Chapter 2

152 29 103
                                    

Dedicated to cutemaxx, emeraude472, crimanja, MaryShairaMadrazo and MaryJephClaveria

Meeting without Knowing

Nathan's POV


Inayos ko muna ang paglilibing kay Zia bago ako bumalik dito sa mansyon. Ayon kay Dr. Vargas ay hindi nga nito nakayanan ang ikalawang beses na pagsisilang kaya binawian ng buhay. Kung alam ko lang na hindi na niya kaya, sana hindi ko na sya hinayaan magbuntis at mag-anak! 

Pinark ko sa garahe ang motor at pinatay ang makina nito. Nilapitan ko si Manang Mely na nagwawalis sa harapan ng bahay.

"Manang Mely, sinabihan ko ho si Ernan kanina bago ako bumalik na isasama ko sya sa Maynila bukas. Baka magtagal kami ng dalawa o tatalong araw doon."

Si Ernan ay ang bunso niyang anak na nagtatrabaho rin dito sa hacienda. Sa tuwing luluwas ako sa Maynila para mamili ng mga gamit na kailangan sa mga pananim ay ito lagi ang kasama ko. Sya din ang pinagkatiwalaan kong magbantay at maglinis sa condo ko na nasa San Juan.

"Sige po Señorito. Anong oras ba ang alis ninyo?"

"Alas singko ng umaga bukas ay lalakad na kami para hindi kami abutin ng traffic. Ihahatid ko na lang muna si Ernan sa condo saka ako pupunta ng Bonifacio."

I cannot afford to wait. Kaya pagkasend sakin ng babaeng nakausap ko sa phone kanina ay nagdesisyon na ako agad na bukas na bukas din ay kailangan ko ng lumuwas. Habang tumatagal ay naiipit ako sa kompromiso kay Mr. Canona. Gustuhin ko mang kumuha ng pataba sa iba ay hindi maari dahil ako naman ang mapapahiya.

Isa ang lahi ng Alejandro sa Cabanatuan na may palabra de honor. Hindi ako ang sisira no'n. Kahit pa nakialam talaga ang kung sino mang Joie Monte Luna na 'yon!

At kung sakaling hindi niya ako aaprubahan sa inuutang ko, pwede na ang isang suntok sa pagmumukha niya makabawi lang ako sa abalang ginawa niya. Pero biro lang 'yon, yayain ko na lang sya ng one on one suntukan. Biro lang ulit, tatambangan ko na lang sya at magsasama ako ng tatlong goons para ipabugbog sya.


Biro lang, biro lang. Ito totoo na, baka mapagsalitaan ko lang sya. Ayoko namang manakit at baka makulong pa ako mahirap na.


Kawawa naman ang mga taong umaasa sakin at sa hacienda.

"Ipaghahanda ba kita ng mga prutas at gulay para may baunin kayo roon ni Ernan?" Pagkuwa'y tanong sa akin ni Manang Mely habang tuloy pa rin sya sa pagwawalis ng bakuran.

Napangiti ako sa sa sinabi niya. Hindi sya nagkulang ng pag-aalaga sa akin. Naiisip ko nga minsan mas inaasikaso pa niya ko kesa sa tunay niyang mga anak. "Huwag na po, pagdating do'n ay mamimili na lang kami ni Ernan. Isa pa, hindi naman sigurado kung magtatagal nga kami do'n ng ilang araw. Malay niyo, bukas rin ng gabi ay nandito na kami."

Hininto niya ang pagwawalis at tumingin sa akin. "Mabuti naman kung gano'n. Ano ba ang lalakarin mong 'yon at biglaan naman ata ang pagluwas mo Señorito?"

"Tungkol po do'n sa loan ko sa banko. Hindi po ako maaprubahan dyan sa branch nila. Ang kailangan daw ay magpunta pa ako ng Head Office nila. At may lalaki pa akong kailangang hanapin."

"Señorito bakit kasi hindi ka na lang magwithdraw? Bakit kailangan mo pang magloan?"

"Manang, hindi na baleng mangutang ako. Huwag lang mabawasan ang account ng hacienda."

The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon