4. The Heir

513 3 0
                                    


"Hoooooy!!!" sigaw ni Sophia, isa pang kabarkada ni Quinn and Alex, while looking for her place sa table ng dalawa in the school's cafeteria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoooooy!!!" sigaw ni Sophia, isa pang kabarkada ni Quinn and Alex, while looking for her place sa table ng dalawa in the school's cafeteria. Sophia Andrade is one of Quinn's rich friends na kasama niya sa Hawaii. "Grabe yung entourage kanina sa harap ng school. Dumating na yata yung anak ni Mr. Lopez."

Arturo Lopez is Bentley University's current director. He is the CEO of the Lopez Group of Companies, aside from the school, may hotel and restaurant chains, malls, furniture imports and exports, and so much more. His only son, Greyson Lopez, is his heir. Pinanganak at lumaki sa Pilipinas pero nag-aral sa London simula 10 years old. After 9 years, Greyson decided to come home.

"Pinagtataka ko lang, bakit kaya bumalik ng Pilipinas? Nagsawa na sa London?" Alex innocently asked.

"Ang balita ko, eto eh rumors lang naman, nagkaproblema raw sa London eh kaya naisipang lumipat ng school. Swerte lang natin at araw-araw nating masisilayan ang kagwapohan niya." sagot ni Sophia pagkatapos sumigaw nang napakalakas na halos umabot na sa kabilang kanto.

"Problema? Eh ano kayang problema? Nagkakaproblema pa kaya ang ganyan ka yaman?", tanong ni Alex. "Pero, maiba, gwapo ba talaga?"

"OMG Alex. Ang gwapoooo!!! Daig pa ang artista. Parang walang pores!" sigaw ni Sophia.

The Lopez family has always been private. Palaging si Arturo Lopez lang ang nakikita sa news and sa google. His family members have steered clear from the public eye kaya ni walang recent pictures na lumalabas sa google. This is the first time na makikita ng lahat ang isang grown-up Greyson Lopez after 9 long years of "hibernation."

"Quinn, are you okay?" tanong ni Alex na napapansing namumutla and nananahimik si Quinn, just listening to her and Sophia talking. "Bat ang tahimik mo? Di bagay sayo!"

Everything is still clear on Quinn's mind kahit isang buwan na ang nakalipas simula nang inoffer ni Sir Torres sa kanya ang special project. Ginoogle, walang makitang recent pictures. No instagram and facebook page. No other social media accounts. Kaya nang mabalitaan niyang dumating na pala ang bagong lipat, biglang nag flashback lahat. Ang school play. The Notebook. Her possible first kiss with a stranger.

"Ahhh.. wala. May naalala lang." sagot ni Quinn, trying to veer herself away from the question at hand. "So ano nga yung pinag-uusapan natin?"

"Yun nga." patuloy ni Sophia. "The heir has finally decided to come home. And I am so lucky to have the first glance."

"Decided? Or forced?" Quinn raised the question. "Maybe he DID something grave so he was forced to come home. Asus! Memorize ko na yang mga ganyan. Rich guys are usually problematic. Laking abroad pa."

"Eh ano bang alam mo? Wala ka pa ngang naging boyfriend?", rebuttal ni Alex.

"Alam nyo, ang sasama nyo mag-isip." Sophia defended. "Ang balita ko pa nga eh ulirang anak yan. Very formal and straight A student pa. Hinuhubog na yata to take over his dad's businesses."


Just then, whispers and shrieks were heard at the cafeteria all at the same time. There he was. Greyson Lopez. And he just happened to walk a few meters from Quinn Buenavista.

Si Quinn, na natulala. Si Quinn na namumutla. Si Quinn na nacoconscious. Likod lang pala ni Greyson ang nakita. hahaha.

 hahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The New Year KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon