The Contract
Nahihilo na si Jen sa kaka-paroo't parito ko dito sa opisina. Pinaiinit na naman kasi ng Alejandro na 'yon ang ulo ko at kay aga-aga ay sinisira na niya ang araw ko. Ano'ng oras na, wala pa siya. Alas nueve na ng umaga at masasabi kong late na siya. Although wala kaming napag-usapang oras ng pagbalik niya ay mas inasahan ko na maaga siyang darating.
Reality speaking, kung hindi lang talaga ako nagmamadali, hindi siya ang pipiliin ko. But I must admit, hindi ako dumating sa puntong 'yon. Dahil wala naman akong pinagpilian. Siya lang talaga ang masuwerteng lalaki na namataan at natagpuan nitong si Jen.
"Ma'am Sam pwede ba umupo ka na muna, relax lang." Si Jen habang isinasandig ang ulo niya sa headrest ng couch.
Naawa naman ako sa kanya dahil hawak na niya ang ulo niya. Sinunod ko naman siya at umupo na rin. "Nakakainis na talaga kasi ang lalaking 'yon! Late na siya. Ano ba ang akala niya, wala tayong ginagawa dito?"
"Anong oras mo ba siya pinapunta Mam?"
Napaisip ako. Kahit anong sikap na gawin ko para maalala, hindi ko maalalang nabigyan ko ng oras ang pagbalik niya dito sa opisina. Paano kung basta na lang hindi pumunta dito 'yun? No, he won't do that. Hindi siya ganoong tao and I knew it. May pinag-aralan siya at may sinasabi rin naman, hindi niya itatakbo ang 100,000 pesos na binigay ko sa kanya.
"Wala. Basta ineexpect ko lang siya ng maaga today. And he disappointed me already!" I said after I stood up and went to my table to get my phone. Tatawagan ko na lang siya para makasigurado. Bumalik ako sa couch at nakita kong nakatingin si Jen sa akin na nakasalubong ang mga kilay. "Why?" Tanong ko sa kanya.
"You are going to call him, aren't you?" Sumagot ito ng tanong rin na parang takang-taka sa posibleng gagawin ko.
"Of course, to check on him. Why? Gusto mo ikaw na?"
Umiling siya."Ikaw na Mam, mas maganda at mas sweet yata 'yun."
I was shaking my head for that comment when I realized na wala nga pala akong number ng lalaking 'yon. "Ah Jen, my number ka ni Alejandro?"
She gave me a wide smile. "Of course Mam! Buti na lang at nai-save ko agad from his loan application form. You know... in case of situation like this."
I frowned. "Seriously?" Tanong ko sa kanya na nakataas pa ang kilay.
She gasped and touched her chest to emphasize her shockness. "Mam! Are you jealous or what?"
Ako ang labis na nagulat sa tinanong ni Jen. Ako? Magseselos? "Of course not! Why shoud I? Never! Period." Para tinanong ko lang naman kung totoo ngang naisave niya agad ang number no'ng lalaking 'yun!
"Okay Mam, if you say so." Napakibit-balikat na ako sa sinabi niya. Binigay naman niya agad ang number nito at tinawagan ko na.
After a few seconds he picked up the phone. "Hello? Who is this?" He asked in a very formal tone.
His voice was husky. A baritone voice that could make my heart thump. Did I just like his voice? Well, sana naging boses na lang siya. I laughed on my mind but I stopped and cleared my throat. "Hi!"
"Yes, hello?"
"This is Joie."
Matagal na hindi siya nagsalita. Naghintay pa ako ng ilang segundo at magsasalita na sana ako. "Misis ko! Bakit napatawag ka? Namiss mo na ako agad?" Biglang sabi niya at saka tumawa pagkatapos.
Tsk. Napaka-hangin talaga! Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. "What time will you be here? You're late!"
"Namimiss mo na nga ako agad Misis ko. Gusto mo na akong makita eh. Don't worry Misis ko, I'm on my way. Isa pa, inoorasan mo ba ang magiging hubby-dubby mo? Tsk. Tsk. Bad wifey there huh." At saka siya tumawa na parang nang-aasar. Napapadalas na talaga ang pagtawag niya sakin ng Misis ko.

BINABASA MO ANG
The Heirs
RomanceNaiwan ang lahat ng kayamanan kay Samantha Joie nang pumanaw ang kanyang mama. Kabilang na ang Bank Empire, ang chain of banks na pinalago at pinalawak ng mama niya. Ngunit hindi iyon mapapasakanya hanggang hindi sya nag-aasawa! Tuluyan lamang niy...