Chapter 4

106 15 28
                                    

The Rules

"Rule No.1 : Both parties shall not date anyone until the end of the contract."

Binasa niya ang unang rule sa contract na ginawa ko. Tumingin siya sakin na parang nanunuri. "So, does it mean na ikaw lang ang pwede kong i-date niyan?"

Napahinga ako ng malalim sa kapreskuhan ng lalaking ito. "Of course!"

"Make it sure na malaki ang ibabayad mo sakin kung sakali ngang papayag ako. Dahil ang pagpapakasal sa'yo ay ang pagkuha mo ng kalayaan ko." Prenteng saad nito habang nakatingin sakin.

Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Well, wala tayong kailangang pag-usapan tungkol sa bagay na iyan Mr. Alejandro."

Napa-wow naman ang bibig niya sa sinagot ko. "That's good! Wala akong reklamo dito dahil alam ko naman na ganito ang mangyayari."

Alam mo naman na pala eh, sa isip ko lang. Kaya lang hinabaan ko pa rin ang pasensiya ko dahil nandito na rin lang kami. Kung papayag ito ay wala ng atrasan at sisikapin ko na ngayon mismong linggo na ito ay maikasal kaming dalawa. Too early, much better!

"Alright. Then?" Tanong ko sa kanya pero hindi ako pinansin ng loko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Rule No.2 : The married couple shall live in bride's house in the terms of the contract."

Binasa niya ng mas malakas ang ikalawang rule at kita ko sa kanya ang pagka-disgusto. "Is there any problem with that?"

Marahas na tumingin siya sakin. "Hindi pupwede ang gusto mong ito. May hanap-buhay ako sa probinsiya na hindi ko maiiwan at alam ko naman na alam mo 'yon."

Ginawa ko ang kontrata without thinking kung ano'ng klaseng buhay at pamumuhay ang mayroon sa mapapangasawa ko. I made the draft right after Attorney and I talked about  Mom's Will.

"It will be a very short time Mr. Alejandro. Kapag natapos na ang kontrata ay pwede ka ng bumalik sa inyo. At saka ano'ng ginagawa ng cellphones at iba pang gadgets?"

"Ms. Monte Luna, ang negosyo ko ay hindi tulad ng negosyo mo. Maraming mawawala sakin sa isang araw na wala ako roon. Honestly, ang pagpunta ko dito sa Maynila ay napakalaking abala na sakin."

"But you have no choice but to be here. And still, you have no choice but to deal with it."

Ibinaba niya ang papel. Tumingin siya sakin ng masama at pagkatapos ay kay Jen na tahimik lang na nakikinig saming dalawa. Bumalik ang tingin niya sakin at nilabanan ko naman ang tingin niyang 'yon. "I think, it's done. I'm quit. And forget about that damn loan!" Biglang sabi niya at saka siya tumayo.

Ha? Akala ko kailangang kailangan niya ng pera? Hindi pwedeng basta na lang siya umatras. Oh no! It can't be. Wala na akong oras eh. I need to rush things.

Tumayo ako para pigilan ang paglayo niya. I need to calm him down. "Wait, akala ko ba may gusto kang baguhin?"

Hininto niya ang paghakbang at lumingon sakin na nakataas ang isang sulok ng labi. "You said I have no choice."

I cleared my throat. "Ahm, yes. I mean, you have no choice to accept the offer but you have a right of course to change some rules." I gave him a sweet pretty smile after.

Kailangan ko siya kaya ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. Kung hindi lang? Nek nek niyang makita ang smile ko na napakamahal sabi nga ng mga tao dito sa Empire.

Tumalikod siya sandali at pamaya-maya pa ay bumalik na sa kinauupuang couch. "So, are you willing to live in the province? Well yes, dahil naroroon ang source of living ng lalaking mapapangasawa mo." At saka humagalpak na naman ng tawa.

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon