The Will
"What?! Attorney, pakiulit mo nga ang sinabi mo? Did I hear it right?!" I lost my temper. Napakadali talagang uminit ng ulo ko.
Gano'n na lang ang pagkagulat ko pagkarinig sa sinabi ni Atty. Aranas, ang Family Lawyer/ Legal Consultant/ Right hand ng yumao kong Mama.
"Yes Sam, you heard it right. You will only get the full responsibility in all properties your mother left if and when you get married in two months." Inulit nga ni Atty. ang kakasabi lang niya. Inabot rin niya sa akin ang papel upang makita ko na totoo nga ang kanyang binasa mula sa Last Will and Testament ni Mama.
Notarized ang papel dated bago pa siya mawala. Ibig sabihin talagang pinagplanuhan at pinaghandaan niya na ito. Pero bakit? Ano'ng kinalaman ng pag-aasawa ko sa pamamahala ng negosyong iniwan niya?
Sumakit ang ulo ko sa isiping ito. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng galit sa aking mama sa ginawa niya. Saan ako hahanap ng mapapangasawa? Alam naman niyang hindi pa ako nagkakaboyfriend. Bakit niya ito ginawa sakin? Bakit?!
Within 2 months? What the hell is this?! Boyfriend nga wala ako in 24 years of my existence, asawa pa sa loob lamang ng dalawang buwan?! Holy crap! Parang mabibiyak na ang ulo ko.
Binalingan ko si Atty. "Paano kung hindi ako makapag-asawa in 2 months time? What will happen?"
"Then all of the properties, including this house, 10 condo units, 7 lots, 3 houses in America and the Bank Empire will be given to different charities your mom helping. Ang maiiwan lang sayo ay ang personal bank account niya." Seryosong wika ni Atty.
"What?!" Gusto ko atang himatayin. "It's really unbelievable Attorney! She's so unfair! I hate her!" I can't control myself. Naiiyak na ko sa galit. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkawala niya ay ganito pa ang iniwan niya sa akin.
Simula pagkabata ay malayo na ang loob ko kay mama. Mahal namin ang isa't isa pero hindi kami malapit. We didn't have a perfect mother and daughter relationship. Madalas ay sa business ang focus niya at wala sa akin. Bihira lang niya akong bigyan ng panahon.
Madalas nga no'n sa school kapag may family affair, laging si Aunty Jesse ang kasama ko. Ako lang ang walang parents na kasama. At kapag Mother's Day naman at may events sa school, kung hindi ang Aunty ay si Attorney Aranas ang aking dala-dala.
Hindi nagkulang ang Mama sa pagsuporta sa akin ng mga bagay na kailangan ko. Sobra sobra pa nga kung tutuusin. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, maliban na lang sa oras niya. 'Yon naman talaga ang kailangan ko over anything else.
Simula naman o'ng mamatay ang Papa ko sa isang insidenteng hindi ko malilimutan, lumayo na ang loob ko sa mga lalaki. Tumiim sa utak ko na hindi na ako mag-aasawa sukdulang tumanda akong dalaga at mabuhay ng nag-iisa.
Tapos ngayon ganito pa ang gagawin niya sakin?
"Your mom knew that you won't let that happen. Relax Sam, you can make it."
Relax? How? Paano ko magagawang magrelax? Saan ako hahanap ng magiging asawa ko? Saan lupalop ako ng mundo pupunta para makapag-asawa? Napakahirap isipin.
"Attorney, hindi ba natin ito magagawan ng paraan?" Tanong ko sa kanya. Baka naman may pag-asa pang mabago ang lahat at alam kong sya lang ang makakatulong sakin.
"Sorry Sam, legal ang papel at ilang abogado ang nakapirma. We don't have any choice but to follow the will."
Nawala na ang kaunting pag-asang inaasahan ko. Kahit si Atty.ay hindi ako matutulungan. Wala na akong choice kung hindi humanap ng lalaking mapapangasawa.
BINABASA MO ANG
The Heirs
RomanceNaiwan ang lahat ng kayamanan kay Samantha Joie nang pumanaw ang kanyang mama. Kabilang na ang Bank Empire, ang chain of banks na pinalago at pinalawak ng mama niya. Ngunit hindi iyon mapapasakanya hanggang hindi sya nag-aasawa! Tuluyan lamang niy...