Dedicated to paxenxiosa77, MaryJephClaveria, MaryShairaMadrazo, emeraude472, drexukun and MindaHiramis
The Offer
Joie's POV
Habang papasok kami ni Jen sa opisina ay hindi ko makalimutan ang pagkainis ko sa lalaking nakasabay namin sa elevator. Nakakagigil! Manghihiram daw ako ng mukha sa aso?! Ha! Eh kung hindi ko nga siya pautangin? At ipakaladkad ko na lang siya ng nakadapa?
And to think na siya ang kakausapin ko para maging asawa? Hell no! Hindi na, ayoko na! Ayoko sa kanya. Never!
"Uy Ma'm Sam, bakit naman itinuro mo sa rooftop si pogi eh wala namang cr do'n? Baka naman magkasakit pa 'yon sa bato." Tumatawang tanong sakin ni Jen.
"Buti nga 'yon sa kanya! Maghanap siya ngayon ng cr sa taas." Padabog na ibinaba ko ang bag sa mesa. At umupo ng pabagsak sa upuan.
Nakakaasar lang kasi! Ang bastos magsalita ng lalaking 'yon!
"Napaka-harsh mo! Don't forget, husband to be mo sya." Kinikilig na sabi pa ni Jen habang umuupo sa couch sa harap ng mesa.
"Ako pa ngayon ang harsh? Didn't you remember what did he say back in the elevator? At kung hindi mo ako pinigilan kanina, nasipa ko sana siya!"
"Ma'am, kung hindi ko kayo inawat kanina, baka kung ano pa ang mangyari. Remember naghahabol tayo ng oras." Tumaas-taas pa ang mga kilay niya.
"The hell I care Jen! Ayoko sa lalaking 'yon. He's nothing but a bastard sh't! Find another one." Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'yon. Ayoko na siyang makita. Sana nga sa ginawa ko na 'yon ay hindi na siya magpakita pa!
"Ma'am ano ka ba naman, intindihin mo 'yung tao. At saka ang gwapo gwapo sasayangin mo? The way he talked kanina, parang highblood din siya and based on what I heard, napagkamalan atang lalaki ka eh. Kasi naman, kung alam niyang babae ang Joie Monte Luna, hindi naman na siguro niya paghihiramin ng mukha sa aso. Grabe naman siya."
Sabagay may point naman si Jen. Naisip ko rin 'yon kanina na baka nga iniisip ng lalaki na 'yon ay lalaki ang Joie na kailangan niyang makausap about sa loan niya. Pero kahit na, hindi pa rin maganda ang sinabi niya! At hindi sya gwapo, period! Mukha syang.. para syang.. magsasaka! Oo tama, a typical hacienda owner and a farmer!
Pamaya maya ay may kumakatok. Nagkatinginan kami ng matagal ni Jen na para bang tinatanong ako kung itutuloy ko pa ba ang pakikipag-deal sa lalaki o hindi na.
May pakiramdam ako na ang lalaking 'yon ang kumakatok. Binigyan ko si Jen ng isang dont-go-to-that-fucking-door look. Pero tinaasan niya ako ng kilay at kumibit balikat.
Oh no! As if I have a choice right now. Im running out of time, ain't I? I sighed with frustrations. I nodded Jen to open the door. Pagbalik niya ay nakangiti siya at nakita ko sa likuran niya ang lalaking bastos kanina. He is frowning at the moment which makes me laugh only on my mind. Naglaro kasi sa isipan ko kung ano ang ginawa niyang pag-pee at kung saan nga siya naka-pee.
And surely, hindi ko napigilan ang sarili ko na irapan siya.
"Ma'am Sam, this is Nathan Steve Alejandro." Tiningnan ko ang lalaki at hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Tumingin din naman sya sakin pero binawi din agad. "Nathan, meet Ms. Samantha Joie Monte Luna."

BINABASA MO ANG
The Heirs
RomanceNaiwan ang lahat ng kayamanan kay Samantha Joie nang pumanaw ang kanyang mama. Kabilang na ang Bank Empire, ang chain of banks na pinalago at pinalawak ng mama niya. Ngunit hindi iyon mapapasakanya hanggang hindi sya nag-aasawa! Tuluyan lamang niy...