The PreparationNathan's POV
Mag-iisang linggo na pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag mula kay Jen o kay Joie. Well that's a good thing though, para hindi na rin ako maabala dito sa hacienda. Panahon kasi ng mangga ngayon at kasalukuyang nagpapa-harvest ako.
Pero sa katunayan niyan, kahit full time ako dito sa Cabanatuan ay may parte ng isip ko na naiwan yata sa Manila. I just don't know why... it's like I wanna go back there as soon as possible kahit hindi naman importante. Nakakatawa ang iniisip ko pero 'yun ang totoo.
I wanna see her... her eyes that were consistently cold, the arch of her pretty brows and her oozing pouty red lips. If I would be ask if I like her... I can't say yes. Puwedeng gusto ko lang makita ang katarayan niya. I'm fond with her 'cause she's really different. Parang hindi siya apektado ng charm ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla ay gusto ko na lang siya makita. Hindi ko naman type ang mga katulad niya. Gusto ko kasi sa isang babae ay malambing, cheerful and friendly at submissive. Si Joie naman ay kabaliktaran ng lahat ng 'yon. Malamig, suplada, mataray at bossy pa. Ngayon lang ako nakakakilala ng isang tulad niya--- a very bossy and cold brat. Nakaka-challenge lang na hindi tumatalab sa kanya ang pang-aasar at pambubuska ko sa kaniya.
Kaya naman kahit ayokong i-tolerate ang attitude niyang 'yon ay pumayag pa rin ako sa offer niya. Kahit malaking parte ng buhay ko ang magbabago sa sandaling maikasal ako sa kanya. Actually, I'm not after the loan now... let us just say kailangan niyang maturuan ng leksyon. And another thing was that I felt something inside me that she really needs me. After all, it will be like hitting two birds with one stone. I woud have the chance to help her while teaching her how to deal with people in a nice way.
Lalo pa akong nagulat at namangha sa ginawa niyang draft ng contract. Nakakatawa siya. Masyadong feeling! Huwag daw mai-inlove huh! Talagang hindi ako mahuhulog sa kanya, hindi ko nga siya type eh.
At higit sa lahat, she's really playing the role of a possessive wife in that contract. Gusto pa niyang mag-stay kami sa bahay niya after ng kasal. Buti na lang gumana ang charm ko sa kanya no'ng araw na 'yun at pumayag s'yang baguhin ang rule. Tingnan ko lang kung paano siya mag-adapt sa buhay probinsiya.
Hindi naman kasi talaga pupwede na habang nagpapanggap kaming mag-asawa ay do'n ako titira sa kanila. Mahirap 'yun... paano ang hacienda? Hindi naman pwede na basta ko na lang iwanan sa mga tao ang pamamalakad dito. Siya ang may kailangan sakin, matuto rin siyang mag-adjust. Hindi 'yung palaging siya ang dapat masunod. Hindi pwede ang ganoon sakin.
She's really a spoiled bratinella and a manipulative heiress if I may say. Unang tingin mo pa lang sa kanya mukhang ang hirap niya nang pakisamahan. I wonder how Jen can still stay with her. Naasar pa niya ko no'ng magtanong ako sa kanila ng way papuntang comfort room. Sasagot na sana si Jen pero sumingit siya at itinuro ako sa roof top. What the heck?! Ihing-ihi na ako tapos do'n ako ituturo ng babaeng suplada na 'yun. Mainam!
Bumaba ako ulit sa floor na pinanggalingan ko at buti na lang may napagtanungan ako agad na utility kaya naituro niya sakin ang comfort room na naroroon lang pala. Hinanap ko ang opisina no'ng Joie Monte Luna at itinuro ako sa Office of the Empire's President. Nagulat ako dahil hindi yata basta-basta ang taong kailangan kong makausap tungkol sa loan. Nang pumasok ako ay lalo pa akong nabuwisit nang malaman na ang mataray na babae pala ay walang iba kung hindi siya--- si Samantha Joie Monte Luna.
"Señorito, may tawag po kayo. Hindi raw po ma-contact ang cellphone ninyo eh," sabi ni Missy--- ang aking staff dito sa maliit na office ng hacienda--- habang isinesenyas ang hawak na telepono.
Naputol ang lahat ng iniisip ko at napakunot-noo. "Sino raw Missy?"
"Misis ninyo daw po Señorito," nakangiting saad niya at parang kinikilig pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/109237428-288-k721276.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heirs
RomanceNaiwan ang lahat ng kayamanan kay Samantha Joie nang pumanaw ang kanyang mama. Kabilang na ang Bank Empire, ang chain of banks na pinalago at pinalawak ng mama niya. Ngunit hindi iyon mapapasakanya hanggang hindi sya nag-aasawa! Tuluyan lamang niy...