kong pinaharurot ang motor papuntang kuwadra.

Dalawang minuto lang ay nasa kuwadra na kami. Nakita ko si Zia na hirap na hirap pang mailuwal ang anak niya. Sa tabi niya ay mayroon ng isang bisiro na kulay itim!

Hindi ako makapaniwala na magdadalawa ang isisilang ni Zia ngayon. Kayanin kaya niya ito? Kung no'ng unang beses ay nalagay sya sa alanganin, posibleng mas lalo ngayon!

"Gustin, sakyan mo ang motor. Puntahan mo si Doc Vargas, sabihin mong kailangan ko sya ngayon."sabi ko kay Gustin na nakaalalay may Zia nang mga oras na 'yon.

"Opo Señorito."

"Kokoy ikaw na ang umalalay kay Zia." Sabi ko naman kay Kokoy.

Lumayo ako sandali at kinuha ko ang cellphone ko sa pantalon.

"Mang Domeng, kumusta po diyan sa palayan? Mukhang hindi ako makakapunta dyan agad dahil nanganak si Zia." Pagkausap ko sa kabilang linya.

"Señorito, dapat nga po ay tatawagan ko na kayo. Maaga kasing nagpunta dito ang tao ni Mr. Canona, kung hindi raw po kasi natin kukunin ang pinareserve nating pataba sa kanila ay ibibigay na daw nila ito sa mga nagtatanong. Bibigyan nya daw tayo ng isang linggo."mahabang paliwanag nito na ikinainit ng ulo ko.

Bakit ngayon pa? Ngayon pa talaga sila nakisabay kung kailang nanganganak ang kabayo ko?!

No'ng isang buwan ay ako mismo ang nakipagusap kay Mr. Canona na bigyan ako ng pataba na nagkakahalaga ng 100,000 para sa malawak na palayan ng hacienda. Ngunit hindi ko ito nakuha sa araw na pinag-usapan. Humiling pa nga ako na iextend kahit ilang linggo pa ang palugit.

Hindi ko kasi makuha ang pataba dahil wala akong hawak na 100,000 ngayon. Hindi ko naman ugaling maglabas ng pera sa banko, mapapersonal account man o pera ng hacienda. Ang katwiran ko kasi ay ang anumang ipasok sa banko, ay hindi na pwedeng ilabas maliban na lamang kung talagang kinakailangan.

Hindi ko naman inaasahan na malulugi kami ngayong buwan na ito dahil sa nagdaang bagyo. Kaya walang naging kita ang hacienda at hindi ako nakalikom ng sapat na halaga para sa pataba. Dito ako nagdesisyon na magloan sa banko no'ng isang linggo. Naibigay ko na lahat ng requirements at tawag na lang nila ang hinihintay ko.

"Nandyan pa ba ang tao ni Canona?"may pagkaasar ko ng tanong. Mainit na ang ulo dahil hindi makapaghintay ang mga ito.

"Opo."

"Pakisabi sa kanila na bigyan pa ako ng limang araw. Pagkatapos ay pwede na nilang ibigay sa iba ang pataba kung hindi ko 'yon makukuha."

"O-opo Señorito."

Ibinaba ko na ang cellphone dahil tiwala naman akong pagbibigyan ako ni Mr. Canona sa hiling ko. Matagal na rin namang suki niya ang Tierra Florenza pagdating sa pataba.

Tinawagan ko naman ang hotline number ng banko kung saan ako nag apply ng loan.

"Hello Ma'am! Goodmorning. This is Nathan Steve Alejandro. I just wanna ask the status of my loan application?"nilambingan ko pa ang pagtatanong sa babaeng kausap ko para makuha ko ang loob nito.

"Okay Sir, wait a moment."medyo matagal din akong naghintay bago ulit sya nagsalita. "Sir nakahold po ang application ninyo." She said very sadly.

I was shocked and really disappointed. "What?!"

Naipasa ko na lahat ng requirements na kailangan. Kung tutuusin nga ay sobra sobra pa ang naibigay ko. At ang sabi ay maghintay lang ako ng ilang araw at tatawagan na lang ako para sa tseke.

"Yes Mr. Alejandro, nakahold po sya dito sa branch namin eh."

"What exactly do you mean by that?!"I unintentionally raised my voice because of frustrations.

"May note po kasi sa papers ninyo from our head office na kailangan ninyo raw po magapply personally do'n sa H.O., or else disapproved po ang loan."paliwanag ng babae sa kabilang linya.

"Kung gano'n pala bakit hindi nyo sinabi agad? Sana nagawan ko agad ng paraan. Anyway, saan ang H.O.ninyo?" Asar na asar na ko! Kung sino man ang may pakana ng pagpapahirap na ito sakin sa banko na 'yon ay malalaman ko rin at hindi ko alam kung ano ang masasabi ko sa kanya!

I didn't think na ganito na pala kahirap magloan sa banko ngayon. Kailangan pa mag apply personally sa head office? Samantalang ang sabi sa branch na pinagpasahan ko ng application and requirements ay tatawagan na lang ako.

"I'm really sorry Mr. Alejandro, ngayon lang din po nakarating ito samin. Sa BGC Taguig po ang H.O.ng banko Sir."

"Okay, salamat! Can you please send me the exact address?"

"Yes Sir. At may isa pa po palang note Sir. Pagdating nyo daw po doon ay hanapin niyo agad ang opisina ni Joie Monte Luna, sya po ang kakausapin ninyo."

"Okay thank you!"

Sana lang ay mapigilan ko ang sarili ko pag nakaharap ko ang Joie Monte Luna na 'yon! Dahil kung hindi ay baka masuntok ko sya!

Oh, bakit ngayon pa? Gggrrr!!!.......

Teka si Zia, si Zia.!

Nagmamadali akong bumalik sa kuwadra para lang makita ang wala ng buhay na si Zia. Para na rin akong natanggalan ng isang parte ng pagkatao ko sa pagkakita sa kanya.

Sabay sabay talaga ang mga pangyayari. Pangyayaring hindi inaasahan.



A/N:

Good day! Isa na naman pong kwento o storya ng pagmamahalan ang nabuo sa malikot na pag iisip ng inyong lingkod. Sana po ay suportahan ninyo rin ito katulad ng binibigay ninyo sa TSTB. Maraming salamat! 😚

Ps: Ang pronunciation po sa Joie ay Jowi, hindi po Joy. 😁😉

Saranghae,

Cha Rivero ❤

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon